chapter 15

5.2K 142 26
                                    

UNEDITED POH...

Tensiyunado naming inaabangan ang susunod na mangyayari.

Iyong mga kababaehan ay may kanya-kanyang batang hawak at nakahandang lumisan kung sakaling iyon ang kinakailangan upang iligtas ang mga bata.

Nakakahanga nga lang at iyong mga batang taga MagSak ay di man lang kakitaan ng pagkabahala.

Nagkumpulan lang sila sa isang tabi at naghihintay.

Mukhang ang desisyon ng anak ng Anya nila ang hinihintay nila.

"Nandiyan na sila.", mahinang bulong ng batang taga MagSak kasabay ng pagsabog ng pintuan papasok sa taguan.

Napuno ng iyakan ng mga natakot na bata ang paligid.

Maging ang mga kababaihan ay nagpanic dahil sa lakas ng pagsabog.

" Lisanin ang lugar!!", umalingawngaw ang boses ni Amai sa gitna ng iyakan at sigawan.

Mabilis namang nagsitungo sa lagusan ang mga kababaehan karay-karay ang mga batang nakatalaga sa kanila.

Agad na sinalubong ng mga kalalakihan ang mga kalabang nakapasok.

Tutulong sana ako pero napansin kong di kasama sa mga lumisan ang mga batang taga- MagSak.

Nasa kinatatayuan parin nila sila at walang kakilos-kilos na nanood sa labanang nasa harapan nila.

"Umalis na kayo! Sumunod kayo doon sa iba.", utos ko sa kanila.

Sa halip na sundin ako ay mas tumuon pa ang pansin ng mga ito sa labanan.

Muli na naman sana akong magsasalita nang biglang tumalon ang anak ng Anya ng MagSak papunta sa likuran ko.

Mabilis namang nagsisunod iyong ibang mga batang taga MagSak.

Isang kalaban ang kasalukuyang pinagtulungan nila.

Napakurap-kurap pa ako sa gulat dahil nasa sahig na ang kalaban habang tulong-tulong na binabalian ng mga bata.

Shit! Binabalian nga nila ng mga braso at binti ang kalaban kaya umalingawngaw sa paligid ang sigaw nito.

Nang tingnan ko iyong ibang nasa paligid ay napansin kong dehado ang mga taga Dragus.

Maliban sa laser gun ay may bagong armas ang mga sundalo ni General Ramses.

Katulad ng espada ng mga taga Dragus pero ang kaibahan ay pwede itong paikliin na parang isang karaniwang punyal.

Halos sugatan na lahat ng mga kasamahan namin at maging si Amai ay kakitaan na ng kapaguran pero buong loob paring lumalaban.

Isa akong elite fighter pero ngayon lang ako nakakita ng mga fighter na halos walang kapaguran at may lakas na maitutulad sa mga taga planet X kahit na dehado sila sa laki ng mga katawan ng mga taga dito.

Tiyak may mali sa DNA ng mga ito at di na ako magtataka kung pinaenhanced ni General Ramses ang DNA na meron itong mga sundalo niya.

Nakuha ang atensiyon ko ng isa sa mga kalaban na pinupunterya ang mga batang taga MagSak na sa gitna ng kaguluhan ay nakatayo parin sa pwesto nila.

Bago pa siya tuluyang nakalapit sa mga bata ay nagawa ko na siyang harangan.

Medyo nagulat pa siya ng mapansin ang suot kong uniform ng elite fighter at ginamit ko ang pagkakataong iyon upang madisarmahan siya.

Nang tumilapon na ang hawak niyang armas ay agad ko siyang pinatamaan ng atake sa mga vital organs niya.

Mabilis ang ginawa niyang pagsangga kaya iyong ibang atake ko ay di tumama pero malaking tulong na din iyong mga tumama dahil nabawasan ang bilis at lakas ng mga atake niya sakin.

Falling SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon