Magkasunod na pumasok sa aking kwarto sina Papa at Myron.
"Mira, 'nak... mag-usap muna tayo," panimula ni Papa. Bakas pa rin ang lungkot sa kanyang boses.
Hindi muna ako umimik. Mabuti na lang at nakahiga ako nang nakaharap sa dingding pagdating nila. I wasn't sure if I was ready to talk to anybody from my family.
"Ate, may dala ako para sa'yo. Kain ka muna nitong paborito mong chocolate cake," sabi naman ni Myron. "'Wag mo 'tong iisnabin, ha? Kahit G na G ako, binilhan pa rin kita nito. Kanina ka pa raw kasi hindi kumakain."
"G na G? Ano 'yon, 'nak?" bulong ni Papa kay Myron.
"Gipit na Gipit, Pa," pabulong ding sagot sa kanya ng aming bunso.
Despite my desolation, napangiti na rin ako dahil sa kalokohan ng kapatid ko. Binalingan ko sila ni Papa sabay sabi ng, "Kung anu-ano talaga ang nasa bokabularyo mo, Myron Theo."
"Pinapatawa lang kita, Ate. Tingnan mo, mugtong-mugto na ang mga mata mo kakaiyak!" Inilapag ni Myron ang hawak niyang platito na meron ngang lamang cake, saka niya ako nilapitan. "Halika nga rito!"
Wala nang angal-angal, kaagad akong yumapos sa pinakamamahal kong bunso. Habang si Papa, nakangiti habang pinagmamasdan kami.
"Totoo ba, Ate? Hindi mo raw talaga tatay si Papa?" pagkaraan ay tanong ni Myron.
Tumango ako. Somehow, hearing that from my brother made me want to bawl my eyes out again. Iba pala ang dating kapag kay Myron na mismo iyon nanggaling. It felt more... real.
"At si Kuya Vren, may anak daw pala sila ni Isabella... na kapatid mo pala?"
Muli akong tumango.
"'Wag ka ngang umiyak, Ate!" saway sa akin ni Myron sabay punas din naman ng luha sa kanyang pisngi. "Ayokong nakikita kang ganyan. Kilitiin kita riyan, e."
"Subukan mo!" natatawang sagot ko sa kanya. Paniguradong mapagkakamalan kaming baliw dahil sa aming pag-iyak-tawa.
"E 'di hindi na pala Custodio ang apelyido mo? Ikaw na si Mirathea dela Merced. Diyahe, hindi na tayo magkaparehas ng apelyido."
"Aba!" Parehas kaming napalingon ni Myron nang umalma si Papa. "Hindi naman ako makakapayag diyan. Ipinanganak na Mirathea Custodio ang ate mo, at habambuhay niyang dadalhin ang apelyido ko. 'Di ba, 'nak?"
Tumawa ako. "Siyempre naman po, Pa."
"Half-siblings lang pala tayo," muling sambit ni Myron. "Hayaan mo na, ganoon pa rin naman 'yon. Ate kita, bunso mo ako... Wala namang nagbago, 'di ba?"
"Oo naman. Walang magbabago. Halika nga ulit, bunso. Group hug tayo nina Papa." Sa aking imbitasyon ay kaagad akong pinagitnaan nina Papa at Myron sa isang yakap.
****
Matapos muling ikwento kay Myron ang buong istorya ng kung paano naging si Sir Arkin dela Merced ang totoo kong tatay — na eventually ay napunta sa love story nila ni Mama — lumabas muna ng aking kwarto si Papa. Tingin ko ay mag-uusap ulit sila ng aking nanay.
Kaya naman naiwan kaming dalawa ni Myron para pagtulungang ubusin ang chocolate cake na binili niya para kahit paano ay pasayahin ako. My brother and I chatted about my current dilemma as we ate.
"Grabe! Rich kid ka na pala, Ate," pang-aalaska sa akin ng makulit kong kapatid. "Imagine, kasama sa listahan ng richest men in the country ang tatay mo? Big time ka na, hindi na ma-reach!"
Pabiro ko siyang binatukan. "Sus, e ano naman kung napakayaman pala ng totoo kong tatay?"
"Hello? Siyempre, kapag namatay 'yon ay sa'yo mapupunta ang lahat ng kayamanan no'n. Ikaw na lang kaya ang natitira niyang anak." Humagalpak ng tawa si Myron. "'Wag mong kalimutan ang balato ko, ha?"
"Siraulo ka! Hindi ko pa nga nakikilala nang lubusan ang tatay ko, gusto mo na agad patayin para sa yaman niya?" Sinimangutan ko siya. "Kung anu-ano talaga ang pumapasok sa isip mo, 'no?"
"Binibiro lang naman kita, hehe," sagot niya sabay ngisi. "Pero hindi mo ba na-realize kung gaano ka kaswerte? Pati ang boyfriend mo, galing din sa mayamang angkan. Magkano kaya ang net worth mo kapag nagkataon?"
I jokingly hit him on the arm this time. "Net worth mong mukha mo, Myron Theo!"
My brother snickered. "Wala ba tayo diyan, Ate? Kahit isang brand-new sports car lang, masaya na ako."
"Tigil-tigilan mo nga ako. Ni hindi ko nga dala ang apelyido ng totoong tatay ko, and as for my boyfriend..." I paused to exhale heavily, "...sa mga nangyayari ngayon, hindi ko sigurado kung ano ang kahihinatnan ng relasyon namin."
A fresh wave of sadness washed over me as I remembered Vren's face.
"Bakit naman?" Myron frowned slightly. "Nagkaroon lang ng excess baggage si Kuya Vren, Ate. Kung talagang mahal niyo ang isa't isa, ano naman kung meron na pala siyang anak? And to think na pamangkin mo pa pala 'yong Zac... Walang kaso kung magkatuluyan man kayo ni Kuya Vren. Sa tingin ko nga ay mas matutuwa pa ang ate mo — sumalangit nawa siya — kung ikaw ang tatayong pangalawang nanay para sa anak niya."
Bumuntonghininga ako. "Kung sana'y ganyan lang talaga kadali ang lahat, bunso... Pero kumplikado kasi ang sitwasyon. Alam ko namang hanggang ngayon ay may natitira pang feelings si Vren para kay Bella — kay Ate Bella. At ngayong lumabas na ang sikreto na may anak pala sila, paano pa mawawala ang nararamdaman ng Kuya Vren mo para sa ex-girlfriend niya? Mahirap kasi na habang kami ni Vren ay merong patuloy na nagpapaalala sa kanya tungkol sa babaeng sobrang minahal niya dati."
"Gano'n? Parang insecurity naman ang pinapagana mo ngayon, Ate."
"Insecure na kung insecure, pero hindi ko kayang makipagkumpetensiya sa alaala ng first love ni Vren — na nagkataong ate ko pa. Ang saklap, 'di ba? If it weren't for me and Vren being together, hindi sana ako nagkakaganito ngayon. Lumabas man ang sikreto tungkol kay Zac at sa pagiging dela Merced ko, I won't be as miserable as I am now. Pero dahil kami ni Vren, triple ang dalang bigat ng mga nalaman ko."
Matagal na hindi nagsalita si Myron. Tila ba pinag-iisipan niyang mabuti ang lahat ng mga sinabi ko.
Eventually, he shook his head. "Tsk, ang hirap palang ma-in love! Mabuti pa ako, walang love life kaya hayahay lang. DOTA lang, masaya na ako." He chuckled. "Kapag ako, nagkagusto sa isang babae, ipapa-background check ko muna siya. Sisiguraduhin kong hindi siya ex ng aking long-lost brother, kung meron man ako no'n."
"Baliw! Paano ka naman magkakaroon ng long-lost brother?" I giggled. "Grabe ang imagination, ha?"
"Malay mo lang naman, Ate. Kung kayo nga ni Isabella, na-push ng tadhana na maging half-sisters..."
"'Wag ka nang umasa, Myron Theo. I know for a fact na si Mama lang ang tanging babae na minahal ni Papa. Wala ka nang ibang kapatid bukod sa akin, kaya itigil mo na ang kahibangan mong 'yan."
"Basag-trip ka talaga, my dear sister. Sige na nga, hindi na ako aasang nanay ko pala ang richest woman in the Philippines." Muling tumawa si Myron na feel na feel talagang asarin ako ngayon dahil napaliligiran ako ng mga taong mayroong limpak-limpak na salapi. "Ano na pala ang plano mo ngayon? Paano na kayo ni Kuya Vren? Hindi naman pwedeng habambuhay mo na lang siyang iwasan."
Napaisip naman ako dahil sa sinabi ng kapatid ko. "Kami ni Vren? Bahala na siguro ang tadhana, bunso. Kung kami talaga ang para sa isa't isa, malalagpasan namin ito. Pero kung hindi... at least ay nalaman ko kung ano ang pakiramdam na mahalin ng isang Vren Andrei Montevilla."
Tadhana ang dahilan ng pagkikita namin ni Vren, at tadhana rin ang nagdala sa amin ng ganito kalaking pagsubok. Tadhana na rin ang bahalang magpatunay kung kami ba talaga ni Vren hanggang sa huli.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Freak (Published under Pop Fiction)
RomansKung sa "My Boss is a Freak" ay napatunayan niyong posibleng magkaroon ng isang unbelievably handsome, smart, and mega-rich na freak, dito naman sa pagpapatuloy ng ating storya ay malalaman niyong posible rin palang ang freak na 'yon ay ang mismong...