chapter 4

9K 169 36
                                    

Oh God! Pigil ang hiningang nilibot ko ang mga mata ko sa mga naglalakihang structures na nadadaanan namin habang nakaangkas kami sa balatik, ang means of transportation ng mga tao sa makalumang planetang ito.

Moderno man ang pinanggalingan kong planeta pero .as nakaka.angha ang solidong pagkakagawa ng mga nagtataasang gusali na nadadaanan namin ngayon.

Gawa sa di pqngkaraniwang bato ang bawat gusali na may iab't-ibang kulay.

Marunong naman pala silang gumawa ng matitibay at malalking gusali pero di nila alam ang tamang kasuotan!!

Parang gusto kong paulanan ng mura ang lalaking nasa likuran ko ngayon nang mapansin ang pagdagsa ng mga tao sa paligid ng dinadaanan namin gayong halos wala akong suot na saplot kaya nakahantad sa madla halos hubad kong katawan.

Parang isang prusisyon ang nangyayari at may nagsasaboy ng mga bulaklak sa amin at parang nagbubunyi sila sa pagbabalik ng Irah nila dala ang maraming mga huli sa pangangaso.

Uso pala dito sa planetang ito ang ganoong gawain at sa pinakitang kasayahan ng lahat ay mukhang isang malaking okasyon ang pagbabalik ng mga taong sumama sa pangangaso.

Napansin ko rin na puro kalalakihan ang mga sumamang nangaso at maging sa mga nagkumpulang mamayan ay halos ang mga naglalakihang katawan ng mga kalalakihan ang naroon.

Nang mapansin ko ang ilang mga kababaihan ay halos lumuwa ang mga mata ko.

Katulad ng suot ko ang mga suot nila na halos labas na pati kaluluwa.

Iyong iba nga ay kitang-kita ang tayong-tayo nilang utong dahil napakanipis ng suot nilang pang-itaas.

Kung gaano kalakaki at kamaskulado ang katawan ng mga kalalakihan nila ay masyado namang manipis ang mga katawan ng mga kababaihan nila.

Para silang mga modelong ginutom ang sarili para maachieve ang napakaseksing kurba ng katawan.

Pero di tulad ng mga modelo sa Earth Central ay di sila katangkaran. Halos abot lang hanggang sa balikat ko ang pinakamatangkad na babaeng namataan ko.

Bawat babaeng sumalubong sa mga bagong dating ay may kasamang lalaki na animo bodyguard na matikas na nakatayo sa likuran nila at syempre di mawawala ang malaking espada na nakasabit sa baywang nila.

Tuwing kikilos ang mga babae ay parang aninong nakasunod ang mga lalaking kasama nila kaya kung di lang dahil sa mga masasayang ngiti ng mga kababaihan ay iisipin kong bihag sila ng mga maton na kasama nila.

Di ko lubos maisip kung paanong makakaya ng mga babae dito ang laki ng katawan ng mga kalalakihan nila.

Sa ginawa sakin ng piste na lalaking kasama ko ay sigurado akong aktibo sa pakikipagtalik ang mga kalalakihan nila dito kaya gusto ko tuloy maawa sa mga babae nila.

Ako nga na mas matangkad at sanay sa banatan ng buto ay di lubos na maisip kung paano tatagal na hindi mahimatay kung natuloy ang nasimulan ni Donovan kagabi sa akin.

"Mabuhay ang IRAH ! Mabuhay ang Siyudad ng Dragus!!! Mabuhay!!"

Halos mabingi ako sa sigawan sa paligid. Sa laki ba naman ng mga katawan ng mga kalalakihang nandito ay di nakapagtatakang malalaki din ang buo nilang mga boses.

Para palang paggalang o titulo para sa pinuno nila ang Irah.

Sa paggalang at pagpapahalagang ibinigay ng mga tao dito sa paligid ko ay nasisiguro kong itong si Donovan ang pinuno nila sa lugar na ito.

"A-anong ginagawa mo?", naalarma kong tanong nang isang kapirasong lubid ang
itinali niya sa pulsohan ng kamay ko.

" Wag kang malikot baka mahulog ka.", seryoso nitong sabi.

Falling SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon