PAUWI KAMI ngayon ng Nueva Ecija. Kakatapos lang ng kasal nila Kristine at Jonas. Hindi na nga kami masyadong nagtagal sa reception dahil uuwi pa kami ng probinsya.
Pinapauwi kami ni Diwata, hindi naman niya sinasabi ang dahilan niya kung bakit kami uuwi. Basta umuwi daw kaming lahat.
Kahapon pa yata nakauwi ang pamilya ni Diwata at pamilya ni Andres sa probinsya kami nalang ni Dominador dahil nga may pupuntahan pa kaming kasal at binyag.
"Matulog ka na muna. Gigisingin nalang kita kapag nasa bahay na tayo"sabi Dominador ng nakalabas na kami ng Manila Proper.
"Hindi naman ako inaantok"aniko habang nakatitig sa labas ng sasakyan.
"Anong iniisip mo at parang antok na antok ka naman?"tanong ni Dominador.
Malalim.na buntong hininga lang ang sinagot ko sa kanya at nagsawalang kibo.
Alangan namang sabihin ko sa kanya ang iniisip ko na 'kailan tayo ikakasal? May plano ka pa bang pakasalan ako?' Ang sagwa di ba, ako pa na babar ang mag-oopen ng topic tungkol sa kasal.
"May problema ba?"tanong niya pa ulit ng di ako sumagot.
Gaya kanina malalim na buntong hininga lang ang sinagot ko sa kanya.
Hindi na ako nagulat ng may madaanan kaming shoulder lane.
"Kausapin mo naman ako, kanina ka pa tahimik"pangungulit ni Dominador sakin.
Nilingon ko na siya ngayon at pinakatitigan. Wala ba siyang pakiramdam? Siya na ba ang manhid saming dalawa ngayon. Bakit di niya maisip na mag-aya na ng kasal?
"Pagod lang ako"matamlay kong sagot sa kanya.
Pinagkunotan niya ako ng noo, salubong na ang kilay niya habang nakatitig sakin.
"Maniwala ka, pagod lang ako"sabi ko ulit.
"Wag nalang kaya tayong umuwi"sagot naman niya.
Huminga naman ang ulit ng malalim at mariing pinikit ang mata ko.
"No, deretso na tayong umuwi nandito na lang din tayo. Tumuloy na tayong umuwi. Isa pa tayo nalang ang hinihintay ng pamilya mo remember"paliwanag ko sa kanya na nagpipilit na magpakahinahon.
Tinitigan niya ako sa mata ko kaya nakipagtitigan nalang din ako sa kanya.
"Sige na sige, uuwi tayo ng Ecija. Wag ka ng magalit. Matulog ka kasi ng mapahinga ka kahit nasa biyahe tayo"siya ang unang sumuko.
Tahimik na kami buong biyahe namin hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Tama ako kami nalang talaga ang hinihintay ng buong mag-anak.
May maliit na salo-salo para sa hapunan. Masaya naman ang naging hapunan namin. Kahit papaano nawala ang inis ko ng dahil kay Akira.
"Gawa ka na kasi ng inyo"kantiyaw ni Blaire.
Nakasimangot ko siyang tinignan bago ko tinignan si Dominador na busy ng makipag-inuman.
Nga pala, kaya kami nanditong lahat kasi in-announce lang naman nila Diwata na buntis ito sa pangatlong baby nila. Ang saya ano, si Diwata nakatatlo na ako bokya pa din.
"Paano siya gagawa ng katulad ni Akira kung si Kuya Dominador ang tatay"kantiyaw ni Diwata.
"Naku Blaire, para ka namang bago. Like father like mga anak. Kasal muna bago ang baby, iyan ang palaging sinasabi ng tatay niyo sa mga binata namin noon"singit naman ng nanay ni Diwata.
Kalong nito si Perlas, ako naman kandong ko si Akira at si Diwata naman nakaupo lang at binabantayan si Isaac.
"Ano pa ba kasi hinihintay niyong dalawa?"tanong ni Diwata.
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN'S QUEEN #6 : KAREN
RomanceSIXTH BOOK OF GENTLEMAN'S QUEEN Dominador and Karen Story Cover by: PANANABELS