37: Mira

134K 1.6K 274
                                    

Agad na tumugon sa aking distress call ang co-members ko sa PPGNG, kaya narito kami ngayong apat sa loob ng aking opisina. We were discussing the latest complication in my relationship, a.k.a. ang terminally-ill na ex-girlfriend ni Vren.

"Okay, let's get this straight. 'Yang jowa mo, may ex-jowa na nagbabalik sa eksena, at ang alas nito ay ang kanyang leukemia?" nakakunot ang noo na tanong ni Alexia.

Tumango ako bilang sagot.

"At ang ex-girlfriend na 'yon ay walang iba kundi ang may-ari ng Café Isabella na nasa tapat ng AMMC?" pagkumpirma naman ni Mavi.

Muli akong tumango.

"And what's worse, game na game naman si Sir Vren sa pagpapaka-caretaker sa malanding babaeng 'yon?" pagsingit naman ni Hannah.

For the third time, I nodded.

"Saan kamo naka-admit ang Isabella dela Merced na 'yan, ha?" gigil na tanong muli ni Alexia. "Sa AMMC ba kamo? Tara, paikliin pa natin ang tatlong buwan na taning niya!"

"Kumalma ka nga, Baklita. Makaasta ka riyan, parang ikaw ang girlfriend, ah. Daig mo pa ang reaksyon ni Mira." Inirapan siya ni Hannah. "But I can't believe na pati si Vince, hindi agad sinabi sa'yo ang tungkol sa ex ni Sir Vren. He should have known better! Lagot sa akin 'yon."

"Aba, what did you expect? Naturalmente, pagtatakpan ng kalandian mong doktor ang kapatid niya. Dapat lang na sermunan mo 'yon, Chinita!"

Sa gigil ni Alexia ay kinurot niya sa Hannah, na gumanti naman ng isang pagkalakas-lakas ng hampas.

"Girls, hindi ko alam ang gagawin," I morosely confessed to my three best friends.

"Anong hindi mo alam ang gagawin?" Pinandilatan ako ni Alexia, which looked even more freakish dahil sa neon-green-colored false eyelashes niya. "Wala kang ibang dapat gawin kundi ipaglaban ang karapatan mo bilang girlfriend ni Sir Vren! Sabihin mo sa malantod na Isabella na 'yan, back off!"

"May sakit 'yong tao, friend. Nakokonsensya nga ako dahil sa mga sinabi ko kay Vren kanina. Hindi dapat ako nagsasalita ng ganoon tungkol sa isang tao na malapit nang bawian ng buhay," sagot ko naman.

"Mira, you don't have to feel guilty." Mavi held my hand and squeezed it consolingly. "Normal lang ang naging reaksyon mo. Hello, we're talking about Sir Vren's first love here."

"'Yon na nga ang masakit, e," mangiyak-ngiyak kong sabi. "First love siya, friend. First love. Siya ang unang babae na sineryoso ni Vren. Kahit anong gawin ko, may parte sa puso ng boyfriend ko na para lang sa kanya. Tingnan niyo, kahit niloko niya noon si Vren... hindi pa rin siya nito magawang tiisin. She'll always have a hold on him, no matter what."

At tuluyan na akong napaluha habang iniisip ko kung gaano kaespesyal si Isabella kay Vren.

"Friend naman... Nasaan na ang palaban na Mira na kilala namin? E ano naman kung first love siya ni Sir Vren? Nandiyan pa ang tinatawag na greatest love. Kaya nga dapat, ipaglaban mo ang boyfriend mo, para ikaw ang makakuha ng title na 'yan," pang-aalo sa akin ni Hannah. "It's okay to help, but you need to remind Sir Vren na dapat, may boundaries din."

"Korek! Sabi nga ng paborito kong DJ sa radyo, walang matatag na relasyon sa malanding may determinasyon. Pak!" linya naman ni Alexia.

An idea struck me, one that might ease the pain a little. Or make it worse, depending on how I look at it. "What if hayaan ko na lang muna si Vren kay Isabella? Tatlong buwan lang naman, e. Sabi ng boyfriend ko, magiging kaibigan lang naman siya sa mga natitirang araw ng ex niya. Kesa naman ma-witness ko pa ang laging pagdikit ni Vren kay Ms. I Have Cancer. Nalulunod ako sa selos."

My Boyfriend is a Freak (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon