chapter 10

7.9K 147 4
                                    

UNEDITED!!
😊😊😊😊😊enjoy!

POSITIVE.

Tulala ako habang binabasa ang print out result ng ginawang physical exam sakin ng medical machine na kayang ioperate ni Xandra habang tsinecheck ako.

Sa kagustuhan kong mapabulaan ang mahigpit na paniniwala ni Donovan na buntis ako ay nagsagawa ako ng physical exam matapos ang nakakapagod naming ginawa kanina sa silid ko.

Ilang beses kong inulit ang test na ginawa ko pero pare-pareho parin ang resulta, buntis nga ako!

Wala sa sarling napahawak ako sa impis kong tiyan habang ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Kakayanin ko bang magdala ng isang pang buhay sa loob tiyan ko?

Kung di dahil sa resulta ng ginawa kong test ay di ako maniniwalang may nqbubuhay ngayon sa sinapupunan ko.

Kahit may takot at pangamba akong nadarama ay napapawi naman iyon tuwing naalala ko ang ina ni Donovan na isang napakahinhing maliit na babae na kinayang dalhin sa sinampupunan niya ang kambal na si Momiko at Moriko at maging si Donovan na pawang malalaking tao.

Kinaya noya kaya malaki ang chance na kakayanin ko dahil di hamak naman na mas malakas ako sa kanya.

Kaya ko ngang lumaban sa malalakas na kalaban eh di mas kakayanin kong magdadalang-tao, di ba?

Di naman ako mahina para di kayanin ang ganitong kondisyon gayong inilikha talaga ang isang babae upang sa kanya mabuo ang isang panibagong buhay.

Walang dahilan para ikatakot ko ang isang tungkulin na tanging babae lang ang binigyan ng kakayahang gampanan.

"Xandra, show me some videos about women giving birth.".

Ang kailangan kong gawin ngayon ay paghandaan ang nakatakdang pagluwal ko sa batang nabuo sa sinapupunana ko.

" This video is way back 1990, many centuries ago."

Sa mismong harapan ko ay isang holographic video ang nagplay matapos ko marinig ang malumanay na boses ni Xandra.

Isang babae buntis ang kasalukuyang nakabukaka paharap sa akin.

Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko sa kabila ng sunud-sunod kong paglunok dahil sa mukhang napakaskit ng nangyayari sa babae habang iniluwal niya ang isang sanggol.

"Stop!", malakas kong utos kay Xandra nang di ko na makaya ang naririnig kong sigaw at ungol ng babae dahil sa sakit.

Talaga bang doon lalabas ang bata?

Nanayo ang balahibo ko at parang gustong bumaliktad ng sikmura ko.

Nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Donovan ay lalong sumama ang nararamdaman ko.

" Namumutla ka. Anong nangyari sayo?", nag-alala nitong tanong at agad na lumapit sa akin.

"Nasusuka ako—", huli na dahil bigla akong nasuka sa mismong kinatatyuan ko.

" Rayawa! Grevon!! Grevon!", mura niya sabay sigaw sa pangalan ng pinsan niya habang inilalayan ako.

"Anong nangyari?", bungad ni Grevon mula sa pinto.

"Tubig, kumuha ka ng tubig.", natarantang utos ni Donovan dito.

Iglap lang ay natagpuan ko na ang sarili ko na nakaupo sa kandungan ni Donovan habang pinakiramdaman ang sarili ko.

Falling SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon