Chapter.16

100 7 2
                                    

DALAWANG araw, ang nagdaann mula sa selebrasyon ng kaarawan ni Noah, wala ng pinagbago ang buhay ni Ellisha, simula ng dumating si Trishella ay hindi na siya ma mabigyan man lang ng pansin ng kanyang mag ama at ito ang pinakamasakit na parti ng pagkatao niya, nararamdaman niyang unti unti na siyang namamatay sa loob.

Nasa itsura ng anak niya ang excitement at saya habang tinatawag nitong mommy si Trishella. She felt like a trash in the ditch, that ends in the gutter. Naging gawain na niya ang pag iyak tuwing walang tao sa paligid, at kapag tulog na si Noah, malapit na siyang malunod sa sakit at hirap, at mas nasasaktan siya kapag naiisip niyang walang pakialam ang mag ama niya.

Lagi na lang nyang nahuhuli ang sarili na nakatingin sa malayo at malalim ang iniisip.
Nanging madalas ang pagsakit ng ulo niya nitong nakaraan, at natatakot siya sa pweding mangyari muli sa kanya.

Natawa siya ng mahina.

"Possibli pala, na magkaroon ng sakit ang isang tao, both physical and emotional".
Kapag mabaliw kaya siya? Anong mangyayari? Maybe she will end up in the mental hospital, and no one will dare to visit her.

What if, mamatay siya? Mukhang wala namang iiyak.

She wants to kill herself, baka sakali makuha niya ang atensyon ni Noah at Tristan. But no, she wont do that, kaya nga siya nandito kasi gusto niyanh makasama ang pamilya niya.

"Ma'am?, May gusto po ba kayong kainin?" She smile weakly to Juvy, mabuti pa ang mga katulong, napapansin siya, napapansin ang pagbabago niya.

"Wala na. Ipagluto niyo na lang si Noah at  Tristan, baka pa uwi na ang mga yon"

Walang gana na tumayo siya mula sa sofa, at tinungo ang veranda.

Her life is  in a big mess, at natatakot na siya dahil malaki ang posibilidad na hindi na niya kayang ayusin pa.

Tristan, Noah and Trishella, went out for fishing, gusto sana niyang sumama pero hindi man lang siya niyaya ng mga ito. Wala siyang nagawa, kundi mag hintay, mag abang at  mag isa.

Naaalimpungatan siya ng magising at makita na halos dalawang oras siyang nakatulog sa sofa habang yakap ang picture frame ng kanyang mag ama.  Ellisha saw Noah's bag on their bed, mukhang nakarating na ang mga ito, at hindi man lang siya ginising.

"Ma'am kumain na po kayo, hindi pa po kayo kumakain mula kaninang umaga"

Naagaw niya ang atensyon ni Tristan at Trishella na ngayon ay masayang nag uusap habang nag hahapunan.
Gustuhin niya mang takpan ang bibig ni Jhosa ay wala na siyang nagawa, ayaw niyang isipin ni Trishella at Tristan na nagpa papansin siya. Wala lang talaga siyang ganang kumain.

Hindi na siya nakasagot muli ng tumunog ang kanyang telepono.
Pinagmasdan niya muna ng ilang segundo bago sya nag pasyang patayin iyon, ayaw niya sa taong tumatawag, sa lahat ng bagay ito ang pinaka ayaw niya, ayaw niyang pinapaalala siya kong ano ang nangyayari sa kanya. Tahimik na binalik niya sa loob ng damit ang cellphone.

Nakangiti nyang pinagmasdan si Noah na ngayon ay maganang kumakain,

Nagsalin muna siya ng isang basong tubig at saka diri diritsong uminom, pakiramdam niya ay nauhaw siya ng dalawang araw.

"Sa taas lang ako baby" hinalikan niya  ang pisngi ng anak at hindi na  binigyan pansin ang mga matang naka tingin sa kanya.

It was 12:00 midnight ng makaramdam siya ng muling pagkauhaw. Sino ba naman kasi ang hindi madaling mauhaw kong tubig lang ang ginagawa niyang pantawid gutom.

Maingat na bumangon siya sa kama at dahan dahang lumabas ng kwarto, may mga maliliit na ilawan kaya hindi gaanong madilim ang bahay, hanggang sa marating niya ang pinto ng kusina.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay naabutan niyang nakaupo si Tristan sa mini bar at tahimik na umiinom ng alak. Walang plano si Ellisha na guluhin si Tristan sa pag inom nito, tahimik lang siyang kumuha ng tubig mula sa ref at diretsahang uminom ng isang baso.

Nakailang hakbang na siya ng mag salita ang lalaki.

"Why did you left?" Na estatwa siya sa kanyang kinatatayuan, ito ang mga tanong na hindi pa niya kayang sagutin.

"I'm sorry" ang tanging katagang lumabas sa kanyang bibig.

"Sumama ka ba sa iba?" Gustong kompirmahin ni Ellisha kong tama ba ang pag intindi niya sa himig ng boses ni Tristan, himig ng hinanakit at sakit.

Gusto nyang sumagot ng "hindi"  "hindi ko kayang gawin yan" ngunit ayaw lumabas ng mga salita sa kanya.

Nang hindi naka sagot si Ellisha ay natawa ng mahina si Tritan.

"Ba't pa ba ako magtatanong, hindi naman mahalaga to" kahit mahina ang pagkasabi nito ay dinig niya parin.

Gusto niyang maiyak, gusto niyang yakapin ang asawa, gusto niyang magsumbong, gusto niyang ipaalam lahat, ngunit heto siya kinikimkim lahat ng bigat at sakit sa loob.

"Whatever fvking reasons you have, it will not change anything, just sign this and leave my fvcking house" Tristan throw a brown envelope on the table.

Kinabog ng matinding kaba ang dibdib ni Ellisha .

Halos mawalan siya ng malay ng mapagtanto kong ano ang laman ng envelope. Naramdaman niya kong paano na wasak ang puso niya.
Literal na naramdaman niya kong paano siya binagsakan ng langit, gumuho na ng tuluyan ang mundong kanyang pinipilit na buoin. Na manhid ang buong pagtao niya, na kahit pagluha ay natigil sa sobrang bigat ng pakiramdam niya. Ayaw na niyang mabuhay pa, ayaw na niyang lumaban. Sinukuan na siya ng mundo. Sinukuan na siya ng mga taong mahal niya.

Hindi na ba ta talaga maaayos pa?

"A-a-anulment pa-papers"

T O R M E N TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon