"DOMINADOR! kapag ako talaga nalate sisipain kita sa mukha"kanina pa ako naririndi sa sigaw niya.
Di naman ako makaangal sa kanya, kapag umangal ako may kutos o kaya naman hampas ako kapag ginawa ko iyon. Sa sadista ang minahal ko wala akong magagawa doon.
"Anong oras na ba sa relo mo?"walang gana kong tanong ng makababa na ako ng hagdan.
Nanlaki ang mata niya ng malingunan ako, hindi lang iyon ang nanlaki maging ang butas ng ilong niya nanglaki na din. Kala mo dragon na magbubuga ng apoy habang nakatitig siya sakin.
"Hindi ka pa nakaligo?!"pasigaw na tanong niya sakin.
Napakamot naman ako sa ulo habang nakatitig sa kanya. Nakapangbahay palang kasi ako, dahil katatayo ko lang talaga ng higaan.
"My God, Dominador. Iyan ba ang ipapakita mo sa unang araw ng pasok mo?"simula na ng sermon niya.
"Ikaw pa naman ang Director ng NBI. Ikaw dapat ang huwaran, model, good example..."ang dami pa niyang sinabi pero hindi ko na siya pinakinggan o sinagot pa.
Well, after one months mula ng lumabas ako ng ospital ngayon ko lang tinggap ang offer ng Presidente sakin. Kahit na ayoko, kaso kasubuan na. Si Karen kasi, tinggap niya ang posisyon kahit di niya ako kinausap tungkol doon. Ang sabi nalang niya para naman daw sa kinabukas naming dalawa kaya niya tinggap. Bihira ang bata pa ang edad tapos nasa ganoong kataas na posisyon na agad sa gobyerno kaya pinatulan na niya. Kasama na daw na malaki ang sahod kaya ginusto niya na din.
Nagpunta ako sa kusina habang kinukusot ang isang mata ko at ang isa naman ay ang tenga ko. Natatawa nalang ako sa girlfriend ko, daig pa si nanay kung makapagsermon sakin.
Nagulat ako ng makitang nakahanda na siya ng agahan namin, napailing nalang akong babalik sana sa sala ng maharang na ako ng nanlilisik na mata ng dragon.
"Bubwit ko, anong oras ka nagising?"manghang tanong ko sa kanya ng makalapit na ako sa kanya.
Pinamaywangan niya ako at pinagtaasan ng kilay.
"Natural alas-quatro"sagot niya.
Natatawa akong niyakap siya habang hinahaplos ang ulo niya.
"Hay ang bubwit ko, daig ako. Mas excited ka pa sakin na pumasok ah. Ako ang first day na papasok mamaya pero ikaw ang excited na gumayak"sabi ko pa habang yakap ko siya.
Nagpumiglas naman siya sakin at pinanlakihan na naman ako ng mata.
"Excuse me lang ha. Hindi ako excited na pumasok para sayo. Para lang sa kaalaman mo po SIR! ako palagi ang pinakamaaga kung pumasok. Kaya nga nalaman ko ang sikreto nila Makalimbat, Kapandan at Ben eh dahil maaga akong pumapasok"sabi niya na nakapameywang na naman sakin.
Sinapo ko ang mukha niya at hinalikan sa labi niya ng tatlong magkakasunod na beses.
"Miss Universe ng buhay ko, ala-sais pa lang ng umaga, sarili naman natin ang sasakyan kaya hindi tayo kailangan makipagsiksikan sa MRT o LRT o Bus o Taxi o FX nasabi ko na lahat ng pwedeng sakyan. Isa pa, alas-otso ang pasok kaya hindi pa din tayo male-late okay kahit mga thirty minutes pa tayong maghalikan ngayon"paliwanag ko sa kanya.
Nakakunot ang noo niya habang nakikinig sakin.
Para maniwala siya hinila ko siya sa sala at binuksan ang TV at naghanap ng channel na may nakalagay na Time at Date ngayon. Nang may makita ako kinuha ko ang braso niya kung nasaan ang orasan niya at pinagkumpara.
Naku naman itong babaeng ito, kaya pala maagang pumapasok. Advance ng halos dalawang oras ang relo niya, seven forty ang sabi sa relo niya.
"Shit!"

BINABASA MO ANG
GENTLEMAN'S QUEEN #6 : KAREN
Любовные романыSIXTH BOOK OF GENTLEMAN'S QUEEN Dominador and Karen Story Cover by: PANANABELS