Habang sakay kami ng mga space fighter ships ay di nawala ang ugnayan namin sa isa't isa at sa Earth Government.
Pinag-aralan namin ang mga lugar na maaring lalapagan ni General Ramses at ng mga sundalo niya.
Malaki ang naitulong nina Donovan at Irah Morco sa mga kasamahan ko.
Di man sila nagkaroon ng training katulad naming mga elite fighter ay sapat na ang kaalaman nila upang masasabi naming di na nila kami kailangan sa gagawin nilang pagligtas sa planeta nila mula sa anumang uri ng pananakop.
Ganunpaman ay buong puwersa ang inioffer naming suporta para sa layunin nila.
Di namin alam kung gaano kahanda ang grupo ni General Ramses sa pagharap sa mga mandirigma ng planet -x gayung matagal na pala niyang pinag-aralan ng palihim ang mundong iyon kasama ang mga naninirahan doon.
"Siguradong una silang lulusob sa angkan ng DaGit! Dahil alam naman nating ang angkang iyon ang pinakatiwalag ang mga nasasakupan! Ang laki kasi ng ulo ng Irah Dugong na iyon! Kasing laki ng katawan niya kaya hangin ang laman at hindi utak.",litaniya ni Irah Morco habang pinapakita sa lahat ang mapa ng angkan ng DaGit.
Nasa kanlurang bahagi ito at malapit sa pinakamalaking katubigan ng planet -x at malapit lang ito sa Ag-Ila.
" Mahihirapan sila sa angkan ng MagSak dahil masyadong madugo ang angkan na iyon kaya siguradong ang Ag-Ila ang sunod nilang puntirya.", seryosong sabi ni Donovan.
"At, magkalapit lang tayo kaya siguradong ang Dragus ang susunod.", nakangising sabat ni Heneral Bores.
" Tss...baka nakalimutan mong nakakaamoy ng dugo ang mga taga MagSak kaya siguradong sa unang pagdanak ng dugo ay aasahang dadagsa ang mga ito.", sabi naman ni Moriko.
"Isa pang problema natin ang mga tagaMagSak na iyon! Talaga bang kumakain sila ng laman ng tao at umiinum ng dugo?", sabat ni Grevon.
"Ewan , pero malalaman natin pagdating natin doon. Matagal-tagal narin mula noong may nakasalubong akong nagmula sa angkan ng MagSak.", seryosong sagot ni Irah Morco.
Sa tono niya ay mas kinabahan pa ako sa mga taga MagSak kaysa sa mga sundalo ni General Ramses.
Sino ba naman ang di kabahan kung makakasalubong ka ng taong kumakain at umiinom daw ng laman at dugo ng tao.
" Attention Everyone, we are approaching Planet-X atmosphere at our maximum speed. Our sensors detected some explosions on other part of the planet."
"Look for a clear area for landing near the explosions.", pahayag ko sa report ng naunang fighter ship sa sinasakyan namin.
"Secured area for landing 1km away from the nearest explosion."
"Give me a nearer area.", giit ko.
" It's dangerous if we will land nearer."

BINABASA MO ANG
Falling Sky
RomanceYear 3000..... SCI-FI WITH A TASTE OF DARK PLEASURES...😉 MATURE CONTENT.... RATED SPG.... YOU'VE BEEN WARNED! COVER BY: ghiiaannee