17: Mira

143K 1.6K 83
                                    

"OMG. Seryoso, nag-a la Danny O'Donoghue si Papa Vren sa reunion nila? That is so freaking hot!" maarteng komento ni Alexia matapos kong ikwento ang tungkol sa napanood kong performance ng Grey Light kahapon. Pabalik na kaming magkakaibigan sa Medialink matapos mag-lunch out sa isang malapit na restaurant.

Si Mavi naman, ngumiti sabay sabi ng, "Mabuti naman at nagkaayos na sina Sir Vren at ang mga kaibigan niya."

"Kaya nga," pagsang-ayon ko. "Makabawas man lang sa mga sama ng loob na dala-dala ng mokong. Masyadong bugnutin, e. Nakabuti talaga ang pagpilit kong um-attend siya ng reunion nila."

"Dakilang girlfriend ka talaga, Mirathea." Pabiro akong hinampas ni Hannah sa braso.

"At ikaw naman, Hannah Marvilla, ay isang dakilang mang-aagaw!" Alexia grabbed a lock of Hannah's hair. "Sabi nang sa akin si Papa Vince, e. Ahas ka!"

"Aray naman!" pag-angal ni Hannah. "Anong 'ahas' ang pinagsasabi mo riyan? I told you, friendly date lang naman ang lakad namin ni Vince kahapon."

"Sus, friendly date..." Sumabay na rin ako sa panunukso kay Chinita. "Umamin ka nga, Han. May something sa inyo ni Vince, 'no? Kaya pala ganoon ang naging reaksyon mo no'ng lumabas ang balita tungkol sa engagement nila ni Samantha Love."

"True!" Mavi giggled. "Akala ko ba, Han, walang lihiman? Bakit ngayon lang namin nalaman ang tungkol sa inyo ni Doc?"

"Magsitigil nga kayo!" Hannah chastised, her face now flushed red. "Uulitin ko — magkaibigan lang kami ni Vince. 'Wag niyong bigyan ng malisya."

"Fine," I said, curbing a smile as we arrived at Medialink's lobby. "Kung trip mo bang magpaka-in denial ngayon, e. Basta, bridesmaids kami sa kasal, ha?"

Magre-react pa sana si Hannah nang pumailanlang sa lobby ang iritadong boses ng isang babae. "I want to see Vren. Now."

Napalingon kaming magkakaibigan sa reception desk.

"Sorry, Ma'am, but you just can't demand to see Mr. Montevilla if you don't have an appointment," sagot ni Allaine, ang aming receptionist. The poor girl had a terrified smile on her face as she entertained the visitor.

"Are you serious? Do you honestly not know who I am?" mataray na tanong naman ng babae kay Allaine. By this time, every Medialink employee who happened to be in the area was already watching their heated exchange.

"I'm sorry, Ma'am. I'm new here and I haven't really met everyone important –"

"Doesn't matter! God, you are so incompetent."

Kahit gusto ko mang lumapit sa babae para ipagtanggol ang aming receptionist ay parang may kung anong pumipigil sa akin. Only then did I realize that it must have been the woman's striking beauty that stopped me in my tracks – sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ganoon kagandang babae sa personal. Dati ay sa TV at sa internet lang ako nakakakita ng ganoong hilatsa ng mukha – mala-artista o supermodel, 'yong tipong kapag itinabi ako ay magmumukha akong batang yagit.

Matangkad, mahaba at super straight ang buhok, mala-porselana ang kutis, at mala-anghel lang naman ang mukha ng babae. She was wearing a cream bodycon dress na sa sobrang hapit ay magtataka ka kung paano siya nakakahinga, yet it served very well to emphasize her curves. Napaisip tuloy ako na hinding-hindi ako tatabi sa kanya dahil kapag nagkataon ay baka mawala ang lahat ng interes sa akin ni Vren. Mahirap na, 'no? Better be safe than sorry.

"Let me try calling Sir Vren's secretary, ma'am, and see if she can squeeze you through his schedule –"

"Secretary?" The woman laughed in disbelief. "At talagang ipapadaan mo pa ako sa kanyang secretary? For heaven's sake, I –"

My Boyfriend is a Freak (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon