TWENTY

10.3K 356 47
                                    

"DATE TAYO"

Halos mabitawan ko.ang hawak kong kutsilyo at mangga sa narinig kong sinabi ni Dominador.

Umuwi kami ulit ng probinsya isang linggo mula ng sinabi ni Diwata na buntis siya ulit.

Nasa bukid kami ngayon kagagaling lang namin sa bahay para naman bisitahin ang Mama at Kuya/ate ko. Tapos dito kami sa bukid ni Andres na tinatawag niyang treasure tumuloy. At heto nga nanginginain kami ng mangga.

"Pakiulit nga. At subukan mong mamilosopo ngayon uupakapan kita sinasabi ko na sayo"banta ko na sa kanya.

Kilala ko na siya eh, palagi nalang siyang namimilosopo lalo pa kaming dalawa nalang ang nag-uusap.

"Sabi ko date tayo"ulit nga niya sa sinabi niya.

Ibinaba ko ang mga hawak ko bago ko siya hinarap.

Ngayon nalang ulit.

Ngayon nalang siya nag aya ng date after ng first date namin noon. Five years ago na ang nakakaraan.

"Anong nakain mo at nag-aaya kang magdate ngayon?"nagsisimula na akong mag-init.

Don't get me wrong okay, kinikilig pa din ako sa pag-aaya niya ngayon ng date. Kaso lang mag-iinit talaga ang ulo mo kung iyong huling date niyo nga limang taon na ang nakakaraan.

"Hmmm isang katutak na lakas ng loob"sagot niya.

Heto na naman siya sa pamimilosopo niya sakin.

"Isa Dominador, hindi ako natutuwa"inis ko namang banta sa kanya.

Huminga naman siya ng malalim bago siya tumayo na mula sa pagkakaupo niya sa tabi ko.

"Tara nalang kasi, di din naman ako nagbibiro"aya niya sakin.

Inilahad niya pa ang kamay niya sakin at inalalayan niya akong tumayo.

"Pano ung mga gamit natin?"tanong ko ng iwanan nalang namin basta iyong basket na dala namin.

Para na din kasi kaming nagpipicnic na dalawa.

"Ahh, papakuha ko nalang kila tatay"sabi niya habang hila-hila ako.

"Ano ka! Di ka na nahiya kila tatay mo pa ipapasuyo ung mga gamit. Bitbitin nalang natin tutal may sasakyan naman"nagpapabigat pa ako para lang huminto siya sa paglalakad.

Huminto nga siya pero humarap lang siya sakin para buhatin ako.

"Wag na kasi, sinabi ko na kukunin nalang nila tatay iyon."sabi niya na parang naiinis pa.

Tinititigan ko siya habang naglalakad na siya palapit sa sasakyan namin.

Napakaseryoso ng mukha niya, tapos halatang malalim ang iniisip niya. Ngayon ko lang din napansin na ang lalim ng mata niya tapos nangingitim pa.

"Wala ka bang tulog?"takang tanong ko sa kanya.

Huminto siya saglit at tinignan ako.

"Wala, tatlong gabi na"walang buhay niyang sagot.

Nabigla ako, kasi naman kapag nagigising ako ng madaling araw nakikita ko siyang nakapikit at akala ko tulog siya.

"Wag mo nga akong lokohin, kapag nagigising ako nakapikit ka naman"

Huminga siya ng malalim tapos ibinaba na niya ako. Nasa tapat na pala kami ng sasakyan at ipinagbukas na din niya ako ng pinto.

Dumukwang pa siya para siya na ang magkabit ng seat belt ko.

"Nakapikit ako, oo kaso di ako natutulog mau iniisip akong importante"aniya ng maikabit na niya ang seat belt ko tapos sinara na niya ang pinto.

"Ano namang importante iyang iniisip mo ha?"tanong ko ng nakasakay na siya.

GENTLEMAN'S QUEEN #6 : KAREN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon