11: Mira

193K 1.8K 90
                                    

Mukha nga yatang espesyal ang Angels' Cradle para sa mga taga-Medialink dahil complete attendance kami sa araw ng pagpunta namin sa nasabing orphanage, para sa aming CSR project.

Matapos siguraduhing nasa designated transportation na ang lahat ng mga taga-Accounting Department ay dali-dali akong pumunta sa aking place of honor — walang iba kundi ang passenger seat ng kotse ni Mr. Montevilla.

"Are you excited?" nakangiting tanong sa akin ng boyfriend ko.

"Siyempre," sagot ko naman sa kanya. "I can see how much you guys are anticipating this. Nahawa na rin tuloy ako."

We made our way out of Medialink's parking lot. Sinundan namin ang huling bus na, kung hindi ako nagkakamali, ay sakay ang mga taga-Marketing Department. I bet Hannah was there, hissing at her subordinates to keep quiet dahil balak niyang matulog sa buong biyahe.

"Hey, did you prepare something for the kids?" Vren asked with an expectant smile. "You know, for the short program? It's tradition."

"Yup. Merong magda-dance number na mga taga-AD. Meron ding kakanta. Pero siyempre, hindi ako kasama sa kanila."

Vren let out a theatrical groan. "Damn it. I was really looking forward to seeing you dance."

"Asa ka. Alam mo namang hindi ako pang-performing arts. Bakit, kayo bang executives, may part sa program?"

Vren chuckled. "You bet. I'll sing while Leimar does a matching interpretative dance. The rest can either be backup singers or dancers."

I laughed, trying to picture Medialink's top management in that situation. "Now that's a performance worth watching."

****

"Kuya Vren!" Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa gate ng Angels' Cradle ay dali-daling nagsitakbuhan ang ilang mga bata upang salubungin kami. The way they ran straight toward my boyfriend, akala mo ay si Santa Claus ang dumating.

Vren got down on one knee and patted each child on the head. "Hey, kids. It's been a while. You all grew taller." Halata mong aliw na aliw siya habang pinagkukumpulan ng mga bata.

Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. First time kong makita si Vren na pinaliligiran ng mga bata! The look of delight on his face as the children hugged and kissed him was priceless. The image was so sweet that I felt the sudden urge to hug my boyfriend.

After the kids calmed down, one of them noticed me. "Kuya, sino po siya?" tanong ng isang batang lalaki na sa tingin ko ay lima o anim na taong gulang na.

"Oh." Vren rose from his half-kneel and took my hand. "This is Ate Mira," he explained to them. "Girlfriend ko siya."

Nanlaki ang mga mata nila sa salitang girlfriend. They exchanged looks, curious and excited and accompanied with giggles. Nagkatinginan naman kami ni Vren at sabay na tumawa.

"Mira, I want you to meet Luella, Myka, Jerome, Celine..." Isa-isang ipinakilala sa akin ni Vren ang mga bata. "And, last but not the least, meet my mini-me, Vren Andrei." Inakbayan niya ang batang lalaki na nagtanong kanina kung sino ako.

"Vren Andrei rin ang pangalan niya?" gulat na tanong ko.

"Opo!" sagot naman ng bata bago pa makapagsalita si Vren. "Si Kuya Vren po ang nagpangalan sa akin noong baby pa ako. Sabi ni Sister Amy, nandito si Kuya Vren noong dalhin ako rito, at siya ang nagsabi na isunod sa kanya ang pangalan ko."

My Boyfriend is a Freak (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon