"BAKIT ANG BILIS MO yatang nagbago ng BF, bruha ka? paano na si Ben?"tanong sakin ni Haley.
Palihim namin siyang kinatagpo ni Dominador, natapos na ang meeting nilang dalawa kaya ako naman ang hinarap ni Haley. Si Dominador naman lumabas sandali at bumili ng makakain namin dahil late na din para magluto kami ng pananghalian. Wala naman kasi dito sa bahay ni Dominador si Kristine at Jonas, nangangalap ng ibang impormasyon na magagamit namin.
At hindi ko alam kung bakit kailangang kasama pa si Kristine ni Jonas. Iba din kikilos ang isang iyon eh, pa-simple pang magpapasama. If I know popormahan lang niya si Kristine.
"Wala na kami non, isa pa si Dominador naman talaga ang gusto ko mula pa noong bata ako. Hindi lang kami nagkaintindihan noon, basta mahabang kwento"sagot ko naman.
"Paano nga si Ben? hanggang ngayon hinahanap ka pa ng tao. sobrang nag-aalala na siya sayo, halos mabaliw-baliw na nga iyon"sabi na naman ni Haley.
Napakunot ang noo ko habang nakikinig sa kanya, wala bang alam si Haley sa nangyayari. Akala ko ba siya ang mata at tenga ni Dominador sa NBI, bakit parang wala namang idea ang isang ito sa totoong nangyayari.
"May dahilan ako, Haley. Tsaka ko na papaliwanag sayo kung bakit ko siyang hiniwalayan"sagot ko nalang.
Hihintayin ko si Dominador, kailangan kong malaman sa kanya bakit walang alam si Haley sa nangyayari.
"Kahit na, dapat kausapin mo si Ben ng maayos. Hindi iyong ganito nakikipaglive-in ka na agad kay Sir Dom, hindi pa naman kayo nag-uusap ni Ben ng hiwalayan niyo"sermon sakin ni Haley.
Nakalimutan ko, isa nga pala siya sa mga naging tulay ni Ben sakin para maging magjowa kami. In short boto si Haley kay Ben para sakin.
"Oo, kakausapin ko siya pagkatapos ng lahat ng problema. At itatama kita ha, hindi kami nagli-live-in ni Dominador, sa kabilang bahay siya nakatira pero bahay niya ito"sagot ko naman na nakataas ang isang kilay ko.
Tumawa naman ito bago inilibot ang paningin sa buong bahay or sala pala ni Dominador.
"In fairness ha, ang ganda ng bahay niya. Handa na talagang lumagay sa magulong buhay si Sir Dom. May bahay na eh na pagtitirhan sayo"kantiyaw niya na inirapan ko naman.
"Excuse me, may sariling bahay din po ako. Sa probinsya nga lang"sagot ko naman.
"Kahit na, tignan mo ang bahay na ito. Obvious na para sa isang pamilya ang yare, hindi mukhang bachelor's pad or bachelor's place."patuloy ni Haley sa pangbubuska sakin.
"Wala pa sa isip ko ang pag-aasawa, 24 ko palang. Bata pa ako para doon"sagot ko nalang ng matigil na siya.
Iyon naman ang inabutan ni Dominador ng dumating siya. Tahimik lang itong pumasok ng bahay at nagderetso sa loob ng kusina. Tinawag lang kami noong nakahain na siya, maging sa pagkain napakatahimik niya. Anong problema ng lalaking ito at biglang nanahimik.
"Bye na, magkita nalang tayo ulit kapag magrereport ako ulit kay sir Dom"paalam ni Haley after kumain.
Hindi na namin hinatid ni Dominador si Haley sa pinto, una dahil may makakita daw na magkasama kaming tatlo. Pangalawa hanggang ngayon tahimik si Dominador at mukhang napakalalim ng iniisip.
"May problema ba?"hindi ko na natiis na tanungin.
Dalawa nalang kami ngayon dito, anong gagawin namin kung hindi kami magpapansinan na dalawa. Kasi sa totoo lang hindi siya nagsasalita hindi niya din ako pinapansin as in dedma ako ng lokong higanteng ito.
"Wala, may iniisip lang"sagot nito.
Nanlaki ang mata ko, napanganga pa ako ng magwalk out ang walanghiya.
![](https://img.wattpad.com/cover/133184326-288-k664737.jpg)
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN'S QUEEN #6 : KAREN
RomanceSIXTH BOOK OF GENTLEMAN'S QUEEN Dominador and Karen Story Cover by: PANANABELS