Chapter.19

101 6 0
                                    

PAGKATAPOS ng isang madamdaming tagpo na iyon ay mukhang nag bago na ang ihip ng hangin sa kanilang dalawa ni Arin.
Naging aligaga ito sa pag aasikaso sa kanya, walang oras na hindi siya nito kinakamusta.
Kagaya ngayon.

"I'm okay rin, wag ka ng mag alala" malumanay na sagot nito sa pinsan.

"Sa ngayon you're okay, paano bukas? Sa pangalawa? Sa susunod na buwan? O taon? Masasabi mo ba na okay kana?! "

Hindi niya masisisi si Arin, alam niyang nag  aalala talaga ito sa kanya.

"Please Ellisha, bumalik kana sa pagpapagamot mo, nakikiusap ako sayo"

Heto't naiiyak na naman si Arin sa kanya.

"There's no reason to live Rin, wala na ang mag ama ko"

"You know what? Wala talagang kwenta yang mga rason mo! Sarap mong iuntog, baka sakaling magising ka!, Hindi kaba nag iisip? Paano mo sila mababawi niyan kong ganyan ka?!"
Nangungunot ang noo nito na tila hindi na alam ang gagawin upang mapilit si Ellisha na bumalik na sa pagamotan.

"I tried already Rin, at hindi umipekto, I told you na rin na kaya ako umalis para magpagamot at bawiin sila pero hindi rin ako nag tagumpay, I know hindi na ako magagamot, there's no remedy for my sickness"

Mabilis na tinakpan ni Arin ang bibig ng pinsan.

"Nakikiusap ako sayo Ellisha! Please lang, wag kang magsalita ng ganyan, magagamot ka! I promise you that! "

Niyakap nito ang pinsan, alam na alam ni  Arin na ito lang muna ang kaya niyang ibigay sa pinsan, ang pagaanin ang loob ni Ellisha.

"I'm really sorry Rin, pero wala na sa isip ko ang pagbalik sa hospital na yun, I've been there for four years already, nakakapagod na, nakakasawa na" she's trying to forget everything pero hindi pa talaga ngayon, dahil sariwa pa lahat sa kanyang alaala, kong paano siya nag survive nang isang stage.

"But you need this Lis, kailangan mo to! Hindi lang para sa mag ama mo, para samin! Paano na sina Tita at Tito? Hindi mo ba kami mahal? You wouldn't live for us?! Ang daya mo naman!" Arin is crying again! Oo nga, tama ang pinsan niya, madaya siya! Selfish, walang kwentang asawa, walang kwentang ina, walang kwentang anak, walang kwentang tao.

Natigil silang mag pinsan ng may kumatok sa kwarto niya.

"I'm sorry din Ellisha, mahal kita pero malaki ang karapatan nilang malaman lahat ng ito" .

Malakas ang kabog ng puso ni Ellisha, halos hindi mag kamayaw ang puso't damdamin niya.

Mula sa pinto ay nakita niyang nag lalakad patungo sa kanya ang mommy at daddy niya na parehung umiiyak.

Wala siyang narinig mula sa mga ito tanging hikbi lang habang yakap yakap siya ng mga ito.

"M-my Daughter" malumanay na sabi ng kanyang ina.

T O R M E N TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon