"I knew it! Sabi na nga ba, ikaw ang balasubas na may pakana kung bakit biglang nagkaroon ng kopya ng grad pic ko si Vren." Marahan kong binatukan ang kapatid ko, na ngayo'y balik-Medialink para sa kanyang internship. "May araw ka rin sa akin, Myron Theo."
Humagalpak naman ng tawa ang loko. "Kasalanan mo rin naman kasi, Ate. Kung sinagot mo lang sana ang tawag ko no'ng nakaraan, hindi ko na sana kinailangang tawagan si Kuya Vren. Hindi rin sana siya pumunta sa Pierceson at hindi niya rin sana nakita ang grad pic mong pwedeng gawing panakot sa daga."
"Cut it out, you two," saway sa amin ni Vren na halatang nagpipigil ng tawa. "Daig niyo pa kami ni Vince kung mag-away."
"Excuse me!" kaagad kong pagkontra. "Mas malala pa rin kayo ng kuya mo kesa sa amin ni Myron. You Montevilla brothers fight even about the littlest things."
"Including you, Ate? 'Di ba, pinag-awayan ka dati nina Kuya Vince at Kuya Vren? At 'little' ka naman talaga dahil pandak ka." Myron guffawed.
"Aba! Lapastangan ka, ha?" Muli kong binatukan ang kumag kong kapatid, mas malakas na nang kaunti kumpara kanina.
"Stop hitting Myron, babe. You're too brutal for a sister," iiling-iling na sabi ni Vren. "Anyway, I just got word that Bella's parents had finally returned. Is it alright with you if I drop by the hospital later?"
My brother and I exchanged glances. Kitang-kita sa ekspresyon ni Myron ang kanyang silent question — "Papayag ka ba, Ate?"
Nang hindi pa rin ako sumagot ay muling nagsalita si Vren. "Actually, I think you should also come. Bella was asking about you, the last time I visited."
Bumuntonghininga ako. At least, sa isip-isip ko, nagpapaalam na sa akin ngayon si Vren.
"Sure. Sasama ako," I finally agreed. "Tarang bisitahin mamaya si Isabella."
Kitang-kita ang relief sa mukha ni Vren dahil sa wakas ay hindi na namin pinag-aawayan ang ex-girlfriend niya.
"Thanks," he told me with a smile. "My, wanna come too?" he then asked my brother.
"Hindi na po, Kuya. Kailangan ko pong umuwi agad dahil maaga pa ang pasok namin bukas," sagot ni Myron sa kanya.
"Alright. We'll just drive you to your dorm before going to AMMC," Vren told him before focusing on me again. "See you later, Ms. Custodio."
I managed a smile. "See you later, Mr. Montevilla."
Nang malakabas na mula sa opisina ko si Vren, agad akong binalingan ni Myron. His expression was that of disbelief. "Grabe, Ate. Pumayag ka talagang dalawin niyo ni Kuya ang ex niya?"
"Ano ba ang nakita at narinig mo?" pamimilosopo ko sa kanya.
"Akala ko ba, hindi okay sa'yo ang pagpapaka-'friend' ni Kuya do'n sa Isabella?"
"I'm still not a hundred percent comfortable with it," pag-amin ko. "Pero mas hindi okay sa akin kung lagi na lang kaming mag-aaway ni Vren. Kaya no choice ako kundi sakyan ang trip niyang tulungan ang ex niya."
"Martir ka talaga, Ate," my brother remarked with a shake of his head.
"Hindi ako martir, 'no?" Tumaas ang kilay ko. "I'm telling you — any sign of paglalandi from that Isabella, nakahanda akong ipainom sa kanya sa isang lagukan ang dextrose niya. Kaya umayos siya."
Tumawa naman si Myron. "Okay, hindi ka nga martir. Bayolente lang."
"My little brother," I told him with a smirk, "tandaan mo itong ituturo ni Ate sa'yo, ha? Sa mundong ito, dapat handa kang protektahan kung ano ang sa'yo. 'Wag kang tatanga-tanga kung ayaw mong maagawan."
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Freak (Published under Pop Fiction)
RomanceKung sa "My Boss is a Freak" ay napatunayan niyong posibleng magkaroon ng isang unbelievably handsome, smart, and mega-rich na freak, dito naman sa pagpapatuloy ng ating storya ay malalaman niyong posible rin palang ang freak na 'yon ay ang mismong...