"ANO-ANO BANG nakita niyo sa loob?"tanong ko kila Aurello at Kyle.
Nandito ako ngayon sa prisinto nila, kasama ko si Karen pero nagpaiwan sandali sa may sasakyan at kausap niya ang nanay niya. Nasabi ko na bang nasa ibang bansa ang nanay niya, OFW sa Canada bilang nurse.
Itong taon na ito matapos ko lang problema ko, pauuwiin ko na nanay ni Karen para naman may silbing boyfriend niya ako.
"Madaming chicks"nakangising sagot ni Kyle.
"Namo, hindi iyon ang kailangan kong malaman ngayon"inis kong sagot.
"Madami naman talagang chicks doon. araw-araw iba-iba ang dala nilang mga babae"sagot ni Aurello.
Napakamot naman ako sa sarili kong ulo sa sagot nilang dalawa.
"Alam kong madaming babae---"
"Kaya samahan mo ako, magaganda iyong mga babae doon. Hindi ako pwedeng magpunta na mag-isa doon kailangan ko ng expert"pang-aasar pa ni Kyle sakin.
"Ako expert, namo ka talaga"sagot ko.
"Oo, di ba tatlong babae ang inuwi mo ng sabay-sabay"sabi ni Aurello.
"Kaya idol kita, iba ka talaga pagdating sa babae, expert"
"Wag nga kayong pang-asar na dalawa marinig kayo ng kumander ko, mabilis pa namang maniwala iyon, lagot---"
"At talagang mabilis akong maniwala"boses yata ni Karen iyon.
Sabay-sabay kaming tatlo na napalingon sa may entrance ng police station nila Kyle. Nandoon nakapameywang si Karen na nakataas pa ang isang kilay na nakatitig sakin. Nasa likod na niya si Jonas na nakangisi na din na katulad nila Kyle.
"Sir, nasaktuhan ka ng totoo boss"sabi pa ni jonas.
Agad akong lumapit kay Karen sabay akbay sa kanya.
"Miss Universe ko, hindi totoong expert ako. ikaw lang ang babae sa buhay ko bukod sila nanay at Diwata. pati na din isama mo ang mga magiging anim na anak natin na babae lahat"pang-aalo ko sa nagbabaga niyang titig sakin.
"Ikaw na higante ka, sasamain ka sakin"bulong niya.
Pumito lang sila Kyle at Aurello, mga pang-asar talaga ang mga ito.
"Hindi ang asarin niyo ako ang dahilan ng pagpunta namin dito, magreport na kayo. Baka nakakalimutan niyo mas mataas ang ranggo ko sa inyong dalawa"banta ko kila Kyle na hindi naman nila pinansin.
"Tara, sa labas tayo mag-usap-usap. Safe bang ibalandra mo itong may hawak ng susi ng bahay mo?"ani Kyle habang naglalakad na siya palabas ng presinto.
"Hindi niya lang hawak ang susi ng bahay ko, buong ari-arian ko hawak na niya. pati passbook at atm ko nga nasa kanya na. Pero ang malupit doon pati puso't kaluluwa ko nasa kanya"banat kong alam kong kinilig si bubwit.
"Tigilan mo ako, Dominador"saway naman sakin ni Karen.
Pakipot pa itong bubwit na ito, if I know kinikilig na siya.
Ending namin sa isang bar, kahit natanghaling tapat pinapasok kami. Kila Kyle daw ito at okay lang silang tumambay doon kahit sarado pa.
"Guys, meet Kuya King his be our sponsor"pakilala ni Kyle sa nadatnan namin sa Bar na kasama ni Ismael.
Napataas ang kilay ko habang nakatitig sa kanila, medyo hawig kasi ang dalawa. Magkapatid siguro, magkamukha eh.
"King Perez"pakilala ng bago sa paningin ko.
Pero ang nakakagago lang kay Karen naglahad ng kamay para makipaghandsake.
Ito namang si bubwit halos mangisay na ng tanggapin niya ang kamay ng binata.
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN'S QUEEN #6 : KAREN
RomansaSIXTH BOOK OF GENTLEMAN'S QUEEN Dominador and Karen Story Cover by: PANANABELS