Chapter 15.

106 6 1
                                    

I recommend to you to play the songs, para hindi lang ako yong nakakarelate 😂😘❤️

DALAWANG araw na ang nakalipas mula sa nangyari.
Ganon parin ang pakikitungo ni Tristan, mas cold, mas walang imik.
Ngayon na ang kaarawan ni Noah, at ang hirap para sa kanya dahil hindi man lang sila magkasundo. Kahit hindi pa sila masyadong magkaayos noon ay mas mabuti na yun, magagawa pa siyang kausapin pa minsan minsan, hindi tulad ngayon, ni hindi na siya magawang tapunan ng tingin ni Tristan, and it hurts like hell.
Ang mas masakit pa ay, kanina pa ang mga itong umalis, at hindi niya alam kong saan pumunta, ito pala ang pakiramdam ng iniwanan at hindi sila nakapag paalam.
Dito gaganapin sa mansyon nila ang party, at hindi niya alam kong saan hahanapin ang dalawa, mag aalas sais na.  15 minutes na lang ay mag uumpisa na.
Marami ang dumalo sa kaarawan ng anak at ilan na doon ay ang kanyang mga ka klase at mga magulang nito, may mga bussiness partners din si Tristan na nandito, as far as she remember they only invited one hundred and fifty persons. Masyadong bribado ang buhay nila mula pa noon, no reporters in any events kahit multi-billioner pa si Tristan.

"Mommy"..

Napako sa kinatatayuan si Ellisha. It was Noah who called her, at halos lumabas na sa dibdib ang puso niya. Hindi siya makatingin ng maayos sa mga taong kararating lang. Who would have thought? Noah and Tristan loves her. Akala niya masosolo niya ang anak sa unang kaarawan na magkakasama sila.

Trishella and Tristan are holding each others hand, habang ang kaliwang kamay namn nito ay may bitbit na malaking regalo, na sa tingin niya ay galing sa babae.

Kahit mahirap ay pilit siyang ngumiti kay Noah at Trish.

"Saan ka galing?" Yumuko siya ay malumanay na nag tanong sa anak.

"Sinundo po namin si mommy"

She can't make a move, buong pwersa niyang pinigilan ang mga mata na hwag lumuha. Kahit alam niya ang tinutukoy ng anak ay gusto parin niyang kompirmahin ito.

"M-mommy?" Na uutal siya. Ang sakit. Please Noah, don't tell me. Hindi niya alam kong handa na ba siya.

"Yes po, mommy Trishella, daddy told me that I should call her mom, kasi mag papakasal na po sila" inosenting sagot nito sa kanya.
Wala nang pakialam si Ellisha, kong magulat man si Noah sa reaksyon niya, o pagtinginan man siya ng lahat, ang importante sa ngayon ay makaalis na siya sa kinaroroonan niya . Patakbo siyang unalis sa pool area, at mabilis na tinungo ang silid nila Noah, she lock it, and went to the bathroom,
Doon niya nilabas lahat ng bigat, lahat ng sakit, lahat ng sama ng loob. Wala na siyang pakialam kong may makarinig man sa lakas ng hagol hagol niya, it feels like hell, it feels like her heart is abducted from her chest, nhihirapan na siyang huminga, ang bigat at sama ng pakiramdam niya.

Makailang minuto ang lumipas, dinig niya mula sa labas ang ingay, kaya alam niyang nag sisimula na ang party ni Noah, sino ba naman siya para hintayin diba?
Tumayo siya, at malayang pinagmasdan ang repleksyon sa salamin habang walang humpay sa pag daloy ang kanyang mga luha.

"Smile Ellisha"

Kahit anong pilit niya sa sarili na ngumiti ay hindi niya magawa. Inayos niya ang sarili, tinuyo ang mga luha at saka nag hilamos. Nang masigurado niyang maayis na muli ang sarili ay saka na siya lumabas, kahit mugto ang mata ay kinaya niyang bumaba, this is the first time where she can celebrate Noah's birthday kaya dapat ay nandoon siya.

Mula sa malayo, ay natanaw niyang paakyat ng intablado si Tristan. Minabuti na lang niyang manatili sa malayo, kong saan malaya niyang mapagmasdan si Noah at Tristan.

"Here we go, the hot, gorgeous, sexy and perfect daddy..  Mr. Lopez " everyone clap their hands, as the master of ceremony announces Tristan to sing. Hindi na niya naabutan ang ilan sa mga sinabi nito, she just assume that Maybe Tristan was requested to sing, at dahil mabuti itong tao kaya pumayag.

T O R M E N TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon