ISANG BUWAN MULA NG EPIC wedding namin ni Dominador nagpakasal din kami ng totoo sa simbahan. Then after ng kasal namin sa simbahan, iyong magreresign namin ang inasikaso naming dalawa.
Hindi naman kami nahirapan sa pagreresign kahit pa ayaw ng presidente. Dahil simula daw ng si Dominador na ang may hawak ng NBI umayos ang takbo ng trabaho doon.
Kaya nakakaproud na asawa mo ang isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ng isa sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno. Di lang iyon, dalawang president na ang pinaglingkuran ng asawa ko.
"Hoy, anong ginagawa mo?!"gulat kong sigaw.
Nagulat di lang si Dominador sa pagsigaw ko. Pati ang baby namin nagulat ayan tuloy umiiyak na.
Our little bundle of joy, Keith Dwayne Gomez Demaguiba.
Tatlong buwan lang after ng kasal kasalan namin nagbuntis ako sa baby namin.
At ng manganak ako halos makipagsuntukan pa ako Kay Dominador para sa pangalan ng anak ko. Aba nag lokong mister ko ang gustong ipangalan sa anak namin Apolinario daw. Para matapang tulad niya.
Di naman ako against sa pangalan ng pinakamamahal kong asawa. Ang sakin lang panget na nga at walang arte ang mga pangalan namin idadamay pa namin ang anak namin.
"Bakit ka ba sumisigaw? Ayan tuloy umiyak na"sermon sakin ng magaling kong asawa.
Pero wala akong paki sa sermon niya. Galit akong lumapit sa kanila at kinuha sa kanya ang anak namin.
"Anong tingin mo sa anak mo, aso?"inis kong sabi sa kanya.
Madatnan ko ba naman na parang nagtatawag ng aso ang damulag. Alam niyo iyong sounds na ginagawa kapag nagtatawag ng aso, ganon ang ginagawa niya kanina.
"Anong aso sinasabi mo dyan"nakasimangot na sagot naman ng asawa kong magaling.
Inilayo ko ang anak ko sa kanya at pumasok na kami sa loob ng bahay. Nasa garden kasi silang mag-ama nagpapaaraw.
"Bakit kasi ganon mo kung tawagin ang anak mo?"inis kong sagot sa kanya.
"Sabi sa nabasa ko, sa age ni KD nakakarecognize na siya ng sound---"
"Oo, alam ko iyon. Ang daming sound na pwede mong ipakilala sa anak natin bakit ganon pa. Pwede mo siyang kausapin nalang o kaya naman tawagin sa pangalan niya---"
Hinalikan niya ako sa labi kaya natigil ako sa pagsesermon sa kanya.
"Ayan, natahimik ang mama ano anak. Peaceful ulit ang surroundings mo"baling ni Dominador sa anak namin ng maghiwalay ang mga labi namin.
Ngumiti naman ang anak namin na akala mo naman naintindihan niya kami.
"Reyna ng buhay ko, wala ka bang naalala ngayong araw?"lambing niya sakin ng natahimik na kaming tatlo.
Si KD kasi patulog na naman kahit kakagising palang ng anak namin.
"Wala"simpleng sagot ko.
Napakamot naman sa ulo nito si Dominador habang nakasimangot na naman siya.
"Wala talaga?"pangungulit niya.
Alam ko kung anong pinupunto ng lalaking ito.
"Alam, gumayak ka na tanghali na oh. Nakaluto na ako kumain ka na para makapasok ka na. May naalala ako ngayong araw"pinasigla ko pa ang huling sinabi ko na ikinatuwa niya.
Pumapasok na ulit si Dominador bilang pulis dito samin. Ang sabi niya kailangan niyang kumayod kasi hindi lang naman daw isang anak ang gusto niya, ang gusto niya anim kaya kahit balik pagpupulis papatusin niya dahil iyon nalang naman ang pwede niyang pasukan.
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN'S QUEEN #6 : KAREN
RomanceSIXTH BOOK OF GENTLEMAN'S QUEEN Dominador and Karen Story Cover by: PANANABELS