NAPAPATAAS ANG KILAY ko habang papalapit ako sa kumpol ng mga tao saa loob ng opisina namin. Bigla kasing nagpatawag ng meeting ang director namin sa hindi namin malamang dahilan. Kasalukuyan kaming nasa surveillance sa kasong hawak ng team namin ng magpatawag ng meeting. Kadalasan wala ng meeting kapag naibigay na ang trabaho samin, magkakaroon lang ng meeting kapag nasa briefing na kami ng gagawing paghuli.
"Anong meron?"takang tanong ko naman sa isa sa mga kasama ko sa loob na nag-iisang nakaupo samantalang ang iba nga ay nakikipagkumpulan.
"May bago"walang ganang sagot nito.
Mas napataas ang kilay ko ng dahil sa sinabi niya sakin.
Ilang beses na namang nagkaroon ng bagong agent dito sa ahensya namin pero bakit mukhang special ang isang ito at pinagkakaguluhan.
"Hi Love"
Mula sa likod ko isang pares ng matitiponong braso ang yumakap sakin. Bigla tuloy akong kinilig.
"Hello love"lingon ko naman sa kanya.
Dumukwang siya para halikan ako sa labi na agad ko namang tinugon.
"Isang higante at isang bubwit nagtutukaan sa loob ng opisina. Hindi ko alam na wala palang bawal dito"
Napahiwalay ako kay Ben ng wala sa oras ng dahil sa boses ng lalaking iyon. Napakunot ang noo ko ng makita ang lalaking nagsalita ngayon-ngayon lang.
"Anong ginagawa mo dito, Dominador?"gulat kong tanong sa kanya.
Hindi ko inaasahan na makikita ko siya sa lugar na ito. Dahil sa pagkakatanda ko nasa probinsya lang namin siya noong isang linggo.
"Good morning people!"masiglang bati ng Director namin.
"Good morning sir"saludo naman naming lahat.
Napataas ang kilay ko ng makita kong sumaludo din si Dominador dito.
"Demaguiba, glad that your here now"masayang bati naman ng Director namin sa binata.
"SPO2 Dominador Demaguiba, at your service sir"pakilala nito na tinawanan lang ng Director namin.
"Sit down everybody"utos naman ng Director namin.
Agad naman naming sinunod ang utos niya samin, pero all eyes ako kay Dominador na nasa tabi na ngayon ng Director namin. Mukhang pormal siyang ipapakilala samin bilang bagong member ng team namin.
"As all you can see, may bago tayong kasama ngayon. And I guess that everyone in here already meet him."simula ng Director namin.
"But I would like to formally introduce to you, your new Senior Agent Dominador Demaguiba. Kapalit ni Agent Fernando"
Napanganga naman ako samantalang ang mga kasama ko naman ay namangha sa nalaman.
"What can you say, senior agent demaguiba to your new colleague"baling naman ng Director namin sa binata.
Ngumiti siya samin at tinignan kami isa-isa, pero pansin kong mas matagal niya akong tinignan kaysa sa ibang mga kasama namin dito.
"Isa lang ang gusto kong sabihin, please take good care of me I'm kind a fragile"biro niya na ikinatawa ng lahat maliban sakin.
"Maloko ka talagang bata ka, Iiwanan na kita sa mga ito, I already gave you your new assignment."paalam ng Director namin ng maipakilala na niya si Dominador.
Pagkaalis na pagkaalis ng Director namin agad na pinagkumpulan na naman si Dominador ng mga kasama namin. Naiwan lang ako sa upuan ko, kasi maging si Ben nakipagkilala sa Dominador na iyon.

BINABASA MO ANG
GENTLEMAN'S QUEEN #6 : KAREN
RomanceSIXTH BOOK OF GENTLEMAN'S QUEEN Dominador and Karen Story Cover by: PANANABELS