Seventeen

9.1K 314 11
                                    

"AS I EXPECTED hindi mo nga ako bibiguin, agent Demaguiba"nakatawang turan ng Presidente.

Alanganin naman ngumiti si Dominador habang nakikinig sa sinasabi ng Presidents.

Hindi ko alam, pero bakit parang iba ang tingin ko sa presidente. Di tulad kapag nakikita ko siya sa TV noon.

"Miss..."baling sakin ng presidente.

"Gomez po, Mr. President"maagap kong sagot.

"Miss Gomez, isa ka sa nagpapatunay na hindi lahat ng nasa gobyerno ay tiwali at hindi mapagkakatiwalaan. Masaya akong makilala ka"anito.

"Thank you sir"sagot ko nalang.

Katahimikan, nakabibinging katahimikan ang sunod na namayani sa loob ng kwarto namin.

"Sir"

Biglang dumatinga ng mga kamag-anak namin. Nagsipagsaludo ang mga magulang ay kapatid ni Dominador sa presidente na agad namang tinugon nito.

May kwentuhan na naganap habang nandoon ang presidente. Halos pakapakinig lang kami sa bawat sinasabi nito.

"As I was saying, itong dalawang agent na ito ang magtatayong muli sa nasirang pangalan ng NBI sa buong Bansa"masayang turan pa nito.

"Sir, mawalang galang na po. Pero ngayon na tapos na ang trabaho ko sa NBI baka pwede na po akong bumalik sa pagiging police officer ko sa probinsya namin"magalang na turan ni Dominador.

Maging ako nagulat sa sinabi niya. Buong akala ko pa naman didito na siya sa Manila kasama ko.

"No, Demaguiba. Tutal nandito naman na ang mga magulang mo. Marapat na sabihin ko na din ang totoong pakay ko sa pagbisita sa inyo bukod sa pagbibigay ng reward sa nagawa niyong mabuti sa atibg bayan"anito habang nagpapalipat-lipat ang tingin samin at sa mga kasama namin sa loob ng kwarto.

"I would like to take this opportunity to formally announce that I was choosing you Senior Agent Dominador Demaguiba as the new National Bureau of Investigation Director. And as well to Miss Gomez I will promote you as a new Senior Agent"masayang anunsyo ng presidente na iki agulat naming lahat.

Paglingon ko kay Dominador nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa Presidente.

"I know you were shock, Dominador. Pero wala akong nakikitang babagay sa pwestong iniwan ni Makalimbat bukod sayo. I also assume that you are the best of the best to lead the agency. Wag mo naman sana akong tanggihan"dagdag pa ng presidente.

Doon lang lumingon sakin si Dominador, nagkatitigan kami ng kaunti.

"Sa tingin mo bubwit kaya ko?"tanong niya sakin.

nawalan naman ako ng masabi, basta nakatitig lang ako sa kanya. Nang sa tingin niya hindi ko siya sasagutin, bumaling na siya sa presidente.

"Pwede po bang pag-isipan ko naman ngayon ang binibigay niyo sakin? iyong una po kasi medyo rush, isa pa medyo kaya ko iyong trabaho. Pero kasi itong binibigay niya sakin ngayon medyo mabigat, parang hindi ko kakayanin"magalang na sagot ni Dominador sa Presidente.

Tumawa naman ng malakas ang Presidente bago siya lumapit sa tatay ni Dominador.

"All I can say is you raised all your children properly Mr. Demaguiba."anito bago tapikin ang balikat ng tatay ni Dominador at nagsimula ng maglakad palabas ng kwarto.

"I still want a positive answer from you Dominador, sana hindi ako mapahiya sayo"anito pa bago tuluyan na makalabas ng kwarto.

Katahimikan, bakit ba palagi nalang natatahimik ang paligid ko.

GENTLEMAN'S QUEEN #6 : KAREN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon