51: Mira

104K 1.6K 290
                                    

"Girls, wala ako bukas, ha? May conference akong a-attend-an," I told Mavi, Hannah, and Alexia, having paused from sipping my iced latte. As with most of our breaks, the four of us were at Serendipity. The coffee shop across Medialink had quickly become our group's favorite hangout.

"Ay, gano'n? Saan naman gaganapin 'yang conference mo, sis?" pag-uusisa ni Alexia.

I told him the name of the five-star hotel that would serve as the event's venue.

"Wow. Sosyal naman pala ang destination mo tomorrow, Mirathea!" irit ng bruha. "Pwede ba akong sumama?"

"Hindi ka authorized na um-absent sa trabaho bukas, kaya manahimik ka riyan," nakaismid na sagot ko sa kanya. "Saka paniguradong hindi ka naman makikinig sa mga presentation bukas. Maghahanap ka lang ng gwapo ro'n."

Tumawa sina Hannah at Mavi.

"Hindi ka ba sasamahan ni Sir Vren sa conference?" Hannah asked when the laughter died down.

Umiling ako. "Busy 'yon. If I'm not mistaken, may meeting silang mga executive bukas ng umaga."

"Oh, an executive team meeting..." Mavi looked intrigued. "Tungkol kaya saan?"

Sasagot pa sana ako nang biglang may nagsalita mula sa aking likuran. "Hi, Ate Mira and Friends!"

Lumingon ako at tumambad sa akin si Myron na noon ay may ngiting nakakaloko sa mukha.

"Hi, baby bro!" Hannah greeted him back.

"Uy, Myron. Tara, kain," linya naman ni Mavi sabay turo sa kanyang half-eaten red velvet cake slice.

"'Wag ka riyan kay Mavi maki-share, Bebe Myron," pakli ni Alexia. "Dito ka tumabi sa akin. Hati tayo sa cheesecake ko." He ended this with a not-so-covert wink.

Myron grimaced. "Hindi na po, Ate Alexia. Busog pa po ako."

I giggled at his discomfort. My brother, predictably, hated being called 'bebe' by our flirtatious gay friend.

"Bakit ka nandito, Myron Theo?" I asked him eventually. "Tapos mo na ba ang mga ipinapagawa ko sa'yo?"

"Yes, madam. Naka-arrange na po ang lahat ng files mo according to date and subject matter."

"Very good. At dahil diyan, sasabihan ko ang Kuya Vren mo na gandahan ang feedback na ilalagay sa internship evaluation mo."

Myron rolled his eyes, surely thinking that even without my intervention, Vren would be singing praises about him in said evaluation. Palibhasa ay sanggang-dikit na silang dalawa ng bayaw niyang hilaw.

"Magpapaalam sana ako sa'yo, Ate," pagpapatuloy ng kapatid ko. "Aalis kami ni Kuya Vren mamaya. Ipakikilala niya raw ako sa bandmates niya sa Grey Light." Halata ang excitement ng mokong habang sinasabi 'yan.

"Sus, akala ko naman ay kung ano na ang ipagpapaalam mo." I waved an unconcerned hand. "Lumayas kayong dalawa ni Vren Andrei hangga't gusto niyo."

"Talaga, Ate? Payag ka?"

"Siyempre. Hindi naman ako mag-aalala dahil ang Kuya Vren mo naman ang kasama mo."

"Yes!" Myron pumped his fist triumphantly. "Thanks, ate kong maganda! Kaya love na love kita, e."

"Nang-uto pa ang bunso," I mumbled, smiling nonetheless.

"Sama ako sa inyo, Bebe Myron!" pagsabat ni Alexia sa usapan. "Gusto ko ring makita ang bandmates ni Papa Vren!"

"All-boys gimmick lang ang pupuntahan namin ni Kuya Vren, Ate Alexia," kaagad na pagkontra ng kapatid ko. "Boy ka po ba?"

"Oo! Anong klaseng tanong naman 'yan, pare?" sabi ni Baklita in his natural deep voice.

My Boyfriend is a Freak (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon