Thirteen

8.8K 289 17
                                    

"ANONG BANG tingin mo sakin at ayaw mo akong pasalihin sa trabahong ito. Sinabi ko na sayo nag-AWOL na din ako"naiinis na ako sa lalaking ito.

Kanina pa kami nagtatalo na dalawa. And take note nandito kami sa kwarto kung saan sila naglalagi ni Jonas nitong nakalipas na mga araw.

Kinukulong niya ako dito para di ako makasama sa mga lakad nila.

"Para naman sa kapakanan mo ang ginagawa ko"sagot niya na paulit ulit nalang.

"Kaya ko ang sarili ko Dominador"pamimilit ko din.

Parang pagod na napabuntong hininga naman siya bago siya lumapit sakin at naupo sa tabi ko. Hinawakan pa niya ang kamay ko saka hinalikan.

"Natatakot ako"halos pabulong na salita niya.

Doon ko naman siya nilingon at pinakatitigan sa mukha niya.

"Natatakot ako, baka kasi hindi kita mabantayan ng mabuti kapag sinama kita bukas"dagdag pa niya.

Ako naman ang napabuntong hininga sa nalaman ko. Kahit kailan simula ng makilala ko siya di ko siya nakitaan ng ganito. Para siyang nanghihina na walang ibang makapitan o malapitan. Tingin ko pa talong talo ang lagay niya habang nagsasalita.

"Ngayon lang ako natakot ng ganito. Kahit naman noong alam kong may boyfriend ka ng iba hindi ako natakot alam kong kaya kitang makuha. Pero iba ito Karen, buhay ang nakataya dito"patuloy niya.

Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Natatakot ako Karen na baka mawala ka sakin sa laban na ito"bulong niya habang yakap yakap niya din ako ng mahigpit.

"Hindi ako mawawala sayo, gusto kong lumaban kasama mo. Kung ikaw natatakot na mawala ako ganon din ako, sating dalawa alam ko pakiramdam na makaharap sila. Kaya alam ko kung paano matakot sa kanila Dominador. Kaya gusto kong sumama, hindi mo ako kailangang bantayan all the way kasi didikit lang ako sayo, hindi kita iiwanan kahit na anong mangyari. Nasa likod mo lang ako palagi sa buong laban na ito"bulong ko din sa kanya.

Malalim na buntong hininga naman ang sagot niya sakin at mas lalong humigpit ang yakap niya sakin.

.....................

"OH! AKALA ko ba hindi mo isasama ang kumander mo?"takang tanong ni Kyle samin ng nasa harapan na nila kami ni Dominador.

Napilit ko din siya na isama na ako, after ng mahaba-habang paliwanagan ako pa din ang nagwagi.

"Commander in chief nga di ba, siya ang masusunod."may kahalong tampo ang boses niya na tinawanan lang ng lahat.

"May angal ka?"tanong ko sa kanya na pinanlalakihan siya ng mata.

"Kita niyo, siya ang commander in chief nagtanong pa kasi kayo"reklamo ni Dominador sa mga kasamahan namin.

Kompleto kaming lima, ako, si Dominador, Jonas, Kyle at Aurello.

"Talaga bang tayo lang ang kikilos?"tanong ko kay Dominador.

"Sandali maghantay ka. Tumawag ako ng back-up"sagot naman niya.

Para namang cue biglang bumukas ang pinto kung nasaan kami at pumasok doon ang apat na kalalakihan. Hindi ko kilala ang mga ito pero parang pamilyar sila sakin.

"Oh meet our new team, PO2 Kevin de Gracia, PO2 George Lim, SPO1 Johnny Reyes, at SPO1 Roberto Dela Cuz"pakilala ni Dominador sa mga bagong dating.

Lahat sila sumaludo samin.

"Long time no see Boss Dominador"sabi noong pinakilalang Kevin.

"Long time na ba iyon noong kasal lang ni Diwata tayo huling nagkita"natutuwang sabi naman ni Dominador dito.

GENTLEMAN'S QUEEN #6 : KAREN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon