Prologue

19.2K 440 15
                                    

INIP NA INIP NA ako sa trabaho ko sa totoo lang. Panay naman kasi dito lang ang assignment na nakukuha ko. Buti pa si bunso napadpad ng Maynila kahit na ayaw niya.

Ako dito lang, palaging dito lang. Nakakainip, wala man lang thrill.

Palagi nalang akong nag-aayos ng gusot ng may gusot.

Away trapiko na simple lang pero kailangan pa ng pulis. O kaya naman may nambato lang ng bubong tatawag na ng pulis pwede namang tanod nalang muna.

"Hoy! Demaguiba, may kausap pa ba ako?"pagtataray ng katabi ko.

Naiinip na binalingan ko naman siya.

Si Karen, kapatid ng kaibigan ni Kuya Andres. Bakit ba kasama ko ang napakadaldal na babaeng ito.

Nagsimula lang ito ng mamoblema si Lance sa dream wedding proposal para kay Diwata.

At ang maliit na ito, ang naging daan para masolusyunan ang problema ni Lance.

Kaya heta kasama ko siya kasi ikukuha ko siya ng sasakyan ng dahil na din aa utos ni Lance.

"Mamili ka nalang dyan bubwit. Dami pang satsat"reklamo ko.

Inirapan niya ako kaya ako naman natawa.

Ang ganda talaga niyang umirap.

Sa totoo lang noong high school crush ko itong bubwit na ito. Kaso maliit talaga siya natutukso pa nga siya na dwende noon. Kasi 4 something lang height niya.

Hanggang bewang ko lang yata siya noon. Tapos tumangkad naman siya ng kaunti.

Tingin ko 5 flat na siya ngayon.

Pero kahit ganito ito, maliit di naman papatalo ang mukha at katawan nito. Kung di nga lang maliiy papasang Miss Universe ito.

Maliit ang mukha niya, maliit din at bumagay sa kanya ang labi niya. Ing kilay, sa ngayon kasi Kilay is life na siya maayos na. Pero noon maganda nan ang natural na tubo ng kilay niya di makapal di manipis.
Ang mata naman niya medyo singkiy na kulay almond brown. Ang ilong maliit pero matangos. In short lahit short siya maganda siya. Nerd lang noong nag-aaral pa kami ng high school kaya walang nakakapansin sa kanya. Ako lang yata.

Betty La Fea'ng pandak ang tawag sa kanya noon.

"Ito nalang"turo niya sa isang van.

Napataas naman ang kilay ko habang tinititigan ang pinili niya.

"Alam mo, patawa ka bubwit. Kaya mo bang idrive iyan. Sa tingin ko di mo maabot silinyador niyan"kantiyaw ko naman.

Humarap siya sakin sabay pinameywangan ako. Nakataas ang isang kilay niya sakin.

"Bakit ba kasi ikaw ang kasama ko. Bakit di nalang ai Andres natuwa pa ako. Ikaw perwisyo ka sa araw ko"inis niyang sabi.

"Napakagwapo ko namang perwisyo"

Umiiling na tinalikuran niya ako. Nakipag-usap na siya sa agent na iyon talaga ang kukunin niyang sasakyan.

Nasakin ang Credit card ni Lance pinagkatiwala niya sakin dahil magiging bayaw na daw niya ako ng totoo. Dahil 'oo' ang sagot ni Diwata sa kanya noong isang linggo at ngayon nga ay inaayos na nila ang kasal nila.

"Ikaw nakabili ka na?"tanong naman sakin ni Karen.

Hindi ko siya pinansin basta hinintay ko nalang na matapos ang transaction para tapos na talaga.

"Kaya walang nagkakagusto sayo noon pa. Suplado ka di ka naman gwapo"bulong niya pero hindi naman talaga bulong kasi narinig ko.

"Anong sabi mo bubwit? Ako hindi gwapo?"baling ko agad sa kanya.

Eto ang pinakaayaw ko sa lahat. Iyong kinukwestiyon ang kagwapuhan ko.

"Oo, kaya nga si Andres ang crush ng bayan noon kasi puwet ka lang ng kuya mo"gatong pa niya.

Sarkastikong napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Hoy, ikaw na bubwit ka baka nakalimutan mo na. Noong high school tayo ako palagi ang suki ng wedding at kissing booth kapag valentines day. Ako din ang naging ginoong San Isidro 200* kaya wag na wag mong sasabihing pangit ako. Baka halikan kita dyan matunaw ka"gigil ko nang sagot sa kanya.

Tumaas naman ang sulok ng labi niya bago siya umirap ulit sakin.

Lalapitan ko na sana siya para halikan ng may biglang sumulpot na lalaki na mula sa kung saang planeta.

Niyakap niya si Karen sabay halik sa dalaga.

Napanganga naman ako habang nakatingin aa dalawa na walang pakialam sa mga nakakakita sa kanila.

"Tapos ka na love?"tanong ng lalaki after nilang maglaplapan.

"Wait lang love, malapit na"sagot ni Karen na kala mo naipitan dahil kinikilig.

Napailing nalang ako, lalo na ng lingunin ako ni Karen at nginisihan ako.

Bigla para akong nachallenge sa babaeng ito.

Lalo akong navhallenge ng makita ko kung ano ang suot na uniform ng lalaking kahalikan niya kanina.

NBI AGENT.

Tsk! Yabang.

.............

GENTLEMAN'S QUEEN #6 : KAREN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon