29: Mira

133K 1.6K 169
                                    

Diyos ko, bigyan Niyo pa po ako ng marami-raming amount ng self-control nang malagpasan ko ang pagsubok na ito.

Ewan ko ba kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang tanggalin ni Vren ang basang-basa niyang suit at naturalmente ay na-reveal ang kanyang puting t-shirt na dahil basa rin ay naging see-through na. And in that instant, I was blessed with the mouthwatering sight of my boyfriend's abs.

Mabuti na lang at naka-pajama ako dahil kung hindi ay baka nalaglag na ang pink kong panty.

Para makaiwas sa temptasyon ay kaagad akong pumasok sa aking kwarto para hanapin ang sa pagkakatanda ko ay naiwan na t-shirt at jersey shorts ng kapatid ko, from that time na nakitulog siya rito sa aking apartment. May katangkaran din naman si Myron Theo at sa tingin ko, isang size lang naman ang agwat ni Vren sa kanya, kaya paniguradong mapagtitiyagaan na ng jowa ko ang mga damit na ipahihiram ko sa kanya.

"Vren!" pagkuha ko sa atensyon ni Freak.

"Yeah?" tugon niya naman mula sa sala.

"May nahanap na akong maisusuot mo! Lalabas na ako riyan, ha? Siguraduhin mo lang na may saplot ka pa dahil kung hindi..." Natigilan ako at napakagat-labi.

Narinig ko naman ang pagtawa ni Vren. "Don't worry, I'm decent."

Dahil siguradong safe nang lumabas mula sa aking kwarto ay bumalik na ako sa sala. Agad kong inihagis kay Vren ang mga damit ni Myron at itinuro ang direksyon ng CR. "Magpalit ka na ro'n. Baka magkapulmonya ka na, e."

Vren grinned at me. "Thanks. I owe you, big time."

****

"O, Mr. Montevilla... Heto ang unan at kumot mo. 'Wag mong sabihing mag-e-electric fan ka pa ha? Napakalamig na kaya!"

Inilapag ko sa sofa ang mga dala kong bedtime paraphernalia para kay Vren. I had to curb a smile as I watched him dry his hair with a towel. First time kong makita ang boyfriend ko na pangmaralita ang suot — Myron's statement shirt had considerably faded, and I thought it was weird to see it on Vren, who's always impeccably dressed.

"Can I turn the TV on for a while? I'll just watch for a bit before dozing off," tanong sa akin ng mokong.

Tumango naman ako. "Ayos ka na ba? Pwede na ba akong bumalik sa tulog?"

"Of course. Sorry for disturbing your sleep." He kissed me on the cheek. "Good night, Ms. Custodio."

"Good night," sagot ko naman sa kanya. Mabuti na lang at hindi ko ito nadugtungan ng salitang abs. That would've been really embarrasing.

Still, as I backed away into my room, I couldn't help but stifle a giggle.

Good night, abs! Charot!

****

Sa hindi malamang kadahilanan ay naalimpungatan ako mula sa aking napakahimbing na tulog. With my eyes still blurry from sleep, nilingon ko ang digital clock na nasa ibabaw ng aking bedside table. It read 2:05 AM.

Sunod kong pinakiramdaman ang paligid. Sa kasamaang palad ay hindi pa rin tumitigil ang ulan. At this rate, it would be a pain in the neck to go to work later — paniguradong baha na sa ibang parte ng daan patungong Medialink.

As I was contemplating this, naging malinaw naman ang sanhi ng biglaan kong paggising. Apparently, I needed to pee, kaya naman dali-dali akong bumangon para pumunta sa CR na nasa labas ng aking kwarto. Mukhang nahawa na rin yata ang pantog ko sa kalangitan, ergo, the need to release H2O.

Nang buksan ko ang pinto ng aking kwarto ay tumambad sa akin ang noon ay nakahiga na sa sofa at tulog na tulog nang si Vren Andrei. Weirdly enough, mukhang hindi nakakaramdam ng ginaw ang boyfriend ko dahil hindi man lang siya nag-abalang magkumot bago matulog. Samantalang ako, kapag ganitong umuulan nang malakas ay hindi ko kakayaning hindi magtalukbong ng aking pink blanket.

Yet as much as I wanted to protect Vren from the cold, my persistent urge to urinate had to come first.

I'll get back to you later, Mr. Montevilla.

****

Having finally satisfied my need to pee, muli kong binalikan si Vren at kinuha ang kumot na nasa paanan niya. While covering him with the blanket, my hand grazed his upper arm, at doon ko napansin na literal na smoking hot ang aking jowa.

Smoking hot... as in, nilalagnat.

Biglang nawala ang lahat ng antok mula sa aking sistema. After carefully tucking Vren in, I returned to my bedroom, this time to retrieve a clean face towel and some fever medicine. Dahil isa akong proud Girl Scout, hindi ako nawawalan ng first-aid kit — something that served me well during situations like this one.

Next, I went to the kitchen and moistened the face towel. Then I filled a glass with water and proceeded to wake Vren up.

"Vren, gising ka muna." Marahan kong tinapik ang braso niya. "Nilalagnat ka pala. Kailangan mong uminom ng gamot."

Kung ako, deep sleeper, kabaliktaran naman ang jowa ko. He woke up right away, sat up, and ran his fingers through his hair as if shooting a shampoo advertisement.

"What? What is it?" tanong niya bago humikab.

"What is it ba kamo? You have fever, that's what it is," sagot ko sa kanya. "Pasalamat ka sa pantog kong ginising ako para umihi. Kung hindi ako bumangon ay hindi ko mapapansing inaapoy ka na pala ng lagnat."

"Hey, I'm fine." Vren managed a small smile. "You can go back to sleep now."

I rolled my eyes in exasperation. "Sa tingin mo ba, makakabalik pa ako sa tulog na ganito ang sitwasyon mo? Inumin mo na itong gamot," iniabot ko sa kanya ang tableta at ang baso, "tapos ay lumipat ka na sa kwarto. Babantayan kita."

"I appreciate the offer, but really, there's no need to do that. I'm sure this stupid fever will go away soon." He popped the medicine into his mouth and drank the glass of water in one gulp. "Go back to your room, please."

"Not without you," nakapamewang kong sabi. "I'm not leaving you here alone. Kaya para matapos na ang usapang ito ay tumayo ka na riyan at pumunta sa kwarto. Alam mo namang hindi ka mananalo sa akin, 'di ba?"

Bumuntonghininga si Vren. "Stubborn woman," he muttered. "Fine. Lead the way to your room, Ms. Custodio."

****

May nalalaman pang I'm fine itong si Vren... halata namang masama talaga ang pakiramdam niya dahil pagkahiga na pagkahiga niya pa lang sa kama ko ay kaagad siyang nawalan ng ulirat. In just the blink of an eye, goodbye real world and hello dreamland na ang drama niya.

Ako naman, bilang isang dakilang girlfriend, ay nagsimula nang alagaan ang maysakit kong jowa. After placing the damp towel on his forehead, I stroked his hair and waited for a couple of minutes to pass. Saka ko binaliktad ang tuwalya na kaagad uminit matapos mailapat sa noo ni Vren — ganoon kataas ang lagnat niya.

Mukhang palilipasin ko ang magdamag habang nakatitig sa gwapong mukha ni Vren, ah.

****

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa pagbabantay sa kanya, not until I heard Vren say, "Hey, wake up. It's five in the morning." Sinundan pa niya ito ng marahang pagtapik sa aking braso.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" nagpipigil ng hikab na tanong ko sa kanya. Pinakiramdaman ko ang temperatura niya, and to my huge relief, kumpara kaninang madaling-araw ay malaki na ang ibinaba ng lagnat niya.

"I'm feeling a lot better." Vren gave me a smile. "Thanks for taking care of me."

"Sus. Alangan namang pabayaan kita?" Ibinalik ko ang ngiti niya. "Ayoko ngang mamatay ka."

"That's nice of you, not wanting me to die." He chuckled. "If you ask me, I think you'd make a good nurse."

"Alam ko." My tight-lipped smile gave way to a wider one. "Kaya nga kapag nasisante ako sa Medialink, sa AMMC ako didiretso."

A confused frown appeared on Vren's face. "Huh. And why would you be fired from Medialink?"

"Ewan ko rin." Nagkibit-balikat ako habang tatawa-tawa. "I'm just citing a possibility."

"Well, it's time to rule that possibility out." My boyfriend grinned, sat up, and leaned closer to give my forehead a morning kiss. "In case I haven't told you yet, I'm never letting you get away from me, Mira. And that's a certainty."

My Boyfriend is a Freak (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon