"GANITO ANG PLANO..."simula ni Dominador.
Kakatapos lang naming kumain, ito yata ang pinaka-awkward na hapunan na naranasan ko.
Paano naman panay ang kindat ni Kristine sakin, si Jonas naman kung makangisi siya sakin kala mo naman kung may anong kalokohan akong ginawa.
"Anong plano sir?"sabi ni Jonas na palipat-lipat ang tingin samin ni Dominador.
"Urg! wag ka ngang tumingin ng ganyan kay Karen, Jonas. Dudukutin ko ang mata mo"banta ni Dominador dito.
"Halla, confirm"sigaw naman ni Kristine.
"Anong confirm?"tanong ko naman.
"Wag mo ng pansinin ang mga iyan. Kung ayaw mong makinig sa plano Jonas umuwi ka na, baka hinahanap ka na ng asawa mo"taboy ni Dominador.
Nanlaki ang mata ko, maging si Kristine. Halata pa nga na nasaktan ang dalaga sa sinabi ni Dominador. Eto ang confirm para sakin, may gusto talaga si Kristine kay Jonas.
"Boss, wag ganon. Baka maniwla na may asawa ko, maunsyame tulad mo"reklamo ni Jonas.
Inirapan lang ni Dominador si Jonas.
"Ganito ang plano...."sinabi ni Dominador ang gagawin namin isa-isa.
Nakikinig lang kami ni Jonas maging si Kristine seryosong nakikinig sa sinasabi ni Dominador. Hahangaan mong tunay ang lalaking ito, akala mo walang matinong tumatakbo sa utak pero kapag nagseryoso na ibang Dominador na ang kaharap at kausap mo.
"Pwede akong tumulong"prisinta pa ni Kristine.
"Ganda, mahirap ang trabahong ito para sa katulad mong civilian lang"sagot ni Dominador.
"Pero civilian na din naman sila Karen at sir Jonas"pangangatwiran pa ni Kristine.
"Mali, si Jonas oo civilian pero si Karen tuloy sa serbisyo iyan. Sating apat dito siya lang ang unipormado"sagot ni Dominador na ikinagulat ko.
"Hindi naman narelieve sa serbisyo si Karen. Ang alam nila nasa mission pa din si Karen, unlike namin ni Jonas na umalis ng walang paalam"dagdag pa niya.
Napaharap ako sa kanya ng wala sa oras ng dahil sa sinabi niya.
"Anong pinagsasabi mo? ikaw AWOL na din?"takang tanong ko sa kanya.
"Oo, may problema ba don?"takang tanong niya sakin.
Umayos ako ng upo na paharap sa kanya, naguguluhan ako eh.
"Ang sabi mo sakin kagabi, on mission ka na hanapin ang mga tiwaling opisyal sa NBI. So meaning hindi ka naman talaga sa NBI nagtatrabaho di ba? Paano ka naging AWOL?"
HUminga siya ng malalim bago ako harapin din.
"Tama, pero NBI ang nagpapasweldo sakin ngayon. At umalis ako ng walang paalam kanina, so technically AWOL na din ako sa NBI. Hindi naman kasi malinaw kung kanina ako kukuha ng sahod kapag naging ganito ang sitwasyon ko"balewalang sagot niya.
"Ano!"sigaw ko.
"Relax ka lang bubwit, kahit mawalan ako ng trabaho hindi ka maghihirap sakin"sabi pa niya.
Nahampas ko siya ng malakas sa balikat niya ng dahil doon.
"Tigilan mo nga ako sa mga biro mo Dominador, seryoso ako"saway ko sa kanya.
"Seryoso din naman ako, hindi ko naman gustong magpulis talaga. ikaw lang eh, masyado mong hinahangaan si Kuya ayan tuloy nagpulis ako kaysa maging Engineer"sabi na naman niya.
Ano daw? bakit parang lumalabas na ako ang sinisisi niya sa pagpupulis niya. Kasalanan ko ba talaga ang pagpupulis niya.
"Hay ang manhid mo naman kasi"para pa siyang naasar bigla sakin.
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN'S QUEEN #6 : KAREN
RomanceSIXTH BOOK OF GENTLEMAN'S QUEEN Dominador and Karen Story Cover by: PANANABELS
