Five

9.1K 341 32
                                        

ANONG PINAGSASABI ni Jonas na nasakin ang susi ng bahay ni Dominador. Ni hindi ko nga alam na may bahay siya dito sa Maynila, susi pa kaya ng bahay niya.

"Ikaw Jonas nagpapaniwala ka sa Idol mong si Kyle"sagot naman ni Dominador.

Napailing nalang ako sa kanilang dalawa. Lumapit na si Dominador sa may pinto para buksan pero agad din siyang bumuweltang paharap samin.

"Ikaw nga bubwit ang magbukas ng pinto, may babalikan lang kami sa sasakyan. Siguraduhin mong ikaw ang unang papasok sa loob"bilin niya pa sakin bago iabot ang susi sakin.

Nagtataka man ginawa ko nalang ng walang angal ang sinabi niya, pero kabubukas ko lang ng pinto ni hindi pa nga nakakahakbang ang mga paa ko papasok ng bigla akong umangat.

"Kabagal, bubwit na nga mabagal pa"sabi ni Dominador habang buhat-buhat ako papasok sa loob ng bahay niya.

Namula naman ako, alam ko kasi ang init init ng pisngi ko. Para kaming bagong kasal na papasok sa unang pagkakataon sa loob ng magiging bahay namin.

Napasiksik nalang ako sa dibdib ni Dominador ng bumukas ang ilaw sa loob ng bahay. 

"Ang sweet niyo naman sir"sabi ni Kristine.

May iba pa nga pala kaming kasama bukod kay Jonas.

"Sweet ba, ingat kayo kung ganon baka may mga langgam sa paligid niyo. malalaki pa naman iyon kasi gwapo at bubwit na beauty queen ang naglalambingan"nakangising sabi pa ni Dominador.

Nahampas ko siya sa dibdib niya ng wala sa oras. Ayos na pinuri na ako ng hayop na ito eh, kaso sinamahan pa ng bubwit.

"Ang lakas mong mang-asar, sige ikaw na ang 6'4'' at ako na ang 5'2'' sating dalawa"inis kong sita sa kanya.

"Di nga, 5'2'' ka? tingin ko 5 flat ka lang talaga eh"pang-aasar pa ni Dominador sakin.

"Ibaba mo na nga ako"utos ko sa kanya ng pasigaw.

"Ikaw ha, Kerengkeng alam mo ang height ko."pang-aasar na naman ni Dominador.

Hindi niya pa din ako binababa, aba nawili naman siyang buhatin lang ako.

"Ibaba mo na ako sabi eh"utos ko pa din sa kanya.

"Ayaw, kapag binaba kita paano na sinong sasalo sayo? gusto ko kasi ako din sasalo sayo."banat niya pa.

Napapatili ng impit si Kristine tapos natatawa naman si Jonas sa mga banat ni Dominador.

"Banat mo, ang cheesy masyado. Pero bagay sayo, jologs"pang-aasar ko naman.

"At least bumabanat, isa pa may nagagawang matino kaysa doon sa tinatawag mong love hanggang ngayon walang ginagawa para mabawi ka. Eh ako, kahit maubos ang milyones ko okay lang at least naiuwi na kita"

Natigilan naman ako sa sinabi ni Dominador, napatitig ako sa mukha niyang nakatitig din pala sakin.

"Ehem, sir Dom saan ba matutulog ang mga bisita niyo? kasi po medyo gabi na"singit  ni Jonas.

Naaasar na napatingin si Dominador kay Jonas dahil sa sinabi nito.

"Asar ka Jonas, panira. dito ka sa sala, sila Ganda sa isang kwarto. Si Karen sa kwarto ko"asar na sagot ni Dominador.

"Ikaw sir saan ka matutulog?"tanong naman ni Kristine.

"Sa kwarto"parang wala lang na sagot naman ni Dominador.

Nanlaki ang mga mata naming pare-parehas sa sinabi niya.

"Ano ka, boy friend ko para tabihan mo ako?"sigaw ko naman sa kanya.

GENTLEMAN'S QUEEN #6 : KAREN Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon