Sa wakas ay dumating na ang araw ng pag-alis namin papunta sa Earth Capital.
Walumpong mandirigma ang kasalukuyang pinagkasya ko sa sasakyan ko.
Sa mabilisang pag-iimbestiga ng dalawang angkan ay agad nilang natantiya ang bilang ng mga kakaharapin nilang kalaban pagdating sa Earth Capital.
Humigit kumulang dalawang daang takas na mga kriminal ang tantiya nilang nandoon sa Earth Capital.
Masyadong marami kumpara sa bilang nila pero kumpyansa naman silang sisiw lang ang dalawang daang kriminal laban sa walumpong mandirigma.
Mas maigi pa nga daw iyon para naman hindi maging ganun kadali para sa amin ang mangyayaring labanan.
Alam kong puno ng kayabangan ang mga rason nila pero wala akong ibang magawa kundi magtiwala sa kanila.
Ito lang ang labanang sasamahan ko na walang plan B at iisa lang ang plano ang ienjoy ang mangyayaring labanan.
Sa tulong ni Grevon at Donovan ay naipaliwanag ko sa kanila ang mga kakaibang bagay na nakikita nila sa loob ng sasakyan ko.
Una na doon ay ang boses ng babaeng lagi nilang naririnig na kinakausap ko sa lenggwaheng di nila maintindihan.
Pinagkasya ko rin sila sa mga silid ng aking sasakyan at ipinapaliwanag na normal lang na mag-adjust ang bawat higaan at upuang nasa paligid nila ayon sa laki at bigat ng nakaupo.
Noong una ay asiwa pa iyong iba pero kinalaunan ay ginawa nilang katuwaan ang mga upuan at higaan.
Nahahati sa dalawang grupo ang mga mandirigmang kasama ko .
Sa hanay ng angkan ng Dragus ay kasama ni Donovan si Grevon at si Moriko.
Naiwan si Moniko dahil ito ang pansamantalang magpapatakbo ng buong Dragus habang wala si Donovan.
Sa kabilang hanay naman ay si Irah Morco ang namumuno, kasama ang kanang kamay nitong si Heneral Gores.
Iisa lang ang hangarin ng lahat , ang hulihin si Amir Beddaker kasama ang mga nasasakupan nito at ibalik sa bundok ng Ansa habang sulitin ang kasayahang hatid ng isang totoong laban.
Sa unang pagkakataon din ay napuno ang refrigerator storage ng mga hilaw na karne.
Ayaw nila ng Earth version ko ng meat at gusto nila ay iyong totoong karne mula sa totoong hayop kaya ayon, sangdamakmak ang binaon namin at mukhang iyon ang kakainin nila sa loob ng ilang araw nilang pananatili sa Earth Capital.
Syempre naman, hindi mawawala ang mga fresh fruits na pinabaon sa akin ng iloi at amai ni Donovan at ibiniling iyon ang kakainin ko dahil mainam daw iyon sa pagbubuntis ko.
"Commander, your presence is needed in shower area. One of the shower room is in need of your attention."
Napakunot-noo ako nang biglang umalingawngaw ang boses ni Xandra.
Nakakapagtakang di kayang ifix ni Xandra ang anumang
nangyayari sa shower room.Pagdating ko sa shower area ay ang nagkumpulang mga nakahubad-barong mga kalalakihan ang agad kong napansin.
"Anong nangyayari dito?", malakas kong tanong upang kunin ang atensiyon nila.
Parang red sea na nahati ang mga nagkumpulan at bumulaga sa harapan ko ang shower cubicle halos mawasak ang mga nayuping air nozzle na lalabasan ng hangin na siyang magtatanggal sa dumi ng katawan ng papasok sa air shower.
BINABASA MO ANG
Falling Sky
RomanceYear 3000..... SCI-FI WITH A TASTE OF DARK PLEASURES...😉 MATURE CONTENT.... RATED SPG.... YOU'VE BEEN WARNED! COVER BY: ghiiaannee