UNEDITED!!
😊😊Nang tumawa ang kaharap ko ay halos mapugto ang pagpipigil ko na barilin siya ng L-gun na kasalukuyan kong itinatago sa tagiliran ko.
Kung hindi ko lang kailangan ang isang ito ay kanina ko pa ito tinunaw.
"Nakakatawa! Pero sige...pagbibigyan kitang sabihin ang pakay mo Eba , alang-alang sa kahilingan ng Irah ng Dragus.
Huminga muna ako ng malalim bago muling magsalita.
Kailangan ko kasi pakalmahin ang sarili ko at baka di ako makapagpigil.
" Xandra, I need a visual outside the ship. Show me the Earth Capital." , pormal kong sabi.
"Welcome to Earth Capital!"
Gusto kong matawa sa gulat na reaksiyon ng lahat ng kaharap ko nang biglang magsalita si Xandra kasabay ng isang hologram presentation na katulad ng mga napanood nina Donovan at Grevon sa mismong harapan nilang lahat.
Ang pagtataka sa mukha nila dahil sa sinabi kong bago sa pandinig nila ay napalitan ng grabeng gulat dahil sa nangyayari sa harapan nila.
Iyong iba ay luminga-linga pa at hinahanap ang kausap ko.
Karamihan nga sa kanila ay napahawak sa mga espada nila at napahakbang palayo sa hologram.
Tanging si Irah Morco lang ang hindi kumilos at blangko ang reaksiyong napatitig sa pinakita kong video kahit na nagulat din ito noong umpisa.
Di lang pala palakihan ng pangangatawan at palakasan ang basihan ng pagpili ng pinuno sa lugar na ito dahil katulad ni Donovan ay nakikita kong matamang inoobserbahan ni Irah Morco ang ipinapakita ko.
Pilit niyang inintindi ang mga nangyari kahit na bago lang ito sa para sa kanya.
Sa gitna ng mga bulung-bulongan at pagkamangha ng mga nasa paligid ay tahimik na pinanood lang ni Irah Morco ang lahat ng mga ipinapaliwanag ng video ukol sa Earth Capital.
Nang dumating na sa parte kung saan ay pinakita ang mga mananakop ng Earth Capital at nagsalita sa harap si Amir Beddaker ay tsaka lang nakitaan ng reaksiyon ang mukha ng irah.
"Anong ginagawa ng Beddaker na iyan diyan sa...sa.."
"Earth Capital po.", pagsupply ko ng pangalan sa di niya mabanggit-banggit na salita.
Natuon agad sakin ang mapanuring mga mata ng irah.
" Iyan po ang tahanan ko na kasalukuyang sinasakop ngayon ng taong kilala niyo bilang Amir Beddaker kasama ang iba pang mga kasamahan niya na nanggaling dito sa planeta niyo.", tuwid kong sabi.
"Planeta?", takang sabat ng isa sa mga tauhan ng irah.
" Planeta ang tawag sa mga tirahang nasa kalawakan, panibagong mundo sa labas ng sangkalupaang tinitirahan ninyo.
Maraming nandoon sa kalawakan pero iilan lang nag pwedeng pamuhayan at maswerte kayo dahil nandito kayo sa pinakamayamang planetang mayroon ang buong sanlibutan.", paliwanag ko.Dasal ko lang sana ay naintindihan nila ang paliwanag ko dahil una sa lahat ay isa po akong fighter at hindi ako kasali sa mga eksperto na
kayang ipaliwanag ng malinaw ang buong universe."Naalala ko, ang mga dumating na ulat sa akin noon na may namamataang malaking halimaw na lumilipad na gawa sa metal ang balat na dumapo sa kabundukan ng Ansa kung nasaan itinapon ang mga kriminal sa buong sangkalupaan.", tila ay napaisip na sabi ni Irah Morco sabay sulyap sa sasakyan ko.
BINABASA MO ANG
Falling Sky
RomanceYear 3000..... SCI-FI WITH A TASTE OF DARK PLEASURES...😉 MATURE CONTENT.... RATED SPG.... YOU'VE BEEN WARNED! COVER BY: ghiiaannee