"Yikes. Ang scary naman pala ng ate ng Montevilla brothers!" nanlalaki ang mga mata na sabi ni Alexia. "Good thing na ipinagtanggol ka ni Papa Vren mula sa kanya. Kung nandoon lang ako habang tinataray-tarayan ka ng bruhang 'yon, ako na mismo ang sumabunot sa kanya."
"Talaga, kaya mong saktan ang ate ng Papa Vren at Papa Vince mo? E 'di kinamuhian ka ng magkapatid. Keri mo?" pang-aasar naman sa kanya ni Mavi.
"Hmm, oo nga 'no?" Alexia pouted. "Pero kahit na! She shouldn't have done that to Mira!"
"Wow, Inglisera ka?" Mavi chuckled. She took a sip of her iced coffee – the four of us were hanging out in the café in front of Medialink's building, Serendipity – before turning to Hannah. "Naku, Han. Mukhang base sa kwento ni Mira tungkol sa ate ng Montevilla brothers, mukhang makakatikim ka rin ng kasupladahan kapag naging kayo ni Doc Vince."
Namula naman si Hannah. "Ang advance niyo talagang mag-isip. Kaibigan ko pa nga lang si Vince!"
"Sus... echoserang frog ka rin talaga, 'no?" Hinampas ni Alexia ang flawless na braso ni Hannah, na noon ay exposed dahil naka-sleeveless black dress ang aming kaibigang chinita. "Kung may aaminin ka man, friend, 'wag ka nang mailang dahil wala namang masama kung may something talaga sa inyo ni Doc. Kahit itanong mo pa kay Mirathea."
"Korek." I took a sip of my drink as well. "Han, if you are hesitating about Vince dahil, alam mo na, dati siyang nanligaw sa akin... forget about it, okay? It's cool. We're cool. And hello, kay Vren Andrei na ako ngayon." I smiled at her.
"See? Walang problema." Alexia grinned. "But beware dahil kapag naging kayo ni Papa Vince, nasa to-kill list na rin kita, kasama ni Mira. Siyempre, akin pa rin sa huli ang Montevilla brothers. Mabait lang ako ngayon kaya pansamantala kong shine-share sa inyong dalawa ang mga future jowa ko."
"Dream on, Alessandro Pinpin." Mavi rolled her eyes. "As if naman may pag-asa ka sa magkapatid na 'yon."
"Mahadera!" Pinandilatan siya ni Alexia. "E 'di sige, si Fix na lang ang jojowain ko. Tutal, trip mo namang magpaka-tibong nerd forever."
It was Mavi's turn to blush. "Whatever. Hindi ko nga alam kung buhay pa ang lalaking 'yon. You can have him for all I care."
"O, awat na," saway ko sa dalawa. Us Mavi's friends know that she's still sensitive about Fix Castillero, her college boyfriend who cheated on her. Si Fix ang dahilan kung bakit ang dating campus beauty queen na si Mary Eve Alegre ay naging sobrang konserbatibo at old-fashioned.
"Tigil-tigilan mo ang kakabanggit sa Fix na 'yan, Baklita," pabulong na sita naman ni Hannah kay Alexia. "Ikaw ang mapapaslang ko kapag umiyak si Mavi."
Magsasalita pa sana ako nang biglang dumilim ang paningin ko – literally. Somebody behind me had covered my eyes with their hands. Unang sumagi sa isip ko ang boyfriend ko, but I was instantly proved wrong nang marinig ko ang nagtatakang boses ni Alexia.
"Sino 'yan?" our gay friend wondered in a low voice. "Ang gwapo!"
Isa pa, na-realize kong hindi si Vren ang tipo ng tao na bigla-bigla na lang mamba-blindfold ng iba gamit ang kanyang mga kamay. He's too formal for that.
"Anak ng..." Sinubukan kong tanggalin ang pagkakatakip ni Mystery Guy sa mga mata ko. "Okay, hindi ka na nakakatuwa. Tigilan mo na 'to!"
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Mystery Guy.
"Get your hands off my face!" inis kong singhal. Nang hindi pa rin siya natinag ay bigla kong kinuha ang isang kamay niya at kinagat ito. Napasigaw naman si Mystery Guy.
"Aray! Kailangan bang may kagatang maganap?" he exclaimed amidst my friends' laughter.
"Myron?" Gulat na napalingon ako sa likod ko. "Susmaryosep. Ikaw lang pala! Teka, anong ginagawa mo rito?"
"Ehem!" pagsingit ni Hannah. "Before you quiz him, baka naman gusto mo muna siyang ipakilala sa amin. Sino 'yan?"
I sighed. "Guys, meet my younger brother, Myron. My, meet my three best friends here at Medialink: Alexia, Mavi, and Hannah."
"Hi, bebe boy!" kaagad na bati sa kanya ni Alexia. "Single ka?"
"Hoy!" Pinandilatan ko si Baklita. "Not my brother, okay? Tutuktukan kita!"
While Alexia muttered indignantly, muli kong binalingan ang kapatid ko. "Mabalik tayo sa tanong ko kanina. What are you doing here, Myron Theo?"
"Meet Medialink's newest student intern," said a new voice from behind Myron, even before my brother could open his mouth to answer. It was Vren, of course. Kasunod palang pumasok ng kapatid ko sa Serendipity si Mr. Montevilla. "Apparently, Myron needs to complete two hundred and fifty hours of on-the-job training to finish his third year at Pierceson. You didn't tell me that our li'l bro here also studies Accountancy, Ms. Custodio."
"Soon-to-be accountant ka pala, bebe boy!" Mukhang walang epekto kay Alexia ang pagbabanta ko kanina. "Gusto mo, turuan kita sa lessons niyo?"
He started to rise from his seat, most likely to approach Myron, pero bago pa man niya iyon magawa ay itinulak ko na siya. Muling napaupo si Baklita na kaagad naman akong pinandilatan.
"Isa pang beses na landiin mo ang kapatid ko at hindi ka na makakabalik nang buhay sa Medialink," I warned him, glaring as well. "'Wag mo akong subukan, Alessandro Pinpin."
"Oo na, magbe-behave na ako!" Alexia finally relented. "Parang nagmamagandang-loob lang sa kapatid mo, e."
"Ate, bantayan mo ako lagi kapag nagsimula na ang internship ko sa inyo, ha?" Myron sounded terrified. "Baka kung ano ang gawin sa akin ng kaibigan mong 'yan. Nakakatakot!"
Vren chuckled at my brother's words. "Don't worry about Alexia, My. He's harmless."
"Kami ang bahala sa'yo, Myron." Mavi gave him an assuring smile. "Sisiguraduhin naming hindi ka gagambalain ng isang 'to." Then she turned to Alexia with a frown. "Natakot tuloy sa'yo ang bata! Umayos ka nga!"
"Hindi mo talaga mapigilan ang kalandian mo, 'no?" segunda naman ni Hannah.
"Che! Parehas lang tayong malandi!" sagot sa kanya ni Alexia.
"Excuse me." Nag-hair flip si Chinita. "Kung Olympic sport lang ang kalandian, mas marami pa ang medals mo kesa kay Michael Phelps, Alessandro Pinpin. 'Wag mo akong itulad sa'yo."
Nagtawanan naman kaming mga nakikinig sa bangayan nila.
"Come on, My. Let's resume your tour of Medialink," pagkaraan ay sabi ni Vren sa kapatid ko. "And you four should go back to work as well. You're way past the allotted time for afternoon breaks."
"Yes, sir," kunwari ay seryosong-seryoso na sagot ko sa kanya. He gave me a tiny wink in return. Pressing my lips to hide a smile, I then turned to my friends. "Vren's right. Ubusin na natin ang merienda natin dahil kailangan na nating bumalik sa office."
"Ang cute naman. Mukhang close na agad sina Myron at Sir Vren, ah," Mavi commented as we watched the two of them exiting the café. My boyfriend had an arm around my brother's shoulders, and they appeared to be in an animated conversation.
"Kaya nga, e," nakangiting sagot ko kay Mavi. "Matagal nang gustong maranasan ni Myron na magkaroon ng kuya. I'm happy that he already has one."
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Freak (Published under Pop Fiction)
RomanceKung sa "My Boss is a Freak" ay napatunayan niyong posibleng magkaroon ng isang unbelievably handsome, smart, and mega-rich na freak, dito naman sa pagpapatuloy ng ating storya ay malalaman niyong posible rin palang ang freak na 'yon ay ang mismong...