Four

8.3K 341 18
                                    

SA LAHAT NG AYOKO iyong mga lalaking akala mo hinuhubaran ka na kung makatitig. At iyon ang mga lalaking nasa harapan namin ngayon. Karamihan sa mga ito mga Amerikanong matatanda na, as in isang uod nalang ang hinihintay lilipas na sa mundong ito.

"Inday, ano ba naman itong napasok natin"umiiyak na bulong sakin ni Nory.

Isa sa mga kasama kong bago, narinig ko na kinukwento niya kagabi na kaya lang naman niya gustong magpunta ng Manila dahil gusto niyang makaipon ng malaki para sa mga magulang niya. Heto naman ang kinasadlakan ng kapalaran niya, ang masakit pa baka kung makuha siya ng isa sa mga kano na ito wala ng uwian sa pamilya niya. Hindi na siya nakaipon para sa mga magulang niya, hindi na din niya makikita ang mga ito balang araw.

"Wag kang umeyak, papanget ka Ati"bulong ko naman.

"Iyon na nga ang gusto ko, ang pumangit ako sa paningin nila para hindi na nila ako piliin"bulong na naman niya. 

"Hoy, kayong dalawa wag nga kayong magbulungan diyan"sita naman samin ni Mildred.

Nilapitan kami ni Bea ng dahil sa pagsita samin ni Mildred.

"Wag kayong gumawa ng eksena dito habang namimili ang mga Kano na iyan. Kapag sila hindi kumuha ng isa sa inyo dito, lagot tayo pare-pareho. ngumiti nalang kayo"bulong samin ni Bea bago niya kami iwanan.

Napansin kong nagbubulungan din ang mga amerikanong nasa harapan namin. May mga tinuturo sila doon sa isang lalaking kausap ng mga ito na mukhang namumuno sa samahan na ito.

Sa loob ng isang oras may mga nawalang babae sa mga kasamahan ko, kinabahan na din ako dahil nga sa isa isa na silang nakukuha. 

Asan na ba kasi iyong mga iyon?

Mangiyak-ngiyak ako habang nagdarasal na sana bigla nalang may susulpot na mga pulis dito o kaya mga kasahaman ko. 

Nagslow motion pa sa paningin ko ng bigla akong ituro ng kano doon sa lalaking kausap nito.

Shit ito na yata ang katapusan ko, alam ko after nito kukunin n ng kano na iyon tapos dadalin na sa kung saan.

Tapos wala pa sila Dominador dito, ung plano nagkandaletse-letse na. Dapat nandito si Ben para siya ang magbugaw sakin sa kasamahan lang din namin. Kailangan lang namang malaman namin ang buong transaksiyon ng sindikato at kung saan sila matatagpuan.

Pero heto nga nandito na ako, wala naman akong rescue. Wala akong makitang kasamahan ko dito ni isa.

Mariing napapikit nalang ako, alam ko sakin niya itinuro ang kamay niya. Ako na ang napili ng kanong mukhang pinasabugan ng pla-pla sa mukha.

Pero ganon nalang ang pasalamat ko ng biglang umatungal ang nasa tabi ko.

Pagmulat ng mga mata ko hatak hatak na ng dalawang lalaki iyong babaeng katabi ko kanina.

"Halika na Inday, sumunod ka sakin"hatak sakin ni Bea.

Tatlo kaming naiwan na bago, dapat ba akong matuwa o mainis. Ganon ba ako kasimple at walang namili sakin na kano.

"May VIP na naghihintay sa taas"bulong pa sakin ni Bea habang naglalakad na kami.

"Mamimili siya sainyong tatlo"dagdag pa ni Bea.

Napalingon naman ako kay Bea ng dahil doon. Akala ko tapos na ang pilian, meron pa palang reserba sa taas.

....................................................

NAIINIP NA AKO, kanina pa ako naghihintay dito. Tama ba ang lugar na sinabi sakin ni Kyle.

Kapag mali lang ang pinuntahan kong lugar, sasapakin ko ang lalaking iyon.

GENTLEMAN'S QUEEN #6 : KAREN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon