Buong araw ay kasama ko sa silid si Callefa at pasimple akong kumukuha ng mga impormasyon sa kanya tungkol sa planetang kinaroroonan ko.
Napag-alaman ko rin kung ano ang lagi kong naririnig na katas ng alipata .
Isang uri ng halaman ang alipata na ginagamit ang katas ng mga kalalakihan bago sumabak sa pangangaso upang pansamantalang mawalan sila ng kakayahang makipagtalik sa isang babae.
Lubos ang pagngingitngit ng kalooban ko dahil kaya pala madali lang kay Donovan na iwanan akong namimilipit sa pagkabitin at wala man makuhang reaksiyon sa kanya ay dahil nasa ilalim pa siya ng bisa ng katas ng alipata.
Iniinum ng mga kalalakihan ang katas ng halamang iyon upang matuon ang atensiyon nila sa pangangaso at hindi sila mawala sa focus kung magkataong may babaeng mapadpad sa lugar na pinangasuhan nila.
Ang galing talaga! Kung ang mga lalaki sa Earth capital ay umiinum ng mga gamot na magpapahaba sa resistensiya nila sa pakikipagtalik ay kabaliktaran dito sa planetang ito.
Ayon pa dito kay Callefa na medyo nakitaan ko ng konting kalandian, ay mahihilig daw ang mga kalalakihan nila sa pakikipagtalik.
Hindi daw sapat ang isang babae lamang para sa isang lalaki tuwing nawawala na ang bisa ng katas ng alipata dahil mas sisidhi daw tiyak ang kagustuhan ng isang lalaki sa pain pakikipagniig maliban nalang kung mihnyo na daw ang lalaki.
Mihnyo ang tawag sa lalaking may isang babaeng ibinigkis sa kanyang pangalan.
Ito iyong counterpart ng may asawa sa pinanggalingan kong planeta.
Nang maghahapunan na ay may pumasok sa silid upang ipaalam kay Callefa na pwede na daw akong pakawalan sa pagkakatali.
Medyo di naiwasang magkaroon ng gasgas at pamumula mula sa taling ginamit sa akin ang kamay ko.
Nagpumilit naman agad si Callefa na hayaan ko siyang lagyan ng isang uri ng cream ang mga bahaging namumula.
Matapos ang kwentuhan namin ay masasabi kong pwede na ring pagtyagaan ang presensiya nitong si Callefa.
Tutal, pinakain niya ako at kinumutan alinsunod sa utos ko dahil ayaw kong nag-uusap kami habang nakatiwangwang ang kahubdan ko sa harapan niya.
Ang nakakainis lang sa kanya ay ang pagiging loyal niya sa Irah niyang si Donovan at ang walang katapusan niyang kwento tungkol sa kaagaw nitong si Grevon na naalala kong kasama sa grupong ni Donovan na nangaso na nagdala sakin dito.
May lihim na pagkakagusto itong si Callefa kay Grevon.
Kaagaw ang tawag nila dito sa pinsan na nababasa ko sa history ng mga kaninunuan ko sa Earth Capital noong nauso pa ang pagpapamilya.
Nalaman ko ring kaputol ang kahulugan ng kapatid.
Nagulat ako syempre. Hindi na nauso ang pagkakaroon ng kapatid sa planetang pinagmulan ko at lalo na ang sinasabi ni Callefa na pagkakaroon ng amai at iloi o mas kilalang ama at ina ng bawat isa dito sa planetang kinaroroonan ko ngayon.
Di ko lubos maisip kung paanong nangyaring lahat sila dito ay may mga kinikilalang magulang.
Nag tanungin niya ako tungkol sa amai at iloi ko ay napalunok lang ako at iniisip kung paano ko ipapaliwanag sa kanya na siyam na buwan akong nanatili sa isang malaking test tube bago isinilang at pinalaki sa isang pasilidad kasama ang ibang mga batang katulad ko.
Hindi ko alam kung anong nakita ni Callefa sa mukha at bigla niya akong niyakap habang sinasabing, "Nasa mabuting mga kamay na ang iyong amai at iloi. Ang mahalaga ay lumaki kang malusog at maganda."
BINABASA MO ANG
Falling Sky
RomanceYear 3000..... SCI-FI WITH A TASTE OF DARK PLEASURES...😉 MATURE CONTENT.... RATED SPG.... YOU'VE BEEN WARNED! COVER BY: ghiiaannee