Sa sumunod na mga araw ay nawalan ako ng panahong muling makausap si Donovan tungkol sa kailangan ko.
Naging busy siya sa mga gawain niya bilang Irah .
Hindi parin kumukupas ang init ng aming bawat gabi at iyon din ang isa sa mga dahilan kung bakit nawalan ako ng pagkakataong makausap siya.
Tuwing nasa trabaho si Donovan kasama ang konseho niya ay naiiwan ako kasama si Callefa na napag-alaman kong namumuno sa mga manggagawa sa buong bahay ng Irah.
Ipinapasyal niya ako sa buong siyudad ng Dragus at napag-alaman kong ginto gamit nila sa pagbili sa lugar na ito.
Naramdaman ko ang paggalang ng lahat ng mga nakakaharap ko tuwing nakikita ang pula kong belo.
Isang araw ay napagpasyahan namin ni Callefa na dumalaw sa bagong pinatayong templo ni Donovan kung saan siya palaging naroon upang subaybayan ang progress ng mga trabahador.
Awang ang bibig ko nang makita ko kung gaano kalaki ang sinasabing templo.
Mas malaki pa ito sa kasalukuyan kong tinutuluyan na bahay ng Irah .
Nang mapadaan ako sa mga trabahador na naghahalo ng parang semento na kulay berde ay muling umawang ang panga ko dahil sigurado akong dyamante ang napapansin kong kumikinang na mga batong parang grava na hinahalo nila sa masa.
Wala bang grava na ordinaryong bato sa lugar na ito at talagang diamonds pa ang pinanghalo sa semento?
Sa malapitang inspeksiyon ay mapapansin ang mga kumikinang na bato sa bawat pader na nadadaanan namin kaya sigurado akong may halong diamonds din ang bawat pader.
Isang malaking kabaliwan ang pinaggagawa ng mga taong ito!!
"Anya. ", malamyos na tawag sa akin ng pamilyar na boses ni Donovan.
Tinaasan ko lang siya ng kilay nang makita kong may buhat-buhat siyang isang sako.
Kakaiba talaga ang pinuno ng mga Dragus dahil part-time niya ang pagiging kargador.
Ibinuhos muna niya ang laman ng sakong dala bago nakangiting lumapit sa akin.
Pero wala sa kanya ang atensiyon ko kundi nandoon sa laman ng dala niyang sako.
Mga dyamanteng kasing laki ng mga marbles ang laman niyon.
" Saan kayo kumukuha ng mga ganoong uri ng bato?", di ko napigilang tanong.
"Ang mga dyamante?? Iyan ang pangunahing minemina sa kabundukan ng Dragus.", proud nitong pahayag.
" Talaga bang kailangan iyan ang ihalo sa paggawa ng mga pader?", gulat kong tanong.
"May kamahalan ang ganyang bato pero dahil para sa iyo ang pinapatayo kong templo ay kailangang espesyal lahat ng mga gagamiting materyales."
"S-sa akin itong templo?",,bulalas ko.
" Sa iyo at sa pamilyang bubuuin natin.", nakangiti nitong sagot.
Parang may malambot na kamay na humawak sa puso ko at dahilan ng pagbilis ng tibok nito.
"Kakailanganin ang dyamante upang tuwing magbawas ng liwanag ang buwan sa gabi ay magagamit nating tagabigay ng liwanag ang mga enerhiyang makukuha ng mga batong iyan sa araw at magbigay ng liwanag sa bawat sulok ng bago nating bahay."
Dahil sa tatlong buwan ng planetang ito ay di ko naisip na kakailanganin namin ng ilaw sa gabi pero mukhang kahit walang kuryenti ang lugar ay magsisilbing ilaw ang mga dyamanteng nahalo sa bawat pader ng bahay.
BINABASA MO ANG
Falling Sky
RomanceYear 3000..... SCI-FI WITH A TASTE OF DARK PLEASURES...😉 MATURE CONTENT.... RATED SPG.... YOU'VE BEEN WARNED! COVER BY: ghiiaannee