Ten

8.7K 355 23
                                    

a/n: sorry hindi lang po naedit ang title noong last chapter. wala pong missing chapter dito sa story. Chapter nine po talaga iyong last chapter na pang part 11 na dito dahil may disclaimer at prologue pa kasi ako bago ang chapter one. so, answered na lahat ng nagtanong kung bakit wala iyong 9 at 10 ha.

.............................................................

"ANONG kalokohn ito?!"kanina pa nagwawala si Karen.

Ako petiks lang, hindi ako affected sa mga balitang napanood namin. 

Well balita lang naman iyon tungkol sakin na isa na akong bigilante. Na pinaghahanap na ako ng batas at wag ng makikipagtransaction sakin kung magpapakilala ako bilang pulis o NBI agent.

"Bakit hindi ka affected dyan? tignan mo nga si Jonas hindi na maipinta ang mukha"sita sakin ni Karen.

Huminga naman ako ng malalim bago ko siya akbayan saka halikan sa bunbunan niya.

"Pinakamamahal kong bubwit ng buhay ko, hindi talaga ako affected dyan. Alam ko ang totoo at iyong ang paniniwalaan ko."

"Aw!"daing ko ng bigla nalang niya akong sikuhin sa tagiliran ko.

"Sir, paano na ako niyan? hindi na ako pwedeng bumalik sa bahay namin. Pinaghahanap na tayo ng batas"takot na takot namang tanong ni Jonas sakin.

Hinihimas ko ang nasaktang tagiliran ko habang naglalakad ako papunta sa upuan.

"Hindi na nga din tayo pwedeng maglagi dito sa bahay ko, alam ng mga NBI na dito ako tumutuloy"sabi ko ng makaupo ako.

"What?!"

"ANO!"

Sabay na sigaw ni Jonas at Karen na ikinakibit balikat ko lang.

"Plan B na tayo"parang wala kong sabi habang sinesenyasan silang lahat na lumapit sakin.

"Anong plan B pinagsasabi mo dyan? ni plan A nga wala kang sinabi"reklamo ni Karen.

Napataas naman ang kilay ko ng sa kandungan ko siya naupo. Pero okay na din para sakin, walang kaso pabor pa nga. Kaya ako naman niyakap ko siya ng mahigpit.

"Sus, plan B ni Sir Dom makatsansing sa willing victim niya"kantiyaw ni Jonas.

Para namang natauhan si Karen umayos ng upo sa tabi ko, sinamaan ko ng tingin si Jonas ng umalis sa kandungan ko si Karen ng dahil sa kanya.

"Nakatapos na tayo sa plan A ko. Ano-ano ba mga pinaggagagawa natin? alangan isa-isahin ko pa eh alam naman niyong lahat ang nangyari at magkakasama naman tayo"paliwanag ko naman sa kanila.

Parang hindi sila makapaniwala sa mga sinabi ko sa kanya. Kung tignan nila ako para akong tinubuan ng isa pang ulo.

"Plan B, bumalik ka na sa NBI"baling ko kay Karen.

Napanganga siya na nanlalaki ang mata niya habang nakalingon sakin.

"Anong kalokohan ang pinagsasabi mo?"nanlalaki ang mata niyang tanong.

"Nasabi ko na di ba? bumalik ka sa NBI na parang na-assault kita or something. Ilabas mo ang galing mo sa drama, nang magkaroon ng silbi ang pagsali mo sa drama club noong high school tayo."tinaas-taas ko pa ang kilay ko habang nagsasalita.

Isang malakas na bigwas sa sikmura ang natanggap ko ng dahil doon.

"Sadista"reklamo ko sa kanya na inirapan lang ako.

........................................................

NGAYONG araw babalik sa NBI si Karen, pero bago iyon sinabi ko sa kanya na si Haley ang tutulong sa kanya para makabalik na walang nakakahalata sa plano namin.

GENTLEMAN'S QUEEN #6 : KAREN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon