chapter 5

9.1K 145 1
                                    

Wala akong balak na muling maranasan ang uri ng parusang binibigay sakin ng lintek na Irah na ito ng syudad ng Dragus kaya sinubukan kong tumakbo palayo sa kanya.

Nakakainis lang at masyado siyang maliksi kahit pa malaki ang pangangatawan niya kaya agad niya akong nahawakan sa braso at mabilis na idinikit sa matigas niyang katawan.

Mas matangkad siya sakin at hanggang dibdib niya lang ako kaya sisiw sa kanya ang ikulong ako sa matitipuno niyang mga braso.

Napaigtad ako nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko na nagpapatayo sa mga balahibo ko.

"Shit! Noooo!!", malakas kong sigaw na nauwi sa ungol nang isang kamay niya ang humaplos sa puson ko.

" Nakakainis ang pagsasalita mo ng lenggwaheng di ko maintindihan.", madiin nitong anas habang dumadampi na sa balikat ko ang mainit niyang mga labi.

Mariin ko nalang naikuyom ang mga kamao ko dahil wala akong magawa kung hindi ay labanan ang reaksyon ng katawan ko sa bawat haplos dampi ng mga kamay at labi niya sa traydor kong katawan.

Kasing eksperto ng mga humanoid robots sa pleasure house sa Earth capital ang lalaking ito sa pagpapainit ng katawan.

Di ko man naranasang pumasok sa mga pleasure house na iyon upang kunin ang serbisyo ng isang humanoid pleasure machine ay sapat na ang mga kwento ng mga kasamahan ko sa trabahong suki sa ganoong mga lugar upang malamang ang reaksiyon ng katawan ko ay katulad ng mga nararamdaman ng mga kakilala kong nasubukan ang serbisyo ng mga humanoid pleasure machine na iyon.

At, hindi ko matanggap-tanggap na isang dugo't laman na taong mula sa planetang ito ang nagbibigay sa katawan ko ng ganitong mga reaksiyon.

Ramdam ko ang pagdaloy ng parang nagbabagang dugo sa bawat ugat ng buo kong katawan.

Maging ang bawat pintig ng puso ko ay parang malakas na tambol na umalingawngaw sa pandinig ko.

Naging mabagal ang bawat paghinga ko at halos di ko na mapigilan ang pag-alpas ng mga ungol aa nakaawang kong mga labi.

Parang may adrenaline rush na nangyayari sa buo kong katawan dahil sa paglalakbay ng mapagpalang mga kamay ni Donovan sa nagpapaubaya kong katawan.

Di ko na nga namalayan ang pagbagsak ng kapiranggot kong suot sa paanan ko dahil sa libo-libong sensasyong lumukob sa buo kong katawan.

Isang malakas na singhap ang lumabas sa mga labi ko na sinundan ng malakas na ungol nang walang babala akong pinadapa sa malambot na kama.

Kahit ang bahagyang pagkaipit ng hinaharap ko sa malambot na sapin sa kama ay dumagdag sa sensasyong nararamdaman ko.

Sumisigaw ang utak ko na isang malaking pagkakamali itong nangyayari pero ayaw namang kumilos ng alin mang bahaging ng katawan ko upang patigilin ang mga kamay na pumipisil at humahaplos sa nagdedeliryo kong katawan.

Nang inayos ako ni Donovan sa pagkakahiga ay agad na tumambad sakin ang seryoso niyang mukha habang dahan-dahang pinaghiwalay ang dalawa kong mga hita.

Wala sa loob na napahawak ako sa isang matipuno niyang braso nang naramdaman kong humaplos sa gitnang bahagi ng katawan ko ang isa niyang kamay.

Napaigtad ako at malakas na napaungol nang unti-unting bumaon sa kalambotan ko ang isang mataba nitang dalirin.

"F*ck! Shit! Ohhh! Aah!", di ko napigilang mura nang maglabas masok sa loob ko ang daliri niya.

" Faster!!! please! Aah!", halos magmakaawa kong anas kahit alam kong imposible  niya akong maintindihan.

Falling SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon