chapter 16

10.1K 298 178
                                    

UNEDITED!!

Sa tulong ng mga makabagong teknolohiyang lulan ng mother ship ay nakagawa kami ng mga matitibay na improvised tent para sa mga nawalan ng mga tirahan.

Nagtipon-tipon na lahat mula sa iba't ibang angkan.

Tanging ang taga MagSak ang angkang di gaanong naapektuhan ng digmaan.

Kakaunti lang sa mga ari-arian nila ang nasira kaya mas ginusto nilang umuwi sa sarili nilang mga tirahan.

Ganunpaman ay may mga sundalo ang irah nila na iniwan upang tumulong sa paglinis ng mga kalat dulot ng digmaan.

May mga nagluksa dahil sa mga buhay na nasawi pero may mga pagkakaibigan namang nabuo.

Pagkakaibigan sa panig naming taga Earth at ng mga taga Planet-X.

Pagkakaibigan sa pagitan ng mga angkan lalo na at sa angkan ng MagSak na ngayon lang nakihalubilo sa ibang angkan.

Iginagalang naman ng ibang angkan ang kaugalian ng mga MagSak na katulad din ng nakagisnan kong kaugalian kung saan ay pantay-pantay ang kababaihan at mga kalalakihan.

Kahit may pag-aalinlangan ay mabilis na natanggap ng karamihan ang kakayahan ng mga kababaihan makipagsabayan sa digmaan dahil na rin sa pakikipaglaban ng mga babaeng MagSak at ilang mga babaeng sundalong kasapi sa elite fighter na nasa panig namin.

Nakakatuwa ring tumulong si Amir Beddaker at mga kasamahan niyang mga residenti ng bundok Ansa para pigilan ang pagtagumpay nang grupo ni General Ramses.

Kahit mga kriminal sila at nakakulong sa bundok Ansa ay mas gusto pa rin nilang pamunuan ng mga nakikilala nilang Irah ang planeta nila kaysa sakupin ito ng taga ibang planeta.

Dahil sa malaking naitulong nila ay napagdesisyunan ng mga Irah na gawing mas magaan ang pananatili nila sa bundok Ansa.

Sa anong paraan ay di ko alam dahil mga irah lang ang nag-usap-usap sa bagay na iyon.

Ikinapasalamat ko lang dahil natapos ang digmaang walang nawalang buhay mula sa mga taong mahalaga sa akin.

Maswerte ring hindi umabot ang mga pagsabog sa bagong tayong templo ni Donovan para sa akin.

Kahit di pa buo ang pagkakagawa nito ay pwede nang tulugan ang ilang mga silid kaya kasalukuyang dito ginagawa ang mga pagpupulong.

Alam kong matagal-tagal pa bago muling maitayo ang mga nasira at maialis ang takot at pangamba sa puso at isipan ng mga taong naging biktima ng naganap na digmaan pero alam kong darating ang araw na iyon.

Bilang Ambassador ng Earth Government sa planetang ito ay tungkulin kong payapain ang mga isipan ng mga taga dito upang muling magtiwalang wala nang General Ramses na muling mambulabog sa kapayapaan.

Talaga namang wala na ang General. Tradisyon sa mga tao rito ang pagpugot ng ulo sa sinumang taong nagtangkang sumira ng maraming buhay at si General Ramses sampu ng kanyang mga kasamahan ay nahatulan ng pagpugot ng ulo.

Pagkatapos no'n ay sabay-sabay na sinunog ang mga katawan nila at ng mga kasamahan niyang nasawi sa digmaan.

Tradisyonal na proseso ng paglilibing naman ang isinagawa sa mga namayapang taga planet-X.

Inihimlay ang mga patay nilang katawan sa napalamutiang buko ng kawayan na pinagdikit-dikit upang ipaanod sa dagat.

Pinuno ng mga pagkain , mga iba't-ibang uri ng bulaklak at mga alahas ang pinaghimlayan ng patay na katawan bilang pabaon daw sa patay.

Falling SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon