Ang inaasahan kong madugo at mahirap na labanan ay hindi nangyari.
Paano ba naman kasi, eh nang makita ng mga kasamahan ni Amir ang dalawang Irah ng planetang pinanggalingan nila ay parang mga takot na kuting na nagsisuko ang mga ito.
Maging si Amir Beddaker na nag-astang siga sa loob ng Earth Government ay parang batang paslit na yumukod sa dalawang irah.
Kung mayroon mang dismayado sa nangyari ay walang iba kundi ang angkan ng Ag-Ila lalo na ang irah nila na si Irah Morco.
Siya pa naman ang nanguna sa pagpasok sa Earth Government building na binantayan ng ilang mga takas na priso pero nang magsisuko ang mga inaasahan niyang magbibigay sa kanya ng magandang laban ay napagdiskitahan niyo ang mga monumento sa paligig ng Capital.
Lahat ng mga nadadaanan niyang monumento ng mga kilalang tao sa Earth Capital ay tinataga niya gamit ang malaki niyang espada.
Hinayaan nalang namin siya sa rampage na ginagawa niya tutal ay madali lang naman palitan ang mga winasak niya.
Tanging si Donovan at Heneral Gores lang ang nakakalapit sa nagwawalang Irah.
Kumalma lang siya nung naagaw ang pansin niya ng mga pleasure humanoid robots na nakadisplay sa labas ng isang pleasure house.
Main attraction sa mga nanakop sa Earth ang mga pleasure house kaya nga 24/7 silang bukas tulad nang ngayon, may nagaganap na paglusob pero bukas parin sila.
Matapos kong ipaliwanag kay Irah Morco kung para saan ang mga naggagandahang babae na iyon na isang pleasure machine dito sa Earth Capital na gawa sa pinakamalambot na metal at silicon o anupang mga sangkap upang magmukhang parang tunay na tao ang mga robots na kumikilos ayon sa nakaprogram sa micro chip na nasa ulo nila na nagsilbing utak nila ay di ko inaasahang hihingi siya ng isa kapalit daw ng pagkadismaya niya sa inaasam na labanan.
Dahil sa binigay na tulong ng presensiya ng mga kasama ko mula sa planet-x ay binigyan ng head council ang anumang kahilingan ng mga bisita namin at kasama na diyan ang natipuhang pleasure machine ni Irah Morco.
Isa lang ang problema, nakatakas si General Ramses at ang iba niyang mga kasamahan na taga Earth Capital sakay ang pinakamalaking space ship ng Earth Government.
Agad ay di nag-aksaya ang mga nakalayang kasapi ng Earth Government na ilocate ang kasalukuyang kinaroroonan ng itinakas na sasakyan ni General Ramses.
Binigyan ako ng parangal ng Earth Government dahil sa diumano ay malaking naitulong ko sa muling paglaya ng aming tahanan mula sa mga mananakop.
Napapansin kong ilag parin ang mga kasapi ng Council sa mga ksamahan kong taga Planet-X.
Iyon ngang iba ay nagdadalawang isip pa na kausapin ako dahil sa malaking taong laging nakasunod sakin na parang bodyguard.
Si Donovan.
"Sir Aguas, hihingi po sana ako ng permiso sa inyo na bumalik sa Planet-X kasama ang mga kasamahan ko papunta dito.", magalang kong kausap sa head council namin.
Kasalukuyan akong nakaupo sa loob ng Council Headquarters na minsan ko lang noon napuntahan dahil sa trabaho ko pero ngayon ay nandito ako bilang isang importanteng panauhin.
" Matapos ang mga nagawa po para sa Earth ay nararapat lang naman siguro na pagbibigyan kita sa anumang kahilingan mo.", nakangiting sabi ng head council.
"Ikaw ang magiging ambassador ng planeta natin sa Planet-X. Sa mga kwento mo ay nakikitaan ko ng pag-asang matutulungan tayo ng mga naninirahan doon upang iligtas ang mundo natin mula sa tuluyang pagkawasak.", seryosong dagdag nito.
BINABASA MO ANG
Falling Sky
RomanceYear 3000..... SCI-FI WITH A TASTE OF DARK PLEASURES...😉 MATURE CONTENT.... RATED SPG.... YOU'VE BEEN WARNED! COVER BY: ghiiaannee