Fifteen

7.6K 277 12
                                    

HALOS PANAWAN AKO ng ulirat habang nakikipagpalitan ng putok si Dominador sa likuran. Bakit ba ang kulit ng nasa likod namin at hindi man lang mabawasan ng tao sa loob ng sasakyan. May tamaan man kami at bumagsak sila may papalit na babaril samin.

Isa pa ang daan na tinatahak ko, bangin pa yata ito.

Pero agad ding nasagot ang iniisip ko ng tagpusin namin ang daan. 

"Aray, dahan-dahan pwede"daing ni Dominador.

"Paano ko dadahanin kung pababa na tayo talaga at wala na tayong preno"sigaw ko sa kanya.

"Tsk!"

Iyong hinahabol namin na sasakyan wala na, kami na ngayon ang hinahabol.

"Tabi, ako magdadrive"ani Dominador.

Paglingon ko nasa tabi ko na siya at hawak na niya ang manibela. Kahit hirap nakapagpalit kami ng pwestong dalawa. Agad kong kinuha ang baril na hawak niya kanina at ako naman ang nagfocus sa pakikipagpalitan ng putok.

Dahil sa nakafocus ako sa pinapaputukan ko hindi ko napansin na biglang kinabig ni Dominador ang manebela. Tumama ang ulo ko sa pinto at nawalan ako ng balanse. Ang sama ng tingin ko sa kanya ng mapunta ako sa harapan ng upuan kung saan kasya akong nakasiksik doon.

"Tataaman ka sakin kapag ako nakaayos ng upo"banta ko sa kanya.

Nginisihan niya lang ako, napakunot ang noo ko ng makitang paatras ang takbo namin. Aayos na ako ng upo ng may bumangga samin mula sa harapan namin kaya napaupo na naman ako kung saan ako nakasiksik kanina.

Sunod noon nabasag ang windshield namin. 

"Dominador!"sigaw ko sa kanya.

May mga bubog kasing tumama sa kanya pero hindi naman masyadong malala. Pero ang loko kaysa indahin ang mga bubog parang natuwa pa siya. Nakangisi kasi siya habang nakatitig sa harapan niya.

Hindi pa man ako nanabwelo sa pagkakasadlak ko nakita kong itinaas niya ang kamay niya may hawak siyang baril. Sunod-sunod niyang pinaputok ito, hindi pa siya nasiyahan may dinukot siya mula sa tagiliran niya. Nanlaki ang mata ko ng makitang may hawak na siyang granada, walang kakurap-kurap ng matang hinatak niya ang safety pins bago niya ito inihagis sa harapan namin.

"Feel the heat, mga bro!"sabi niya.

Mabilis niyang kinabig ang manibela, umikot kami ramdam ko tapos bigla siyang nagfull speed. Kakasabi ko lang sa kanya wala na kaming preno, wala man lang siyang takot na itodo ang bilis ng sasakyan.

Napatili ako ng nakarinig ako ng malakas na pagsabog. Dahil nakasiksik pa ako at nakaharap sa likuran ng sasakyan kitang-kita ko ang malakas na pagsabog ng sasakyan. Ikaw ba naman lumipad sa ere ang sasakyan sa lakas ng impact ng pasabog hindi mo makikita kahit pa nakasiksik ka sa pinakasulok ng sasakyan.

"Hindi ka pa ba aayos bubwit. Saktong-sakto ka dyan ha, sinukat yata sayo ang sasakyan na ito"sabi pa ni Dominador.

Sinamaan ko siya ng tingin bago ako nagpilit na umayos ng upo. Naalala kong kapain ang granada sa may pinaglagyan ko kaninang bulsa ko wala na doon. Ibig sabihin sakin ang ginamit ni Dominador kanina para pasabugin ang sasakyan na nakasunod samin.

"Takte, parang driver ng karo ang driver ni Makalimbat."ani Dominador.

Pagtingin ko sa harapan namin halos nakabuntot na kami sa sasakyan kung saan sumakay si Makalimbat para tumakas.

Nadikitan ni Dominador ang sasakyan, binangga pa niya para mapansin kami ng mga ito. Tulad ng humahabol samin kanina may mga kasama din sa loob si Makalimbat na siyang nagapaputok ng baril samin ngayon.

"Tangina!"reklamo ni Dominador.

"Wala na bang katapusan na paputok ng baril iyan? wala na kaming bala!"sigaw niya pa.

Napapantastikuhan ko siyang nilingon at pinandilatan ng mata. Tama bang sabihin niya iyon sa kalaban namin, oo nga at wala na kaming bala. Sa tingin ko nga may tatlo o apat nalang akong natitira, pero ang i-broadcast pa niya iyon. Hay ano bang tumatakbo sa kokote ng lalaking ito at kung ano-ano ng nasasabi niya.

Ayan tuloy iyong isang lalaki kanina na nagpapaputok samin naging dalawa na. Iyong isa si Makalimbat pa na nakangisi habang nagpapaputok.

"Matalino ka Demaguiba, pero hindi mo ako maiisahan."sigaw ni Makalimbat.

"Hoy! kung hindi kita maiisahan  wala ka sana dito ngayon"sigaw naman niya.

Aba't nakipagkwentuhan pa ang gago habang nagbabanggaan ang mga sasakyan namin.

"Nagkamali si Makaso, hindi ikaw ang magpapabagsak sa isang tulad ko"sigaw ni makalimbat.

Tumawa naman ng malakas si Dominador bago kabigin ang manibela at banggain na naman ang sinasakyan ni Malakimbat. Sa pagbangga niya sabay ng pagpapaputok ko ng baril, kaysa sa lalaking kasama ni Makalimbat na bumabaril samin ang tama ng baril doon sa driver napunta ang bala. Ang malas lang si Kapandan pala ang driver nila, nakilala ko lang ng mabasag ang salamin ng sasakyan nila.

Makailang ulit na nagmura si Makalimbat bago sila pumasok sa loob ng sasakyan.

Isang beses pang binangga ni Dominador ang sasakyan nila Makalimbat hanggang sa malaglag ito sa bangin.

Kami naman deretso lang ang takbo pero pagewang gewang na.

"Dominador!"may babalang tawag ko sa kanya.

"May tiwala ka naman sakin di ba?"nakangisi siya habang nakalingon sakin.

Kahit hindi ko siya tignan alam ko nakangisi siya at sakin siya nakatitig. Ako kasi deretso ang tingin ko sa daan. Kung daan pa nga ba ang tutumbukin namin. Kasi sa nakikita ko, bangin din ang tinutumbok namin, lalo pa at mukhang walang planong lumiko si Dominador.

"Mahal na mahal kita Karen!"sigaw niya na ikinalingon ko sa kanya.

Hindi nga ako nagkamali, nakatitig siya sakin na nakangiti.

"Hindi ako nagsisisi na ngayon ko lang sinabi na mahal kita. Kasi kung hindi ko ginawa iyon wala tayong parehas ngayon dito, hindi ko mararanasan na makasama ka sa isang bagay na parehas nating gustong gawin noon pa."

"Ano bang pinagsasabi mo?"inis kong tanong sa kanya.

Para kasi siyang nagpapaalam sakin, kainis naiiyak na ako. No hindi umiiyak na pala ako ngayon.

"I love you"aniiya.

Napapikit ako ng maramdaman kong tumama ang sinasakyan namin sa isang bagay sunod ang pagbulusok ng sasakyan namin pababa. Pero bago pa ang lahat naramdaman kong niyakap ako ni Dominador. Isang mahigpit na mahigpit na yakap ang naramdaman ko.

Sa pagtama namin anong bago ramdam ko ang mainit na labi niyang dumampi sa mga labi ko bago ako nawalan ng malay.

....................................................................

a/n: maiksi lang, kasi part 2 lang siya ng laban dapat kasabay pa siya noong last chapter kaso sobrang sakit ng ulo ko. 

happy reading po. Bawi nalang ako sa susunod na chapter.

GENTLEMAN'S QUEEN #6 : KAREN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon