Six

8.9K 348 33
                                        

"PARA NAMAN tayong Teenage Mutan Ninja Turtle nito"reklamo ng kasama ni Kyle.

Nilingon ko siya, bakit ba naman kasi may kasama kaming abogado?

"Ismael, ang ingay mo"reklamo naman ni Aurelio.

Isa sa mga nakilala kong pulis, kasama ni Kyle sa presinto nila. Magaling sa technical ang isang ito, kung baga siya ang nerd ng mga kapulisan. Hindi siya pang bakbakan, na pisikalan. Siya iyong tipo na iwanan mo sa isang kwarto na puno ng computer at baback-up'an ka niya gamit iyong mga high tech niyang gamit na siya ang gumawa.

"Gago, mukha ba tayong mga pagong?"si Kyle naman ang nagsalita.

"Bakit ba kasi sinama niyo pa ako dito?"tanong ni Ismael.

Tanong ko din iyon kanina, bakit ba may kasama kaming abogado samantalang lahat kami mga pulis. Siya lang ang naligaw dito, ano bang malay nito dito.

"kailangan namin ng legal council kapag nahuli kami"paliwanag ni Kyle.

"Hindi ba kasama sa trabaho niyo ito?"nanlalaki pa ang mata ni Ismael habang nagsasalita.

"Papasok na ako"sabad ko sa pagku-kwentuhan nila.

Doon lang ako napansin nila Kyle.

"Oo dapat kanina pa nga"sabi naman ni Kyle sakin.

Inilingan ko lang siya, bago ako pasimpleng umakyat ng mataas ng bakod.

"Tandaan mo Dominador, iyong mga sinabi ko sayo kanina"bilin naman ni Aurelio.

Nilingon ko siya ng nasa pinakataas na ako ng bago.

"Paulit-ulit, Nerdy"nakangisi kong tugon bago ako tumalon.

Ilang segundo lang nakasunod na sakin si Kyle. Dalawa kaming papasok, maiiwan lang ang dalawa sa kabilang bakod.

Nasa Haunted house kami, este dito sa hide out ng sindikato kung saan ko kinuha si Karen kagabi.

Wala kaming gagawin ni Kyle sa loob kundi ang magkabi ng hidden camera at listening device para mag-spy sa loob. 

Si Kyle ang nilapitan ko, sinabi di kasi niya na kung kailangan ko ng tulong sa kanya ako lumapit. Kaya sa kanya ako humingi ng tulong, para pa nga kaming tandem ngayon.

Sabi niya it's like hitting two birds in one stone.

Ako ang hawak kong kaso ay ang hulihin ang mga tiwaling opisyal sa NBI siya naman ang hulihin ang cyber thief queen na kabilang sa sindikatong ito.

"Doon ka, dito ako"bulong ni Kyle ng instruction niya.

Tinanguan ko lang siya bago kami naghiwalay at nagkanya-kanya ng trabaho.

Tig sampo kaming camera at listening device na ikakabit sa buong paligid. Walang kahirap-hirap kong nagawa ang trabaho ko, kaya nakabalik din ako agad sa labas kung nasaan ang mga naiwanan naming mga kasama.

"Asan na si Kyle?"bungad na tanong ni Ismael.

"Sandali, tignan ko sa bulsa ko"pamimilosopo ko naman.

Kita niyang di ko kasama hinahanap sakin, alam naman niya ang plano na maghihiwalay kami ni Kyle kapag nasa loob na.

"Fuck you"sagot naman nito.

"Pwede bang idemanda ang abogado?"tanong ko sa kanya na kinunutan lang ako ng noo.

Sasagot na sana si Ismael ng makarinig kami ng pagkalabog tanda na nakabalik na din si Kyle.

"Easy peasy"sabi pa niya ng makalapit samin.

"Anong update Nerdy?"baling ko kay Aurelio.

"100 percent installed na, pwede na tayong umalis dito. ako ng bahala sa surveillance sa lugar na ito"sabi naman ni Aurelio.

GENTLEMAN'S QUEEN #6 : KAREN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon