chapter 3

9.4K 164 31
                                    

Kakaibang ingay ang gumising sa nahihimlay kong kamalayan.

Agad kong dinilat ang mga mata bago bahagyang pinakiramdaman ang kinahihigaan ko.

Medyo may katigasan ang nilalapatan ng likod ko kahit na may parang balat ng hayop na sapin ang kinahihigaan ko.

Napakurap ako sa nakikita kong bubong ng kinaroroonan kung silid dahil gawa ito sa makapal na tela at basi sa porma nito ay mukhang nasa loob ako ng isang covered tent.

Napabalikwas ako ng bangon nang muling may narinig na naman akong mga ingay sa labas pero bahagya akong napahawak sa batok ko dahil medyo kumirot ito.

Napakuyom ang kamao ko nang maalala ang ginawa sa'kin ng lalaking iyon.

Gaganti ako sa walking steroid na lalaking iyon. Ang lakas ng loob niyang gawin sa isang Elite fighter ang bagay na iyon—

Nahinto ang anumang nasa isip ko at nanlaki ang aking mga mata nang mapansing wala akong suot na kahit isang kapirasong damit.

Agad akong kinabahan at pinakiramdaman ang sarili kung may kakaiba ba sa katawan ko.

Maliban sa papawalang kirot ng batok ko ay wala ng ibang masakit sa'kin kaya sigurado akong walang masamang ginawa sa'kin ang lalaking iyon habang tulog ako maliban na lang sa pagtanggal ng lahat ng mga damit ko.

May kalakihan ang kinaroonan kong tent kaya hinalughog ko bawat sulok sa paghahanap ng pwedeng isuot dahil di ko mahagilap kung nasaan ang mga damit ko.

Tanging ang makapal na kumot ang pwede kong ipantakip sa kahubdan ko kaya kahit hirap na hirap akong kumilos habang nakabalot sa'kin iyon ay pinagtiisan ko na lang upang makalabas ako sa kinaroroonan ko nang hindi nakahubad.

Maingat akong lumabas ng tent at nagtataka ako kung bakit walang nakabantay sa akin at wala akong nakitang kalahi ni Conan the barbarian kahit may mga boses akong naririnig.

Agad na kumuha ng atensiyon ko ay ang iba't-ibang klase ng mga hayop na nakatali sa isang tabi.

Namamangha akong napatitig sa naglalakihang mga bear at isang maladambuhalang lion at may tatlo pang tiger.

Sa kanila pala nanggagaling ang kakaibang ingay na narinig ko.

Pawang sugatan at nakatali ang mga ito at nasisiguro kong kung sa Earth Capital nangyari ang ganitong animal cruelty ay tiyak katakot-takot na kaso at parusa ang kakaharapin ng sinumang may gawa nito.

Kung makakuha ako ng isa sa alinman sa mga ito at madala ko sa Earth ay tiyak pagpiyestahan ito ng mga dalubhasa namin sa pananaliksik ng mga endangered species dahil ilang century na mula noong namatay ang kahuli-hulihang cloned na ganito kalaking mga wild animals.

Nawala sa mga wild animal ang atensiyon ko nang biglang isang bagong ingay ang narinig ko na paparating sa kinaroroonan ko.

Wala sa loob na napasigaw ako nang makita ang isang dambuhalang ibon na mas matangkad pa sa'kin ang malakas na nag-iingay habang tumatakbo papunta sa kinatatayuan ko.

"Shit!" kahit nahihirapan ay mabilis akong tumakbo hawak-hawak ang mabigat na kumot upang di ito matanggal sa pagkakatapis ko sa katawan ko.

Mangangain ba ng tao ang ostrich? Kasi, kilala sa Earth bilang ostrich ang malaking ibong humahabol ngayon sa'kin.

Mukhang sugatan iyong ibon dahil paika-ika at mabagal siyang tumakbo kaya nagawa kong medyo mapalayo sa kanya pero di pa rin sapat ang bilis ko dahil ramdam kong nakasunod lang ito sa likod ko.

May natanaw akong malaking bonfire kaya doon ako tumungo.

Mabilis akong kumuha ng kahoy na nag-aapoy sa dulo at ipinantakot sa humahabol sa akin.

Falling SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon