"Myron Theo!" tawag ko sa kapatid ko na agad namang pumasok sa aking opisina. "Paki-photocopy nga ng mga 'to, tapos idaan mo sa HR."
"Ang dami mo namang iniuutos sa akin, Ate," he grumbled, taking the thin stack of papers from me. "Akala ko pa naman, magiging madali lang ang buhay ko rito bilang student intern dahil ikaw ang boss ko."
I sighed. "Mamili ka – susundin mo ang mga utos ko sa'yo, o kay Alexia kita papatulungin?"
Nanlaki naman ang mga mata ni Myron nang marinig ang pangalan ni Baklita. "Sabi ko nga, gagawin ko na ang lahat ng ipag-uutos mo sa akin. Wait lang 'te, ha? Idadaan ko lang 'to sa HR. Bye, love you!"
I watched, chuckling, as my brother exited my office. Sabi na nga ba at magiging effective na panakot sa mokong si Alexia.
Not a minute after Myron had left, siya namang pasok ng dalawang bata sa loob ng opisina ko. One was a pretty young girl of about six or seven, and the other was a chubby little boy of about four or five.
"¡Hola!" nakangising bati sa akin ng batang lalaki. "¿Eres la novia de nuestro tío?"
"Excuse me?" Napasapo naman ako sa dibdib. Bukod sa nagtataka ako kung paano nakapasok ang dalawang batang ito sa company premises — children are strictly not allowed here, except when we hold events such as Family Day — hindi naman ako informed na kailangan ko palang kumontrata ng interpreter ngayong araw.
Kinalabit naman ng batang babae ang kasama niya. "¡El Tío Vren tiene razón! ¡Es hermosa!" she exclaimed, clapping her hands. Then she turned to me again and said, "Hi, Aunt Mira! I'm Juli, and this is my brother, Miggie."
Bago pa man ako makapagsalita ay bumukas muli ang pinto ng opisina ko, and this time, it was Vren who came in. "There you are," he said, his eyes on the kids. "Didn't I tell you to wait for me?"
"Sorry, Uncle," replied the little girl – Juli. "Estábamos muy emocionados por ver a tu novia. Please don't be mad."
"Lo entiendo, angelita." My boyfriend, smiling, ruffled her hair. "I'm not mad."
Tumikhim naman ako. "Uhm, Vren... baka pwedeng sumama sa usapan niyo? Alam mo na, dahil nandito na rin lang naman kayo sa opisina ko."
"Sorry." Vren turned to me with a chuckle. "Ms. Custodio, meet Juli and Miggie. They're Vira's kids."
"Oh. Kaya pala parang nakikipag-usap ako kina Dora at Boots kanina." Tumawa rin ako bago muling bumaling sa mga bata. "Hello there, Juli and Miggie! It's nice to meet you."
Patakbong lumapit sa akin ang mga pamangkin ni Vren, and soon, I was engulfed in their hugs. Strangely, I felt giddy with relief as I hugged them back. Mabuti na lang at kahit maldita ang nanay nila, mukhang hindi ito namana nina Juli at Miggie.
When his niece and nephew finally let go of me, nalingunan ko si Vren na nakangiting pinapanood kami.
"Grabe, kamukhang-kamukha ng ate mo si Juli noong bata siya," I remarked, remembering the photo of a young Vira that I saw at my boyfriend's place. "Teka, mabuti at pumayag siyang dalhin mo rito ang mga anak niya?"
Vren flashed a devilish grin at my words. "Actually, Vira had no idea I took her kids. As far as she knows, they're just out in the garden, playing hide-and-seek."
"Ano? Siraulo ka talaga, Vren Andrei!" gulat kong sambit. "Siguradong mabaliw-baliw na ang ate mo kakahanap sa mga anak niya."
"Don't worry about her," he replied in an unconcerned tone. "She's already crazy since God knows when."
"Ssh! Naririnig ka ng mga bata!" saway ko sa kanya. Nang nagpatuloy lang sa pagngisi ang mokong ay napailing na lang ako dahil sa lakas ng trip niya.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Freak (Published under Pop Fiction)
RomanceKung sa "My Boss is a Freak" ay napatunayan niyong posibleng magkaroon ng isang unbelievably handsome, smart, and mega-rich na freak, dito naman sa pagpapatuloy ng ating storya ay malalaman niyong posible rin palang ang freak na 'yon ay ang mismong...