(Fast forward)
After Moving-up ceremony, kwinento nya sakin na lilipat na sya ng school.
"Pinapatapon na ko ni mama sa Pangasinan" sabi nya sakin.
"Oh bakit? Dun ka na mag-aaral?"
sabi ko."Oo, masyado na daw ako napapariwara
tsaka iniisip nila na nagrerebelde ako kasi puro inom na lang daw ginagawa ko" kwento nya sakin.Tuluyan na siyang umalis pero tuloy tuloy pa din kaming nagchahat tungkol sa mga rants nya sa buhay.
"Punta ka sa birthday ko ha. Uuwi ako dyan sa Manila. sabi nya sakin.
"Oo naman. Anong oras ba?"
"Pagkauwian nyo na lang, basta punta na lang kayo, nandun lang naman ako"
Magkasama kami ng boyfriend ko at iba nilang kaibigan, samantalang kasama ko naman ang kaibigan kong babae na si Jade.
"Kain na muna kayo tas dun tayo sa taas, laro tayo ng uno" sabi nya samin.
Wala pa kami sa sampo kaya kasya lang kami sa kwarto nya. Nag usap usap lang din kami tungkol sa mga issues at mga problema namin.
Pagkatapos non ay nag kanya kanya na kaming uwi. Nag usap din kami tungkol sa girlfriend nya at kinekwento nya sakin yung mga problema at pinagdadaanan nilang dalawa.