69: Mira

107K 1.5K 123
                                    

"Ate, ano kaya kung ipa-Spirit of the Glass natin ang nategi mong kapatid? Itanong mo sa kanya kung sino ang tatay ng anak niya."

"Baliw." Pabiro kong binatukan si Myron. "Gagambalain mo pa ang kaluluwa ni Ate Bella. Baka mamaya ay kung ano pang masamang elemento ang matawag natin!"

"Sus." My brother sniggered. "Ang sabihin mo, naduduwag ka lang. Paano niyo ngayon malalaman ni Kuya Vren kung sino ang tatay ni Zac, aber?"

"Tigilan mo nga ang pang-aasar sa ate mo, Myron Theo," saway ni Papa sa kanya. "Magagawan ng paraan ang paghahanap sa ama ng pamangkin niya. Ang importante, nalinawan na tayong hindi si Vren iyon. Hindi na... Ano nga ba ang term do'n? Aw—"

"Pa, 'awkward' po," nagpipigil ng ngiti na sagot ko kay Papa.

"Ayon!" he exclaimed triumphantly, causing both Myron and me to chuckle. Ignoring us, he continued, "Hindi na awkward ang sitwasyon. Malaman man natin o hindi kung sino ang tunay na tatay ni Zac, nandiyan naman ang ate at kuya mo para alagaan siya."

Mama, who was until then just listening to the conversation, said, "Nandoon na tayo, Ted. Pero mas mabuti pa rin na malaman ng bata — malaman nating lahat — ang totoo." Binalingan niya ako. "Wala man lang bang naiwan na kahit ano si Isabella na makapagpapatunay kung sino ang tatay ng anak niya?"

I shook my head. "Wala po Ma, e."

"Sina Arkin at Ivana, wala ring alam?"

"Ma, ni hindi nga po nila alam dati na meron pala silang apo kay Ate Bella!"

"Sabi ko nga." My mother sighed. "Dios mio... Ano ba naman itong panganay ni Arkin! Nag-iwan pa ng sakit sa ulo sa inyo."

"I still vote for Spirit of the Glass," pakli ni Myron na may ngiting-aso sa pagmumukha.

"Isa pang banggit mo sa Spirit of the Glass na 'yan at sasamain ka na talaga sa akin," I warned him with a frown.

"Ito naman, hindi na talaga mabiro," he remarked with yet another snigger. "O eto, matinong suggestion na. Natanong niyo na ba ang yaya ni Zac, ate?"

"Yup. Pero gaya ng inaasahan namin ay wala rin siyang alam. Ang buong akala nga rin niya ay si Vren ang tatay ng bata. Kaya nga raw noong nakita niya kami dati, from that time na muntik nang mabangga ng kotse ni Vren si Zac, kaagad niyang na-recognize si Vren."

"Na-recognize? Paano?" nagtatakang tanong ng kapatid ko.

Nagkibit-balikat naman ako. "Siguro ay nababanggit ni Ate Bella si Vren. Maybe she kept a photo of Vren, at nakita iyon ng yaya ni Zac."

"Grabe. Talagang kahit sino, magkaka-impression na si Kuya Vren ang tatay ni Zac. Misleading naman kasi ang mga ikinikilos noon ng ate mo."

"Kaya nga, e," I answered sadly. "Hindi bale. Pursigido naman kami ni Vren na mahanap ang totoong ama ng pamangkin ko. Kahit ipa-DNA test pa namin ang lahat ng mga lalaking nakadaupang-palad ni Ate Bella, gagawin namin. We'll find Zac's father, and that's final."

****

Balik-trabaho na ako ngayon, which meant na balik din kaming magtotropa sa paborito naming tambayan tuwing break time.

Serendipity was empty apart from us, kaya naman malaya kaming nakapagkwentuhan nina Alexia, Mavi, at Hannah tungkol sa panibago ko na namang problema sa buhay — the great mystery of who fathered my dead sister's son.

"So, one hundred percent sure na ba talagang hindi si Papa Vren ang tatay ng junakis ni Isabella, sis?" nakataas ang kilay na tanong ni Alexia.

I nodded. "Oo, negative ang result ng DNA test. Ang ending, ako pa pala ang totoong kamag-anak ng bata. Nakakaloka!"

My Boyfriend is a Freak (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon