Medyo kinakabahan pa rin ako matapos kong reply-an ang email ni Francis Lee on behalf of Vren.
Mabuti na lang at naka-save pa rin ang email credentials ni Vren sa aking phone, courtesy of that time na hiniram niya ito para mag-reply sa email ng isang business partner ng Medialink, dahil naiwan niya sa condo niya ang kanyang sariling phone.
And FYI, kinuha ko lang naman ang email address ni Francis Lee! Hindi naman ako nagpanggap na si Vren or anything. Sarili kong account ang ipinang-reply ko, so there's no need to look at me like that. Psh.
To: francislee@globalprojects.com
From: miracustodio@medialinkmarketing.comGood day, Mr. Lee! On behalf of Mr. Vren Montevilla, I would like to confirm his attendance to Hollier's homecoming event this coming month, as he's too busy to do so. Vren is very eager to once again meet you and your other colleagues. Please do send him the details of the event. Thank you!
P.S. I'm his girlfriend. :)
See? I'm so brilliant! Siyempre, being Vren's girlfriend, alam ko namang nagpapapilit lang ang isang 'yon. Mahilig magpa-importante ang mokong na 'yon, e! Kaya ako, ang dakilang kasintahan, ay gumawa na ng paraan upang minsan naman sa kanyang boring life ay mag-enjoy si Freak.
Sana lang, ayain niya ako as his date. Baka mamaya, may lumingkis sa kanya habang wala ako! Isa pa ay chance ko na ring makatapak sa Hollier, ang University of the Elites. Grabe, 'no? Big-time talaga ang mga Montevilla!
"Sis!" Nagulantang ako nang bumukas ang pinto ng aking opisina, revealing a pouting Alexia. Behind him was Mavi and Hannah, as always. "I know na kung kaninong bruhilda ikakasal si Papa Vince!"
Tumaas ang kilay ko. "Really? Ang bilis, ah. Napaka-chismosa mo talaga. Kanino naman kamo ikakasal si Vince, aber?"
"Kay Samantha Love Banerjee!" irit ni Alexia. "Huhu! Why are you doing this to me, Bathala? Hindi ba, nag-novena naman ako nang paulit-ulit para hilingin na mapasaakin ang isa sa Montevilla brothers? Isn't that enough?"
Hindi ko na siguro kailangang banggiting automatic na lumipad ang kamay ni Mavi upang bigyan si Alexia ng isang powerful na batok. "Ambisyosa ka talaga! Pati pagno-novena, ginagamit mo sa kalandian mo?"
Pero teka, kay Samantha Love Banerjee kaya talaga ikakasal si Vince? Hindi ba fake news itong nasagap ni Alexia?
Si Samantha Love lang naman ang itinuturing na Angelina Jolie ng Pilipinas. Sexy, matangkad, perfect ang mukha — as in wala talagang maipipintas!
Parang bigla akong nanliit. Nakakaloka naman kasi ang history ng panliligaw ni Vince — from yours truly, isang hamak na accountant, papunta sa certified celebrity na si Samantha Love Banerjee! At talagang pinanindigan ko ang paulit-ulit na pambabasted kay Vince sa loob ng halos isang taon, ha?
Pero, kung totoo nga ang alleged Samantha Love — Doc Vince engagement, okay na rin ako. Imagine, magiging sister-in-law ko si Samantha Love 'pag nagkataon?
Hindi sinasadyang napatingin ako kay Hannah, na noon ay parang tinanggalan ng vocal chords dahil sa kanyang katahimikan.
"Girls, wait lang ha? May itatanong lang ako kay Hannah. Work-related." Walang pag-aalinlangang hinila ko si Hannah palabas ng aking office.
"K, fine!" sagot ni Baklita na tuloy lang ang pagwo-walling, ala-Ryzza Mae Dizon, sa dingding ng opisina ko.
Nang nakalayo na kami ay kaagad kong hinarap si Hannah. "Friend, okay ka lang ba?" I asked in a concerned tone.
Namula naman si Hannah. "O-oo. Okay lang ako, Mira," sagot niya sa matamlay na boses.
"Sigurado ka? Kilala kita, Han."
"Ano ka ba? Sabing okay lang ako, 'no?" Hannah was clearly trying to muster some enthusiasm as she replied. But I know better.
Kaya lang ay baka hindi pa ito ang tamang pagkakataon para kausapin siya tungkol sa tingin kong dahilan ng kalungkutan niya nitong mga nakaraang araw.
"Okay. Sabi mo, e." I gave her a reassured smile, even though I was just, of course, faking the reassured part. "Basta, if you want to talk about anything, nandito lang ako."
"I know. Thanks." Hannah looked relieved.
Soon — one of these days — mapapaamin ko rin si Hannah on what — or should I say, who — was causing her uncharacteristic loneliness.
****
"For Christ's sake, Mira. I already told you a hundred times — I am not going to that reunion! Can't you see? I dread seeing those people again!" Medyo tumaas na ang boses ni Vren habang magkausap kami rito sa café na nasa tapat ng Medialink. Nalaman na niya kasi ang ginawa kong pag-RSVP kay Mr. Francis Lee, on his behalf.
"Vren naman, e. Kung ano man ang nagawa nila sa'yo, kalimutan mo na. It's been so long! Tingnan mo nga o, sila na rin ang nag-reach out sa'yo. Kung tutuusin, pwede ka naman nilang ipagwalang-bahala sa reunion nilang 'yan pero, look! Nag-effort talaga si Francis na imbitahan ka. Kaya please lang, gora ka na, okay? Maybe it's time for you to mend your friendship with the people you dread seeing again."
"Oh, come on. What do you know about broken friendships? As far as I know, you are Miss Congeniality," frustrated na sagot sa akin ni Vren.
"Fine. Ako nga si Miss Congeniality." I sighed. "If that's what you think, e 'di hayaan mong tulungan kita. Jusko naman, Vren. Hindi ka mabubuhay nang mag-isa lang. Hello? Kailangan mo rin ng mga kaibigan."
"I don't need friends. I'm already more than fine to have you," seryoso niyang sagot.
Eep! Kilig!
"Psh. Alam ko namang dead na dead ka sa akin pero please, just give it a try, will you? Para sa akin?" patuloy na pamimilit ko, ignoring the warm, fuzzy feeling that his words just gave me. "Sasama ako sa'yo sa Hollier."
Natawa naman si Vren. "You are way too confident. Ikaw kaya ang patay na patay sa akin." Kumindat pa ang loko. Binato ko nga ng table napkin!
"Hey!" he protested, still chuckling.
"Hey yourself! Ano, pupunta ka na? Ayiee, pupunta na 'yan!" parang timang kong pang-aalaska sa boyfriend ko.
Bahagyang itinaas ni Vren ang mga kamay niya. "Fine! Tell me, do I even have a choice? The way I see it, you are considering literally dragging me all the way to Hollier if I keep on refusing to attend that godforsaken reunion."
"Buti, alam mo!" I replied with a laugh. "Ang arte-arte mo kasi. Bakit ka ba ganyan, ha?"
Vren smirked. "Just promise me that we're only staying for an hour. Please? That's really all I can manage."
"Nge! One hour? Para ka lang nag-grocery no'n!" I pointed out. "Three hours, pwede?"
Vren groaned. "One hour. Or I will not go at all."
I made a face, sensing that this was the most I could get. Baka kapag pinilit ko pa siya ay tuluyan na kaming mag-away ni Vren, and I didn't want that. "Alright. Deal closed. Isang oras, tapos sibat na tayo."
"Good." Vren seemed satisfied that he, at least, still got his way in the end. "Now, let's go back to the office. Lunchtime is over."
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Freak (Published under Pop Fiction)
RomanceKung sa "My Boss is a Freak" ay napatunayan niyong posibleng magkaroon ng isang unbelievably handsome, smart, and mega-rich na freak, dito naman sa pagpapatuloy ng ating storya ay malalaman niyong posible rin palang ang freak na 'yon ay ang mismong...