Three

8.7K 311 13
                                    

"WHAT DID I told you Demaguiba? its too risky. Kabago-bago mo palang sa ahensyang ito nagmagaling ka na agad. Anong napala mo sa pagkilos niyo ng bara-bara"

Huminga naman ako ng malalim, makailang ulit ko ng narinig iyon sa mga kaharap kong opisyal ng NBI. Well wala naman akong masasabi sa kanila sa ngayon, kasi sabi nga nila palpak ang plano namin. 

Nawawala si Karen, at hindi nakapasok sa sindikato si Ben.

Palpak nga kung titignan.

"You risked one of your men's life Demaguiba"

"Saan mo ngayon sisimulan ang paghahanap kay Agent Gomez?"

"Bakit kailangan mo pang maghintay ng isang araw para ireport na nawawala ang isang tauhan mo?"

Lahat sila sabay-sabay kung magsalita, hindi ko inaasahan na ganito pala sila sa NBI.

Lahat pa naman sila mga lalaki pero kung makapagdaldal daig pa ang mga babaeng may buwanang dalaw.

Napatingin naman ako kay Ben at maging sa pinaka-head namin.

Parehas silang tahimik, si Ben ewan ko kung bakit tahimik, pero ang Director namin alam kong nag-iisip siya sa mga sandaling ito.

Nasabi ko na kasi sa kanya ang plano ko, at nasabi ko na din na alam ko talaga kung nasaan si Karen ngayon. Sinabi ko din sa kanya ang mga napansin ko ng obserbahan ko ang buong team na hawak ko maging ang mga nakatataas samin. 

Malamang iyon ang iniisip niya ngayon.

"Silent!"mababang tono na saway ng Director.

Para kaming nasa korte kung mag-ingay sa debata ang mga kaharap ko.

"Sir, I don't wan't to be rude. Pero bakit ninyo ibinigay sa baguhan ito ang kasong matagal ng hawak ng Agency natin na kung tutuusin hindi naman talaga dapat ipinagkakatiwala sa isang provincial police lang ang ganitong bagay"reklamo na naman ng isa sa mga deputy chief na kanina pa putak ng putak.

"Are you questioning my decision Kapandan?"baling naman ng Director dito.

Natahimik ang lahat sa biglang pagsasalita ng ganoon ng Director. Lahat pa nga kami napatingin sa kanya ngayon.

"Wala pa ngang ginagawa ang tao kinukwestiyon niyo na. He just sent his men inside the syndicate. Hindi ba't malaking achievement na ng team niya iyon. HIndi siya pipili ng isang agent na walang kakayahan na ipagtanggol ang sarili niya kung wala ang mga kasama niya. And knowing agent Gomez, she's one of our best agent in this agency."puno ng diin at super serious ang Director habang nagsasalita. 

"You and you can go now and do your job"taboy pa niya samin ni Ben.

Nagpaalam ako sa Director lang namin pero hindi na sa iba, bastos na kung bastos. Sila din naman bastos kausap, nakaharap pa kami kung bastusin at pahiyain na lang nila kami ganon na nalang.

"Ben, lumabas ka ulit ngayon at pilitin mong makapasok na sa sindikatong hinahanap natin. Wala tayong oras na dapat sayangin"bulong ko kay Ben habang naglalakad kami sa hall way.

Hindi naman siya nagsalita, kaya nilingon ko siya. Mukhang malalim ang iniisip ng gago, hindi man lang yata ako napansin ng isang ito.

"Ben"tinapik ko pa siya sa balikat niya.

Doon lang siya napalingon sakin na mukha pang nagulat sa pagtapik ko.

"Nakikinig ka ba?"tanong ko pa sa kanya.

Tumango lang siya bilang sagot sakin tapos tumingin na ulit sa harapan namin at nagsimula na ulit maglakad.

Napailing naman ako at sinundan siya, habang naglalakad kami biglang tumunog ang cell phone ko. Si Jonas ang tumatawag sakin, nasa area pa kasi ngayon at nangangalap ng impormasyon.

GENTLEMAN'S QUEEN #6 : KAREN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon