Ilang linggo na rin ang nakalipas mula nang mag-lunch kami ni Vren kasama ang pamilya niya. And although I wasn't a fool to miss the hints that the rest of the Montevillas kept dropping during said lunch, sa paglipas ng mga araw ay unti-unti akong nakukumbinsi na kung ano man ang binabalak ni Vren ay mukhang wala na siyang balak ituloy.
Maybe he realized he wasn't ready yet, after all...
Oh, well. Kahit abutin pa ng ilang dekada bago ako tanungin ng boyfriend ko ng The Question ay wala akong pakialam. When I told him I was prepared to wait no matter how long it takes, I really mean it. Basta, ang alam ko, kung hindi lang din ako kay Vren ikakasal ay 'wag na lang. Sa dinami-rami ba naman ng pinagdaanan naming dalawa ay parang napaka-unfair kung hindi pa kami mauwi sa altar.
I guess I just have to be patient.
Anyway, today started out as a real pain in the neck. Na-late lang naman ako ng gising, kung kailan pa hindi ako maihahatid ng jowa ko papunta sa Medialink. I had to take a taxi to work, at todo-madali na ang beauty ko papasok ng company premises dahil nga ilang minuto na lang at magsisimula na ang shift ko.
Kaya lang, sa gulat ko ay hinarangan ako ng naka-duty na guard nang nasa entrance na ako. At mas lalo akong nawindang nang sabihin niya sa akin ang dahilan — wala raw kaming pasok ngayong araw.
"Po? Walang pasok?" nakakunot ang noo na paglilinaw ko kay Manong Guard. "Bakit po? Hindi naman holiday, ah."
"Utos po ni Sir Vren na 'wag papasukin ang lahat ng mga empleyado ngayon. Nag-send daw po ang HR ng email announcement kahapon."
"Seryoso? Parang wala naman yata akong natanggap na ganyang email."
Ano kayang kabaliwan ang pumasok sa utak ni Vren at bigla-bigla na lang siyang nagdeklara ng no-work day? At ang mas malupit na tanong, bakit hindi niya man lang ako sinabihan?
Nagkibit-balikat si Manong Guard. "Sumusunod lang po ako sa utos, ma'am. 'Nga po pala, may nagpapabigay po nito sa inyo."
Nagtatakang tinanggap ko ang iniaabot niya sa akin — isang pink na envelope.
"Kanino po ito galing?"
Sa halip na sumagot ay ngumiti lang si Manong Guard nang nakakaloko. "Ingat po kayo pauwi, ma'am."
I was still in total confusion as I exited the company premises. Habang naglalakad palayo sa Medialink ay binuksan ko ang envelope na aking natanggap. Ni wala man lang itong label kung galing kanino.
Nang makita ko ang laman nito ay lalo lamang akong nagtaka. It contained a piece of paper, on which a single word was written: HEY.
"What the — sino naman kayang Poncio Pilato ang nagpadala nito sa akin?" I muttered, staring at the nonsensical message I received. I was about to throw it into the nearest trash can, but then I got the feeling that I should keep it instead. Kaya naman kahit litong-lito pa rin ay isinilid ko na lang ito sa aking bag.
****
Akmang papara na ako ng taxi na magdadala sa akin pabalik sa aking apartment nang bigla namang may tumawag sa akin. I checked my phone and saw my brother's name on the screen.
"Good morning, my beautiful sister," Myron greeted me in a singsong.
"Anong problema mo, Myron Theo?" tanong ko sa mokong. "Ang aga mo naman yatang mang-abala."
"Sungit!" He chuckled. "Pwede mo ba akong puntahan sa Pierceson ngayon?"
"At bakit? May pasok ako, baka nakakalimutan mo," pagdadahilan ko.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Freak (Published under Pop Fiction)
RomanceKung sa "My Boss is a Freak" ay napatunayan niyong posibleng magkaroon ng isang unbelievably handsome, smart, and mega-rich na freak, dito naman sa pagpapatuloy ng ating storya ay malalaman niyong posible rin palang ang freak na 'yon ay ang mismong...