"O, bakit ganyan ang itsura mo, Mirathea? May problema ba?" tanong sa akin ni Alexia habang sinusuklay ang kanyang buhok. The workday was over, and the two of us were in the ladies' room to freshen up before we leave the office.
"Wala," tipid kong sagot bago bumuntonghininga.
"Anong wala? Haggardo Versoza ka kaya!" He peered closer to my face. "Mukhang may mabigat na pasanin kang dinadala. Ilang kilo? Tutulungan kita kung keri ko."
"Kainis ka." I managed a fleeting laugh. "E ano kasi, friend... hindi kami okay ni Vren ngayon."
"Kaya ba hindi ka niya ihahatid pauwi ngayon?" Tumaas ang kilay ni Alexia. "Let me guess — pinag-awayan niyo na naman si Isabella, 'no? Akala ko ba, tapos na kayo sa issue na 'yon?"
"It's not about Isabella. Si Chase ang dahilan ng away namin," I confessed. "Kung bakit ba naman kasi tinanggap ko pa ang bouquet na 'yon..."
"Wait, back up." Alexia made a stop gesture with his hand. "Who's Chase? At bakit may napuntang bouquet sa usapang ito?"
"He's my friend. Magkaklase kami noong college," paliwanag ko. "He's actually... well, he's actually an ex-suitor of mine. Bigla na lang siyang nagparamdam kanina sa akin by sending me a bouquet of pink roses. E nakita ni Vren... ayon, ayaw na akong kausapin ngayon ng boyfriend ko."
"Gaga ka naman pala kasi!" Hinampas ni Alexia ang braso ko. "Why did you accept those flowers in the first place? Kung ako rin naman sa lugar ni Papa Vren, magagalit ako sa'yo. Siyempre, nakakainsulto 'yon sa kanya."
"Alam ko namang kasalanan ko," I said in a dejected tone. "Tulungan mo naman akong mag-isip kung paano ko susuyuin ang topakin kong jowa."
"Hay naku, friend. I hate to tell you this, but when it comes to dealing with Papa Vren's mood swings, wala akong maitutulong sa'yo," Alexia told me with a smirk as we exited the ladies' room. "Ikaw ang nakakakilala nang lubos diyan sa jowa mo, kaya ikaw rin ang nakakaalam ng best way para mawala ang galit niya. And to be honest? If I were you, hindi ko na lang masyadong poproblemahin ang pag-e-emote ng boyfriend ko. Lilipas din ang tampo niyan, trust me."
"Hindi katiwa-tiwala ang pagmumukha mo, Alessandro Pinpin." Sinubukan kong alaskahin si Alexia, at hindi naman ako nabigo dahil matapos kong magsalita ay pinandilatan niya ako nang bongga. Sa kabila ng lungkot ko dala ng hindi namin pagkakaunawaan ni Vren ay nagawa ko na ring tumawa dahil sa pang-Halloween na itsura ni Baklita kapag nandidilat ito.
"E kung saktan kaya kita riyan, tutal ay wala ka naman palang tiwala sa pagmumukha ko?" mataray niyang tanong sa akin.
"Joke lang, ito naman. Hindi ka na mabiro," I replied in a mollifying tone.
"Kung hindi lang talaga kita best friend..." Inirapan ako ng bruha. "'Nga pala, tutal ay hindi ka ihahatid ng jowa mo pauwi, gusto mo bang sumama sa amin nina Hannah at Mavi? Magmo-mall kami."
"Sure," I agreed. "Pero bakit hindi niyo ako inaya kaagad?"
"'Wag ka nang magdrama riyan. Hindi ka na namin sinabihan dahil alam naman naming jowa time niyo ni Papa Vren ang after office hours," Alexia explained matter-of-factly.
"Gano'n?" Ako naman ngayon ang nagtaas ng kilay.
"Uh-huh. Alam ko na kung bakit kayo pinag-away ni Bathala, Mirathea," muling linya ng kaibigan ko. "Para raw magka-time ka naman para sa aming mga kaibigan mo. Puro na lang daw kasi ang jowa mo ang sinasamahan mo. Magkakapalit na nga kayo ng mukha, e."
"Hala siya. 'Wag daw akong magdrama, e ikaw nga itong nag-iinarte riyan?" I chuckled. "Pero salamat sa advice, friend. Tama ka, palilipasin ko na lang muna ang init ng ulo ni Vren. Bakit kaya ganoon ang mga lalaki, 'no? Sinasabi nilang maaarte ang mga babae when in fact, sila itong mga masyadong sensitive. Ang sarap lang bigwasan."
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Freak (Published under Pop Fiction)
RomanceKung sa "My Boss is a Freak" ay napatunayan niyong posibleng magkaroon ng isang unbelievably handsome, smart, and mega-rich na freak, dito naman sa pagpapatuloy ng ating storya ay malalaman niyong posible rin palang ang freak na 'yon ay ang mismong...