"Mira, anak... may bisita ka," sabi ni Papa na noon ay nakadungaw sa bahagyang bukas na pinto ng aking kwarto.
"Pa, kung si Vren po 'yan, alam niyo na po ang sasabihin," walang gana kong sagot. Halos isang linggo na kaming hindi nagkikita ni Vren, pero hindi pa rin ako handang humarap sa kanya. "Pakisabi po, tulog ako, o kaya ay lumipad papuntang Pluto. Kayo na po ang bahalang mag-alibi."
Marahang tumawa si Papa. "Mali pala 'nak... may mga bisita ka. 'Wag kang mag-alala, wala si Vren dito."
"Mga bisita? Sinu-sino po, Pa?"
"Kami!" Sa gulat ko ay tuluyan nang bumukas ang pinto ng aking kwarto, at tumambad sa akin ang pagmumukha ni Alexia. He went inside, closely followed by Mavi and Hannah.
"Anong ginagawa niyo rito? Paano niyo nalamang nandito ako?" nagtatakang tanong ko sa kanila. I didn't tell them I would be staying in my parents' house.
"Sinabi sa amin ng kapatid mo na nandito ka," pagpapaliwanag ni Mavi. "Nag-aalala nga kami sa'yo dahil ilang araw ka nang hindi pumapasok, at hindi ka rin sumasagot sa mga tawag at text namin."
"So girl, kumusta ka na? Ang chaka-chaka mo na!" Alexia's tone was teasing, but his face was sad and sympathetic. So were Mavi's and Hannah's.
"Alam niyo na yata ang nangyari..." I remarked with a humorless smile. "Si Myron din ba ang nagkwento sa inyo?"
Hannah shook her head. "Nope. Kay Alexia namin nalaman. Ang daming alam ng impaktang 'yan, e."
"Maka-'impakta' ka naman, Hannah Marvilla!" Pinandilatan siya ni Baklita bago ako binalingan. "Nagkita kami ng jowa mo sa isang abandonadong building, sis. Nabanggit niya sa akin na may anak pala sila ng ex niya na nagkataong half-sister mo."
Nagtataka man kung papaano nagkadaupang-palad sina Vren at Alexia sa isang abandonang building ay pinalagpas ko na lang ito. I just sighed and said, "Grabe, 'no? Ang gulo-gulo ng buhay ko ngayon."
"Wala ka pa rin bang balak na kausapin si Sir Vren, friend?" Mavi, who looked even sadder, asked.
Umiling ako. "Hindi ko pa kaya. Ang hirap ng sitwasyon, e. Mas madali para sa akin na iwasan na lang muna siya. Tutal, nandiyan naman ang anak niya. 'Yon na lang muna ang intindihin niya."
"Ay! Nangangamoy jealousy ang kwarto mo, Mirathea," nakaismid na linya ni Alexia. "Pati ba naman 'yong bata, pinagseselosan mo?"
"Hindi naman sa nagseselos ako sa bata..." I trailed off when I saw my friends' identically skeptic expressions. "Oo na, nagseselos na ako! Ang sakit-sakit kasing isipin na may anak si Vren sa ex niyang ate ko pala. Kahit anong pilit ko na intindihin ang lahat, hindi pa rin mawala ang disappointment ko, ang frustration ko... kasi, alam kong never nang mabubura sa buhay ni Vren si Bella — si Ate Bella. Kahit wala na siya, nandiyan pa rin ang anak nila... Wala akong laban."
Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. I could feel the tears threatening to escape from my eyes. Akala ko pa naman ay naiiyak ko na ang lahat ng lungkot at sakit na nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw. But it turned out na may natitira pa pala akong supply ng mga luha.
"Mira..." Mavi enveloped me in a hug. "Sige lang, iiyak mo lang 'yan."
"Wala na nga akong ginawa kundi umiyak, e. Nakakapagod na rin," I replied, my voice muffled by her blouse. A few tears did spill down my cheeks, but thankfully, that was it. Ayaw ko rin namang pumalahaw ng iyak sa harap ng mga kaibigan ko.
"Alam ko na kung ano ang isasagot sa pangungumusta ni Vince sa'yo," Hannah said, her tone lacking its usual bravado. "Sasabihin kong ginawa mo nang full-time job ang pag-iyak."
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Freak (Published under Pop Fiction)
RomanceKung sa "My Boss is a Freak" ay napatunayan niyong posibleng magkaroon ng isang unbelievably handsome, smart, and mega-rich na freak, dito naman sa pagpapatuloy ng ating storya ay malalaman niyong posible rin palang ang freak na 'yon ay ang mismong...