33: Mira

117K 1.3K 98
                                    

"Sinabi ko naman kasi sa'yo, Ate, dapat ay si Jin Kazama ang ginamit mong character! Natalo ka tuloy!" iiling-iling na sabi ng ugok kong kapatid bago niya kunin sa akin ang kanyang PSP. Pinilit lang naman ako ni Myron na maglaro ng Tekken.

"Aba, malay ko ba? Babae ako, Myron. What do you expect? Siyempre, babae rin ang pipiliin kong character!" Tumawa ako. "Isa pa, saan ka nakakita ng girl robot na ipinapanglaban ang nakalas niyang ulo? Alisa Bosconovitch for the win!"

"For the win, e natalo ka nga?" He snickered. "Makinig ka kasi sa expert gamer."

"Mukha mo, expert!" pang-asar ko namang sagot sa kanya.

Nandito kaming dalawa ni Myron sa aming bahay – as in, the Custodio residence. We're both free today from school and work, kaya sinamantala namin ito para madalaw sina Mama at Papa. The two of us easily get homesick, lalo na si Myron na kinailangan nang mag-dorm simula nang maging student intern siya.

Anyway, I left my brother who's back to being busy with his game and headed to the kitchen. Balak kong tulungan si Mama na maghanda ng aming pananghalian.

"Ma, ano po ang pwede kong gawin?" tanong ko sa aking mudrabels na noon ay abala na sa paghihiwa ng mga rekados.

"Hmm... ano kamo ang pwede mong gawin, 'nak? Tawagin mo si Vren. Kailangan kong makakita ng gwapo para mas lalong sumarap ang luto ko," my mother answered with a sly smile.

"Ano po?" Nagulantang ako sa sagot ni Mama. "Ikaw ba talaga 'yan, Ma? 'Yong kalandian po natin, abot hanggang second floor ng bahay!"

Natawa naman ang aking nanay dahil sa sinabi ko. "Nagbibiro lang ako, ito naman. Pero hindi ba, bilin kong isama mo ulit ang boyfriend mo sa sunod mong pagdalaw rito? Nakaka-good vibes ang kagwapuhan no'n, e."

"Isusumbong kita kay Papa, Ma!" I jokingly threatened. "Akala ko ba, para sa'yo, siya ang pinakagwapong lalaki sa balat ng lupa?"

"Dati 'yon, noong hindi ko pa nakikita si Vren." Mama giggled.

"Ma, baka nakakalimutan niyo pong malapit na kayong makapag-avail ng senior citizen discount sa mga bus? Hindi na tamang kiligin pa kayo kay Vren," I said, shaking my head while suppressing a giggle of my own.

"Grabe ka naman sa akin, 'nak! Matagal-tagal pa naman bago ako magsisenta!" defensive na sagot ni Mama. "At saka siyempre, biro lang ang kilig ko sa boyfriend mo. Gusto ko lang talaga si Vren para sa'yo."

"Talaga po?" I smiled.

"Oo naman." Ibinalik ni Mama ang ngiti ko. "Imagine, unang beses mong magka-boyfriend at katulad agad ni Vren ang natapat sa'yo? Iba na talaga kapag matino ang babae. Matinong lalaki rin ang nahahanap."

"At ang pagiging matino ko ay utang ko po sa inyo." Niyakap ko siya mula sa kanyang likuran. "Sa dami ba naman ng mga pangaral niyo sa akin?"

"Totoo 'yan." Bahagyang tumawa si Mama. "Kung hindi dahil sa mga pangaral namin ng Papa mo sa'yo, malamang ay wala ka sa kinalalagyan mo ngayon, Mirathea."

"Kaya nga po mahal na mahal ko kayo, e. Love you, Ma!" I kissed her on the cheek. "Basta po, ibalato niyo na sa akin si Vren, ha? Utang na loob lang, Ma. Ang dami na ngang mga babae at binabae na gustong agawin 'yon sa akin, tapos ay dadagdag pa kayo?"

"Siya, sige... pagtitiyagaan ko na lang si Theodore Custodio," Mama replied with yet another giggle.

"Ehem!" Parehas kaming napalingon ni Mama nang biglang may tumikhim mula sa aming likuran. The newcomer turned out to be Papa, who looked amused. "Tama ba ang narinig ko, Monica? Pinagtitiyagaan mo lang ako? Kung merong nagtitiyaga sa ating dalawa, ako 'yon."

My Boyfriend is a Freak (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon