Chapter.11

87 7 0
                                    

Its been a week since Trishella left, at masama na ba siyang tao kong mag papasalamat siya sa pagkawala ng presensya ni Trish? Noah talks to her already, naging mas malapit ang loob ng anak sa kanya, and yesterday Tristan told her to sleep with Noah, at halos mapunit ang labi niya sa kakangiti ng buong araw. Maligayang maligaya ang puso niya, nayakap niya ang anak habang natutulog sila. And she can feel it, malapit na siyang maging kompleto ulit.

Next two days ay mag bi birthday na si Noah, and this is the first time na makasama niya ang anak sa mismong kaarawan nito.

They are having their breakfast right now ito lang kasi ang pagkakataon na mag kasama talaga silang tatlo na kakain, twing breakfast lang. Since Noah is at School during lunch time and Tristan comes home at the middle of the night or di kaya pag tulog na si Noah.

Tulad ng dati,kahit anong gusto niyang kausapin ang asawa ay naging mailap ito, so she decided to keep quite all the time, kakausapin niya na lang kapag importante na talaga ang sasabihin niya. Tulad ngayon, Noah and Tristan are having conversation, hindi ito pumapalya sa pag kakamusta sa anak nila. Tristan is a perfect dad for Noah, and she's happy for it.

"Did you finish your homework?" Tristan ask their son.

"Yes daddy, mommy helped me last night" Noah smile widely.

Napangiti rin siya sa anak saka niya hinablos ito.

Tristan reach for his coffee, bagay na sadyang ikinatutuwa ng puso niya, kasi kahit galit ito sa kanya, iniinom naman nito ang kapeng ginagawa niya. Smile form in her lips when Tristan sip his coffee, ganun parin ang gustong timpla ng asawa niya..

"I will be busy today, so if it's okay to you kong ikaw na muna ang kumausap sa mga event organizer, I just can't leave Mr. Molina for our transactions"

Napaangat ng tingin si Ellisha, is he talking to her? Gustong mag pyesta ng puso niya. Totoo bang kinausap siya ni Tristan? She blink twice, did she heard it right?
Hindi pa sana niya makuhang sumagot,but this time Tristan look at her, after three years, ngayon lang ulit sila nag kakatitigan ng asawa ng medyo matagal, tatlong segundo lang iyon pero ito na rin ang tatlong segundo na masaya siya.

"Mom, daddy is talking to you" kong hindi pa siya kinalabit ni Noah ay hindi pa sana siya nagising sa realidad.

"A- ano, s-segi ayos lang, salamat"

Hindi na nakasagot si Tristan, his attention is on the food already..

Ellisha is so excited, hindi na siya maka pag hintay, hindi niya inaasahan na magkakaroon parin siya ng pasya sa buhay ng mag ama, pagkatapos ng ginawa niya.

From the venue, designs, and foods siya ang pumili, it's a children party pero hindi naman mawawala ang para sa matatanda. Bigla siyang nalungkot ng ma alala niya ang mga magulang niya. She misses her parents so much, kong gaano siya katagal na nawala ay ganun din katagal na hindi niya ito nakita. Sinukuan din ba nila siya? Thinking of these possibilities ay mas nalulungkot siya.

Noah loves Ben-ten, so Ben ten ang theme ng birthday niya. She also pick the costume for her son, and Noah likes it.

"Do you have something to add ma'am?" Chinny ask her, the organizer.

"Can I excuse for a minute, tatanungin ko lang asawa ko." Chinny nod and Ellisha excuse her self.

Nakakalungkot isipin na siya na lang ang nakakaalam na asawa niya si Tristan, soon, iiwin din siya nito, Tristan will file an annulment, at alam na alam niya iyon, kaya hanggang wala pa, gusto niya munang namnamin ang katagang asawa.

She dial her husband's number. Naka ilang ring na ito ngunit hindi parin sinasagot. She lose hope. Mukhang busy nga talaga ito, o di kaya ayaw lang talaga nito na siya ang tumatawag. Itinago na lang niya ang telepono sa bulsa, at akmang babalik kay Chinny ng tumunog ito.

Tristan calling..

Gusto niyang mag mura sa sobrang tuwa, Tristan call her! Oo ang babaw na niya, sa simpling bagay lang natutuwa na siya, but she can't help it.

"Do need anything?"

Sabi nito mula sa kabilang linya, she clear her throat para hindi halatang kinakabahan siya.

"Ahm. I just want to ask kong may gusto ka bang idagdag para sa birthday ni Noah? A-ano kasi, I'm done with the venue, and designs at sa menu naman kong may gusto ka ------"

"Anything will do, sayo ko na pinagkakatiwala yan"

Tahimik na napangiti si Ellisha. God! This is so amazing.

"Thankyou. Sorry sa isturbo"

"It's okay".

Pagkarinig pa lang niya sa sinabi ng asawa ay agad niyang pinatay ang tawag, baka kasi hindi na niya mapigilan ang sarili at kong ano pa ang masabi niya.

Nakangiti siyang bumalik sa sala kong saan nag hihintay ang bisita.

"I will just visit the place tomorrow and we will do the food tasting"

"Okay po ma'am, maraming salamat" tumayo ang bisita at nakipagkamay sa kanya.

"Thankyou din"

Masaya niyang hinatid ang bisita sa labas ng bahay. She can't contain her happiness. Walang mapagsidlan ang tuwang nararamdaman niya.

T O R M E N TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon