57: Mira

102K 1.7K 213
                                    

Ngayong araw nakatakda ang cremation ni Bella. And I didn't know if I was just misreading the situation, pero hindi ko naiwasang mapansin ang mala-robot na pagkilos ni Vren. It was as if he was on autopilot, only doing the bare minimum to function today. To me, it doesn't take a genius to figure out why. Pakiwari ko ay dinaramdam pa rin niya ang tuluyang pagkawala ng ex-girlfriend niya.

Kung hindi lang isang deceased person ang karibal ko ngayon sa atensyon ng aking jowa, malamang ay ikinamatay ko na rin ang matinding pagseselos.

"Psst, Vren. Okay ka lang ba?" tanong ko nang hindi ko na matiis na panoorin ang mala-WALL-E kong boyfriend.

My question seemed to have jarred him. "Y-yeah, of course I'm okay. Why'd you ask?"

Umarko ang kilay ko. "Parang hindi naman ako naniniwala sa'yo. You and I both know what day it is. Baka bigla ka na lang pumalahaw ng iyak dito, ha?"

Bahagya namang napangiti si Vren dahil sa sinabi ko. "Seriously, I'm fine. I'm not going to have a meltdown."

I sighed. Wala rin namang magagawa kung i-push ko pa ang issue. "Bakit kaya ginusto ni Bella na magpa-cremate, 'no?"

Nagkibit-balikat ang boyfriend ko. "I have no idea. Bella had this weird streak... You're a lot like her, actually."

I was taken aback by his statement. "Kaya ba nagustuhan mo ako? Dahil naaalala mo si Bella sa akin?"

"Of course not," kaagad niya namang sagot. "You know what? Just forget I said that. It was a ridiculous remark, anyway."

Umiwas ako ng tingin para hindi niya makita ang paglamlam ng aking mga mata.

Never doubt Andrei's love for you, naalala kong sabi ni Bella sa sulat niya para sa akin. Pero paano ko iyon magagawa kung halata namang hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin si Vren para sa kanya?

I never felt more distant from Vren than I did at this moment — and we had literally been thousands of miles away from each other when he spent more than a year in Canada. At least, during that time, buo ang conviction ko na babalikan niya ako.

Vren had never really been away from me before... until now.

****

"Hoy, babae. Bakit ganyan na naman ang mukha mo? Para kang tinakbuhan ng umutang sa'yo ng fifty million!"

Wala sa loob na tiningnan ko si Alexia, na noon ay halatang bothered sa biglaang pag-askad ng aking timpla. Kaming dalawa lang ngayon ang nakatambay sa Serendipity. Both Hannah and Mavi had to pass because they needed to catch up with work.

"May naalala lang ako. Saka anong fifty million ang sinasabi mo riyan? Wala nga akong one million, fifty million pa kaya?"

"'Wag mong ibahin ang usapan. Tungkol na naman ba sa jowa mo at sa ex niya ang iniisip mo?"

I nodded. My friend knew me too well, at wala rin namang maa-achieve kapag nag-deny pa ako.

"Tegi na 'yong tao, sis. She's nothing but ashes. Ano pa ba ang ini-emote mo riyan?" Umismid si Alexia. "Unless, nasiraan na ng bait si Papa Vren at nag-decide siyang ma-in love sa abo?"

"Gaga ka talaga." I had to laugh despite my sour mood. Kaya mahal ko si Alessandro Pinpin, e. Alam ng bruha kung paano ako patatawanin kapag miserable ako.

"Na-gaga pa nga ako." Tumawa rin si Baklita. "Pero may point naman ako, 'di ba?"

"Hindi mo kasi ako naiintindihan, friend." Muling sumeryoso ang aking ekspresyon. "Hindi kasi mawala ang hinala ko na hanggang ngayon ay mahal pa rin ni Vren si Bella. Alam mo bang kahapon, sinabi ng jowa ko na marami raw kaming pagkakapareho ng ex niya? Ibig sabihin ba no'n ay nagustuhan niya lang ako dahil nakikita niya si Bella sa akin?"

My Boyfriend is a Freak (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon